Quantcast
Channel: Karapatang Pantao – Pinoy Weekly
Viewing all 188 articles
Browse latest View live

Kaso vs mag-asawang Tiamzon, ibinasura ng korte

$
0
0
Sina Wilma at Benito Tiamzon, kasama ang abogadong si Krissy Konti at Ofel Balleta ng Karapatan. Photo courtesy: <b>Krissy Conti</b>

Sina Wilma at Benito Tiamzon, kasama ang abogadong si Krissy Konti at Ofel Balleta ng Karapatan. Photo courtesy: Krissy Conti

Ibinasura ng Quezon City Regional Trial Court Branch 81 ang isa sa dalawang kaso ng kidnapping laban kina Benito Tiamzon at Wilma Austria, mag-asawang rebolusyonaryo at kapwa peace consultant ng National Democratic Front of the Philippines (NDF).

Ayon sa grupong Karapatan, nabigong sumipot sa pre-trial hearing ng korte si Sgt. John Jacob, tumatayong complainant-witness sa isang kaso laban sa mag-asawa.

Dahil sa usaping seguridad, isinagawa ang pagdinig sa Training Service of the Camp Crame PNP General Headquarters sa halip na sa Quezon City Hall of Justice.

Ayon pa sa Karapatan, matapos daw ang pagdinig, galit na lumabas si Wilma Austria dahil sa sakit ng pagkakaposas ng dalawang kamay niya. “May sakit ako sa likod. Hindi ko mapagdikit ang mga braso ko, dahil masyadong masakit. Hiling ko lang posasan nila ako sa isang braso,” sigaw umano ni Austria.

“Napakawalang-pakundangan ng mga guwardiya sa isang babaeng may iniindang karamdaman. Ano’ng kinatatakutan nila samantalang sa loob ng bakuran ng Camp Crame ang biyahe nila?” sabi ni Cristina Palabay, pangkalahatang kalihim ng Karapatan.

Bagamat ibinasura ang isang kaso, magpapatuloy pa rin ang isang kaso ng kidnapping dahil biglaang pagsipot ng isa sa apat na testigo.

“Nakakagulat ang biglang pagsipot ni Lt. Abraham Casis, sa loob ng 28-taong hindi siya sumipot sa anumang pagdinig ng korte na nagbunga ng dismissal ng kaso laban sa iba pang kasama nina Tiamzon sa kaso,” dagdag ni Palabay.

Ang nabanggit na kaso ay pag-aresto ng New People’s Army (NPA) sa limang sundalo noong 1989 sa Tiaong, Quezon. Kasama sa mga tinaguriang prisoners of war ng NPA si Lt. Casis, na pinalaya rin ng grupo.

Habang isinasagawa ang pagdinig sa loob, nagprotesta naman ang iba’t ibang grupo sa labas ng Kampo Crame para ipanawagan ang pagpapalaya sa mag-asawang Tiamzon, gayundin ang iba pang peace consultant ng NDF at mga bilanggong pulitikal.

Bukod sa natirang kaso ng kidnapping, kinakaharap pa ng mag-asawa ang kasong illegal possession of firearms and explosives sa Toledo, Cebu at dinidinig naman sa Manila Regional Trial Court ang kasong multiple murder laban sa kanila.

“Patung-patong na kaso ang isinampa ng rehimeng Aquino sa mga peace consultant. Dahil ayaw na ayaw ng rehimen ang sinseridad ng mga ito para sa tunay at pangmatagalang kapayapaan,” ani Palabay.


Dispatches: Walking in Fear in the Philippines

$
0
0

By Carlos Conde for Human Rights Watch

Human rights and indigenous peoples rights activists in Southern Mindanao. <b>Davao Today</b>

Human rights and indigenous peoples rights activists in Southern Mindanao. Davao Today

In a country where extrajudicial executions by state security forces are a longstanding problem, potential victims take any threat seriously. So when farmers’ rights activist Eduardo Regidor noticed that three armed men were trailing him around Davao City last week, he sought refuge in the local offices of one of the Philippines’ largest human rights organizations, Karapatan. Regidor had recently filed a complaint with Karapatan against local elements of the military, so he had good reason to be fearful.

Regidor’s hunch proved right. The very next evening, one of those same three men tried to forcibly enter the Karapatan compound via the front gate, while the two others tried to scale the wall. They fled when police arrived on the scene. Regidor wasn’t harmed, but several staff and volunteers saw the attempted assault unfold. Among the witnesses were victims of military abuses in the area, including a woman allegedly raped by a soldier.

Karapatan has long been a target of the Philippine security forces. The military has often linked Karapatan and other nongovernmental groups holding decidedly left-wing political views with the rebel New People’s Army (NPA). The NPA, the armed wing of the Communist Party of the Philippines, has been waging an insurgency against the government since 1969. The conflict has sparked extrajudicial killings, enforced disappearances, and torture; and many of the victims have been human rights defenders. Defending victims of human rights abuses by the Philippine security forces can have dire consequences – in several instances during the Benigno Aquino presidency, human rights defenders have been targets of violent attacks. In 2013 a senior military official described Karapatan as an “enemy” of the state, putting the group at particular risk.

The dangers for groups like Karapatan are especially great in areas that are strongholds of the NPA. This includes the eastern and southern Mindanao regions, where Davao City is located.

But there is little to keep security force personnel who commit abuses in check. Despite the arrest last year of the notorious retired army major general Jovito Palparan, who has been implicated in abduction, torture, and enforced disappearances, the Philippines government rarely prosecutes members of the security forces for serious human rights abuses.

The Philippine government needs to get serious about protecting human rights defenders, and investigating those who threaten or attack them. It could start by identifying and arresting the three men who attacked Karapatan’s offices last week. Until the government shows that it will no longer tolerate these grave threats, Eduardo Regidor and others who speak out will continue to walk the streets in fear.

Binhi ng Isang Aklat

$
0
0

Magandang gabi po. Nang mapatay ng militar si Recca Noelle Monte noong Setyembre 2014, mabilis na bumuhos ang mga sulatin, mahaba at maikli, tungkol sa kanya. Naging araw-araw ang Throwback Thursday at naglabasan ang mga larawan kasama siya. Walang abi-abiso sa taba o payat, kinis o gaspang, kintab o tuyot ng mukha, laki o liit ng buhok ng mga kasama niya sa larawan. Sabihin pa, marami sa mga sulatin at larawang ito ang nakita at nabasa sa Facebook.

Para sa huling parangal ni Recca sa Church of the Risen Lord, tinipon ang mga sulatin at larawang ito ng matatalik na kaibigan at kasama niya at inilathala sa isang booklet. Kaunti lang ang kopyang inilimbag, dahil para lang talaga iyun sa pamilya Monte at malalapit na kasama’t kaibigan. Mahaba ang titulo ng booklet – Recca, karugtong ang lahat ng pangalan niya sa pakikibaka.

Ang booklet na ito ang binhi ng librong inilulunsad natin ngayon. Dahil sa pagluluksa at pangungulila, may mga kaibigan at kasamang paulit-ulit na binasa ang booklet. Napansin nila na iba’t ibang bahagi ng buhay at pakikibaka ni Recca ang pinaksa ng mga sulatin, at bihira ang puntong naulit. Samantala, nagtuluy-tuloy pa ang pagbuhos ng mga sulatin tungkol kay Recca at ang mga larawan niya.

Pabalat ng librong "Recca: From Diliman to the Cordilleras"

Pabalat ng librong “Recca: From Diliman to the Cordilleras”

Hanggang sa may nagkaroon ng ideyang palawigin ang booklet at gawin itong isang buo at “tunay” na libro. “Dapat lang!” ang sabi ng mga kaibigan at kasama ni Recca. Mahigit isang dekada siyang miyembro ng New People’s Army o NPA, bukod pa sa ilang taong naging aktibista. Noong namatay siya, isa na siyang lider ng Partido Komunista ng Pilipinas, ng isa sa mga panrehiyong organo nito. Hindi kalabisang sabihing kasama siya sa “the best and the brightest” ng aming henerasyon – at “the warmest” din, patunay ang napakaraming nagmamahal sa kanya.

Ang huwaran ng mga kasama at kaibigan niyang nakaisip na gawin itong libro ay ang Edjop: The Unusual Journey of Edgar Jopson na isinulat ni Benjamin Pimentel, Jr. Ang tinutukoy ay iyung orihinal na bersyon na nalathala noong 1989, hindi iyung UG, An Underground Tale: The Journey of Edgar Jopson and the First Quarter Storm Generation na binagong bersyon ng nauna at inilathala noong 2006. Sa huli kasi, ginamit ang buhay at pakikibaka ni Edjop laban sa NPA at PKP, na kinakasapian at pinapamunuan ni Edjop noong napatay siya ng militar.

Anu’t anuman, mahalaga sa aming henerasyon ng mga kabataang aktibista noong ikalawang hati ng dekada ’90 at maagang bahagi ng mga taong 2000 ang librong Edjop. Buhay na kwento kasi ito ng puspusang pakikibaka ni Edjop sa panahong iyun ng batas militar – una sa kilusang paggawa, sa Metro Manila, at pagkatapos ay sa Mindanao. Mababasa sa libro kung paano siya tumindig sa gitna ng mga tunggalian, sa sarili at sa loob ng Kilusan. Itinatangi ng marami sa amin ang mga bahagi ng libro na naglalarawan ng pamumuno niya, kung paano siya bilang kadre ng PKP. Sabi sa libro, halimbawa, parang barkada lang ang mga namumuno sa Mindanao noong bago siya dumating, pero naging pormal ang mga pulong nang siya na ang kalihim.

Ngayon gabi, masayang-masaya tayo na narito na ang ating libro. Palakpakan natin ang napakagandang librong Recca: From Diliman to the Cordilleras! Para sa pagkuha niya sa proyektong ito, palakpakan natin ang larawan ng makabayang guro at editor ng libro, si Prop. Judy M. Taguiwalo! Para sa napakahusay niyang pagbubuo, paglalatag at pagdidisenyo ng mga sulatin at larawan, palakpakan natin si Karl Fredrick M. Castro! Para sa mahusay at mabilis na paglalathala sa libro, palakpakan natin ang Southern Voices! Para sa kanilang mahuhusay na ambag, palakpakan natin ang napakaraming kontribyutor sa librong ito!

Nagagalak man tayo ngayon sa paglulunsad ng aklat, lagi’t lagi nating inihahabol na may mga kaakibat na panawagan ang librong ito. Isigaw natin ang mga panawagang ito. Katarungan para sa mga martir ng Lacub, Abra! Palayain si Kennedy Bangibang, bilanggong pulitikal! Syempre pa: Mabuhay ang pambansa-demokratikong rebolusyon!

Nagagalak po tayo ngayong gabi na ang booklet na binhi ng librong ito ay sumibol na at naging isang magandang aklat. Hangad natin na ang librong ito, ang Recca: From Diliman to the Cordilleras, ay maihasik sa maraming bahagi ng bansa at maging binhi rin – ng maraming malayang kamalayan, ng maraming malayang bisig, lahat para sa isang malayang bayan!

08 Mayo 2015

* Talumpating hindi nabasa, dahil nahiya, sa paglulunsad ng Recca: From Diliman to the Cordilleras noong 22 Abril 2015 sa Quezon Hall, Unibersidad ng Pilipinas-Diliman.

Arrests, harassment vs peace consultants, negotiator intensify

$
0
0
NDFP negotiating panel chief Luis Jalandoni <b>Boy Bagwis</b>

NDFP negotiating panel chief Luis Jalandoni Boy Bagwis

Human rights group Karapatan scored the Aquino administration for arresting another peace consultant to the National Democratic Front of the Philippines (NDFP).

Karapatan said peace consultant Adelberto Silva, 67, was arrested by combined elements of military intelligence units as well as the Criminal Investigation and Detection Group of the Philippine National Police (PNP) on June 1 in Molino, Bacoor, Cavite. He was arrested along with his wife, Rosanna Cabusao, and another companion, Isidro de Lima.

Silva, as an NDFP peace consultant, is protected by the Joint Agreement on Safety and Immunity Guarantees (Jasig), and was arrested while holding a Jasig identification under the assumed name Percival Rojo. Aside from being a peace consultant, Silva was a long-time trade union organizer and is a currently consultant of the Kilusang Mayo Uno (KMU), according to Karapatan.

Cabusao, meanwhile, was a member of the women’s alliance Gabriela and a one-time member of the editorial board of Pinoy Weekly in 2002. She is also currently a researcher and consultant for the independent labor institution Crispin B. Beltran Resource Center.

Rossana "Sharon" Cabusao, at the Pinoy Weekly office in 2004. <b>PW File Photo</b>

Rosanna “Sharon” Cabusao, at the Pinoy Weekly office in 2004. PW File Photo

Government prosecutors have charged Silva with the same multiple murder cases in Aparri, Cagayan and Laoang, Northern Samar as that against peace consultants Wilma and Benito Tiamzon. The authorities also charged the three with illegal possession of firearms and explosives.

“(The arrest of Silva shows) how the GPH (Philippine government) continues to undermine the peace process by disregarding Jasig and the Comprehensive Agreement on the Respect for Human Rights and International Humanitarian Law because of the trumped up charges filed against peace consultants,” said Palabay.

Palabay added that the evidences against them were “planted during the raid by the CIDG”. She said that the practice of planting evidence against individuals accused of involvement in the revolutionary movement must stop.

Karapatan said that such practice of planting evidence was also monitored in the arrest and detention by military and police elements of another peace consultant and 12 individuals in Caloocan and Quezon City this March.

Luis Jalandoni, together with wife and fellow NDFP negotiator Coni Ledesma, in a press forum sponsored by PinoyMedia Center last April 2015. <b>Boy Bagwis</b>

Luis Jalandoni, together with wife and fellow NDFP negotiator Coni Ledesma, in a press forum sponsored by PinoyMedia Center last April 2015. Boy Bagwis

Harassment vs Jalandoni

The NDFP’s chief political consultant, Prof. Jose Maria Sison, meanwhile, cried foul over the Aquino administration’s alleged harassment and threats against Luis Jalandoni, head of the NDFP negotiating panel.

“In sharp contrast to previous regimes, the Aquino regime has emerged as the worst violator of the Jasig by harassing Jalandoni with an invalid and improperly served subpoena and threatening to arrest and imprison him on trumped up charges of nonbailable common crimes, such as “kidnapping and serious illegal detention of four named policemen (captured by the NPA on July 10, 2014 in Surigao del Norte and released on July 29, 2014) and violation of R.A. No. 9851 (Crime against Humanitarian Law and other Crimes against Humanity),” said Sison.

He said that Jalandoni has headed NDFP’s peace negotiations with the Philippine government since the 1990s, and has visited the Philippines many times for consultations and family visits. He and his wife, the fellow NDFP peace negotiator Coni Ledesma, are based in the international office of the NDFP in The Netherlands.

Sison added that the Aquino administration is “the most malicious of all regimes” by asking for Jalandoni’s help for the release of policemen arrested by the New People’s Army (NPA) last year. Now, this same administration “is hurling…false charges of common crimes” in connection with the policemen’s arrest by the NPA.

He pointed out that Interior Sec. Manuel Roxas III and GPH peace panelist Hernani Braganza sought Jalandoni’s help for the policemen’s release. Roxas, together with Defense Sec. Voltaire Gazmin and Office of the President for Peace Process (Opapp) Sec. Teresita Deles, was present during the NPA’s release of the arrested policemen.

“It is reprehensible that the Aquino regime is acting viciously and maliciously by violating the safety and immunity guarantees that protect Luis Jalandoni and by misrepresenting as a crime the facilitation done by Jalandoni to help realize the humanitarian act and goodwill measure of the NDFP in causing the release of the four policemen and seeking to improve the atmosphere for the resumption of formal talks in the GPH-NDFP peace negotiations,” Sison said.

Sison added that the attacks against Jalandoni came at a time when he just recommended to the NDFP Executive Committee “to give permission to the NDFP Negotiating Panel to undertake exploratory talks prior to formal talks, despite the recent outburst of Aquino against the NDFP and (me).”

He called on the Aquino administration to respect Jasig and allow Jalandoni’s safe passage to his negotiating post and office in the Netherlands in order that the exploratory talks will proceed “and not be disrupted by petty-minded and malicious obstructions.”

Bagong bilanggong pulitikal, ipinanawagang palayain

$
0
0
Protesta ng iba't ibang grupo sa harapan ng Camp Crame para palayin ang mga bilanggong politikal. <strong>Pher Pasion</strong>

P8ket sa harapan ng Kampo Crame para palayin ang mga bilanggong pulitikal. Pher Pasion

Nagprotesta sa harapan ng Kampo Crame sa Quezon City ang iba’t ibang grupo para ipanawagang palayain nang walang kondisyon ang tatlong detenidong pulitikal na dinakip sa Molino, Cavite noong Hunyo 1.

Iginiit nila na walang batayan ang pagkakaaresto kina Sharon Cabusao, ang asawa nitong si Adelberto Silva na isang National Democratic Front (NDF) consultant, at drayber na si Isidro de Lima na nakakulong ngayon sa Crame.

Inaresto si Silva sa bisa umano ng mandamyento de aresto hinggil sa mga kasong multiple murder sa Aparri, Cagayan, at sa Laoang, Northern Samar.

Kinasuhan naman ng pagkakanlong umano ng pugante sina Cabusao at de Lima. Sinampahan din ang tatlo ng kasong illegal possession of firearms and explosives.

“Kami po ay nababahala sa patuloy na pag-aresto at pagpe-penalize sa mga aktibista at sa ordinaryong mga mamamayan ng gobyerno sa pamamagitan ng mga gawa-gawang kaso, trumped-up charges, na wala namang batayan,” ani Ron Villegas ng Crispin B. Beltran Resource Center.

Ayon kay Roger Soluta, pangkalahtang kalihim ng Kilusang Mayo Uno, itinanim lamang ang mga armas na di umanoy nakuha sa tatlo para bigyang dahilan ang ilegal na pag-aresto sa kanila.

Noong inaresto, si Silva ay may hawak ng identipikasyong protektado siya ng Joint Agreement on Safety and Immunity Guarantees (Jasig), isang kasunduan sa usapang pangkapayapaan ng gobyerno at NDF na nagsasabing di dapat maaresto ng kabilang panig ang mga kalahok sa usapang pangkapayapaan.

Ani Soluta, ipinakikita ng pag-aresto ang kawalan ng sinseridad ng administrasyong Aquino sa mga usaping pangkapayapaan at pagdinig sa mga hinaing ng mga mamamayan.

“Imbes na lutasin ang ugat ng problema, resolbahin ang dahilan ng tunggalian o armadong labanan, anong ginawa nito? Inaresto ng gobyerno ni Aquino ang isang NDF consultant at lider ng Gabriela at KMU. Malinaw na walang paggalang ang gobyernong itong manhid sa pagnanais ng mamamayang Pilipino,” aniya.

Sa tala ng grupong pangkarapatang pantao na Karapatan, mayroong 527 bilanggong pulitikal sa bansa. Si Cabusao, na dating public information and international relations officer ng Gabriela, ang ikaapat sa mga babaing bilanggong pulitikal sa ilalim ng administrasyong Aquino.

<strong>Pher Pasion</strong>

Pher Pasion

Tinuligsa ng Gabriela ang dumaraming bilang ng mga babaing bilanggong pulitikal at ang kalagayan nila sa bansa. “Marami sa kanila’y may mga sakit na, matatanda, deka-dekada na halos sa kulungan pero hindi umuusad ang kaso,“ ani Joms Salvador, pangkalahatang kalihim ng Gabriela.

Ayon pa kay Salvador, isa lang si Sharon Cabusao na may sakit sa dugo sa mga bilanggong pulitikal na nangangailangan ng agaran at espesyal na paggamot. Sina Wilma Tiamzon na hinihinalang mataas umanong lider ng Partido Komunista ng Pilipinas, ay mayroong sakit sa bato at ang 65 taong gulang na si Moreta Alegre ay nakaambang mawalan ng paningin dahil sa advanced cataract.

Kasabay nito’y inilunsad ng Gabriela ang kampanyang “Free Sharon Cabusao! Free All Political Prisoners!” at iginiit ang pagrebyu ng mga kaso ng mga bilanggong may karamdaman at kagyat na pagpapalaya sa mga ito.

“Hinihingi namin ang kagyat na pagpapalaya kay Sharon para sa humanitarian na mga dahilan, at sa katunayang walang katotohanan ang mga kaso sa kanya. Pananagutin namin ang gobyernong Aquino sa kung anumang mangyari sa kaniya bilang resulta ng pagpapabaya sa mga espesyal niyang pangangailangan,” ayon kay Salvador.

Kasama rin sa kilos-protesta si Mia de Lima, ang anak ni Isidro de Lima.

“Ang pamahalaan ni Aquino, sila ang kriminal. Ilang tao pa ba ang makakaranas ng ganitong paglapastangan sa karapatang pantao? Ilang pamilya pa ba ang makakaranas ng sakit na mawalay sa mahal sa buhay?” aniya.

Mahigit isang linggo nang nakadetino sina Cabusao, Silva at de Lima sa Criminal Investigation and Detection Group ng Philippine National Police sa Camp Crame.

Int’l People’s Tribunal to be convened July in US, will hear cases vs Aquino, Obama

$
0
0
Complainants called on presidential candidates in 2016 to stand for justice by heeding the decisions to be forwarded by the IPT. <b>Darius Galang</b>

Complainants called on presidential candidates in 2016 to stand for justice by heeding the decisions to be forwarded by the IPT. Darius Galang

As the 2016 presidential elections draw near, people’s organizations and individuals ask: “Who will stand for justice?”

The groups ask this as they ready the charges against Philippine Pres. Aquino and U.S. Pres. Barack Obama to be filed before the International People’s Tribunal (IPT), in a press conference held at Coconut House in Quezon City Memorial Circle on June 16.

The complainants, which included Edita Burgos, mother of disappeared activist Jonas Burgos, Nikki Gamara, daughter of political prisoner Renante Gamara, and many others, called on possible presidential candidates to support their quest for justice in the IPT as well as during the campaign period.

“We don’t need promises,” said Karapatan Secretary-General Christina Palabay. “Will the candidates respect, support and uphold the IPT set to try multiple criminal charges agains t the Aquino government? If the verdict comes out, will they deliver on its resolution once they assume office.”

Karapatan and the IPT complainants called on the prospective candidates to heed global calls for justice like that of a possible IPT verdict.

The complainants said they had no choice but to seek support of the international community after the Aquino administration continued to stonewall efforts to achieve justice within the Philippine justice system.

The IPT is an international body convened by prominent legal experts and human rights advocates to hear and decide on cases of human rights abuses by the Aquino regime, with the active support of the US administration. As a citizen-convened tribunal, its decisions will be judicially non-binding, but will provide moral suasion for the international community to put pressure on the erring regimes.

The human rights group Karapatan led in preparing the documents for the cases against the Aquino and Obama administrations.

The charges are gross violations of civil and political rights, gross violations of economic, social and cultural rights, and gross violations of right to national self-determination.

Prominent human rights cases to be filed before IPT include the killing of Fr. Pops Tentorio, Willem Geertman, Leonard Co and many others; the militarization and forced evacuation of communities in Southern Mindanao; the killing of civilians and hors d’combat in Lacub, Abra; the imprisonment and persecution of political dissidents; the various cases of violent demolition of urban poor communities in Metro Manila; and even the massive corruption of public funds like the Disbursement Acceleration Program.

Karapatan said that in all of these cases, Philippine state security forces are culprit and the Aquino administration has been blocking efforts for justice.

“The IPT is an opinion tribunal which we could call a ‘court of the people.’ This is an exercise of direct action by the people, ” said lawyer Edre Olalia, National Union of Peoples’ Lawyers secretary general and one of the clerks of court in the IPT.

The tribunal will be held on July 16 to 18 in Washington DC, USA. Senator Lee Rhiannon of the Australian Parlaiment will preside before the Tribunal.

International jurors will include Azaded Shahshahani of the National Lawyers Guild, UN Human Rights Council advisor Camilo Pérez-Bustillo, International Affairs Advisoty Committee to the UN Rev. Dr. Molelfe Tsele, and Economic Justice Executive Director Rev. Malcolm Damon.

Former US Attorney General Ramsey Clark will spearhead the prosecution, while Olalia will facilitate the collecting and forwarding of the charges.

Olalia pointed out that the tribunal will be fair to the complainants as well as the accused.

“They will just listen, evaluate, and come up with a verdict on their own. Of course, the complainants will assert that there are violations. The defendant will assert that they are not liable. It is up to the tribunal to decide on that,” he elaborated.

Olalia said that as a clerk of court, he himself cannot make any judgment as to how the tribunal must proceed with prosecuting the cases against the defendants.

“I cannot preempt the verdict of the tribunal. I can facilitate, and I can give the necessary assistance to the complainants,” he added.

Olalia also said the indictment should already be ready to be submitted to the respondents.

“Ideally, this should be today,” he said, as one month must be alloted for the respondents to receive the complaints. “There are still some procedural matters that needs (to be addressed), but at the latest, I think 15 days is enough. Typically even in the normal legal system, 15 days is the normal.”

The Aquino administration, he said, will receive summons for the hearings, and it it up to them to participate or not in the IPT processes.

As for the Obama government, Olalia said that it will be informed of the IPT hearings, through the US embassy in Manila or the US State Department in Washington DC.

Infographic | Military attacks on Lumad community schools in Mindanao

$
0
0

Here is an alarming statistic: About 3,000 Lumad children have been denied of their right to education because of the Aquino administration’s counter-insurgency military offensives in Mindanao. And in the center of it all–along with the various units of the Armed Forces of the Philippines, of course–is the Department of Education itself, with its Davao del Norte division leading the shut down of Lumad community schools. And although DepED Region XI has reportedly backed down on its proposals to shut down the schools, it has so far refused to release these institutions’ permits.

Here are the other alarming facts and figures on the extent of military attacks on Lumad community schools in Mindanao. The infographic was prepared by the Save Our Schools Network, which campaigns against militarization of schools across the country.

Click on the infographic to enlarge the image.

Infographic by Save Our Schools Network

Infographic by Save Our Schools Network

Planong paglipat kay Silva, dalawa pa tinututulan

$
0
0
Dala ng mga lider ang kanilang sulat para sa opisyal ng Philippine National Police para ipahayag ang kanilang pagtutol sa paglipat ng mga bilanggong politikal. <strong>Pher Pasion<strong>

Dala ng mga lider ang kanilang sulat para sa opisyal ng Philippine National Police para ipahayag ang kanilang pagtutol sa paglipat ng mga bilanggong politikal. Pher Pasion

Sumugod ang iba’t ibang grupo sa Kampo Crame sa Quezon City para tutulan ang planong paglipat sa tatlong bilanggong politikal patungo sa magkakahiwalay na kulungan sa Taguig City at Bacoor, Cavite.

Nagsumite umano ng kahilingan si Philippine National Police (PNP) Superintendent Danilo Macerin, hepe ng Criminal Investigation and Detection Group-National Capital Region, na ilipat ang bilanggong politikal na si Adelberto Silva sa Special Intensive Case Area sa Camp Bagong Diwa sa Taguig City. Samantala, nais namang ilipat sina Sharon Cabusao (asawa ni Silva) at Isidro de Lima sa Bacoor City Jail sa Cavite.

“Hindi nga dapat sila inaresto, una pa lang. Ngayon, magdadagdag pa ng insulto ang PNP sa rekomendasyong ilipat sila sa mga kulungang mas masahol ang kalagayan kesa sa Kampo Crame,” ayon kay Lana Linaban, pangkalahatang-kalihim ng Gabriela Women’s Party.

Hindi umano makatao ang gagawing paglipat dahil sa kasalukuyang kondisyon sa kalusugan ng mga nasabing bilanggong politikal. Tiyak na magpapalala lamang ng kanilang mga karamdaman ang gagawing paglipat.

Nagpiket ang iba't ibang grupo para ipanawagan ang pagpapalaya sa mga bilanggong politikal. <strong>Pher Pasion</strong>

Nagpiket ang iba’t ibang grupo para ipanawagan ang pagpapalaya sa mga bilanggong politikal. Pher Pasion

Sumailalim na sa angioplasty ang 67-taong gulang na si Silva. Hinaharap naman ni Cabusao ang sakit na leukemia at may sakit sa kaniyang thyroid. Samantala, may hypertension naman si Silva.

“Nasa panganib na ang buhay ni Cabusao. Bakit gustong ilagay ng PNP ang kaniyang buhay sa higit na panganib? Sapat na batayan na ang kaniyang kondisyon para siya ay palayain para sa humanitarian reasons. Hindi pa natin binabanggit ang kuwestiyonable at ilegal na pag-aresto at pagkulong sa kaniya,” ayon kay Helen Simplina, tagapagsalita ng Free Sharon Cabusao Campaign.

Inaresto sina Silva nitong Hunyo 1 sa Molino, Bacoor, Cavite sa mga kasong multiple murder sa Aparri, Cagayan, at sa Laoang, Northern Samar kahit na protektado dapat  si Silva ng Joint Agreement on Safety and Immunity Guarantees bilang National Democratic Front Consultant on peace process.

Samantala, kinasuhan sina Cabusao at de Lima ng pagkakanlong ng isang pugante. Humaharap din ang tatlo sa kasong illegal possession of firearms and explosives.

Nakatakda namang maglunsad ng serye ng pagkilos ang Free Sharon Cabusao Campaign para palayain si Cabusao at dalawa pa niyang kasamahan. Kabilang na dito ang paghahain ng reklamo sa Commission on Human Rights sa July 2 kasabay ng kanilang gagawing Global Day of Action para kumalap ng suporta sa ibayong dagat.


Adelberto Silva: Ang nawawalang boses ni Ka Amado

$
0
0
Adelberto Silv, nagpapatuloy sa laban ni Ka Amado Hernandez. <b>KR Guda</b>

Adelberto Silva, nagpapatuloy sa laban ni Ka Amado Hernandez. KR Guda

Maliban mismo sa may-akda—ang yumaong National Artist na si Amado V. Hernandez—may isang tao lamang na kayang bigkasin nang tama ang klasikong tula na Kung Tuyo na ang Luha Mo, Aking Bayan.

Siya si Adelberto Silva.

Nang inaresto si Silva noong Hunyo 1, kasama ang asawang si Sharon Cabusao at kasamahang si Isidro de Lima, ipinagmalaki ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na nahuli nila ang isang mataas na opisyal ng Communist Party of the Philippines.

Giit naman ng National Democratic Front of the Philippines (NDFP), si Silva ay konsultant nila sa prosesong pangkapayapaan at isang batikang lider-obrero. Diumano’y ilegal ang pagkakaaresto at gawa-gawa ang kanilang mga kaso. Gaya ng 17 pang nakakulong na NDFP consultants, protektado dapat si Silva ng Joint Agreement on Immunity and Safety Guarantees o Jasig, isang kasunduang pinirmahan ng gobyerno at ng NDFP.

Nagpunta ako sa Criminal Investigation and Detection Group-NCR holding cell sa Camp Crame kung saan nakakulong si Silva, para ikumpirma—hindi ang paratang ng AFP, o ang sinasabi ng NDFP—kundi ang isa pang balitang narinig ko mula sa mga nakakakilala ka kanya.

Si Silva raw ang nawawalang boses ni Ka Amado. Siya raw ang tanging may kakayahang bigkasin ang Kung Tuyo na ang Luha Mo, Aking Bayan sa paraang itinuro mismo ni Ka Amado.

Natagpuan ko si Silva sa loob ng kanyang masikip, mainit at inaalikabok na selda. Kasama niya rito ang asawang si Sharon Cabusao—dating opisyal ng Gabriela, dati naming editor sa Pinoy Weekly, at konsultant ng Crispin B. Beltran Resource Center.

Sa naunang dalaw, ikinuwento na sa amin ni Sharon kung paano nagtanim ng ebidensiya ang CIDG noong gabi ng kanilang pagkahuli. Walang warrant of arrest laban sa kanya at kay de Lima, na sa bandang huli’y kinasuhan na lang ng illegal possession of firearms and explosives. Mga kasong katawa-tawa, kung tutuusin, dahil sa pisikal na limitasyon ni Sharon na may sakit, at dahil asawa niya ang pinagbibintangang “kinakanlong” na kriminal.

Pero ang kuwentong ito ay hindi tungkol kay Sharon, kundi sa asawa niyang si Adel. Si Adel, na bayani raw noong Martial Law, at deka-dekadang nagsilbi sa mga manggagawa. Si Adel, na kinupkop ni Ka Amado, at tila kahalintulad ang landas.

Kung Tuyo na Ang Luha Mo, Aking Bayan

1967. Nakalabas na ng piitan si Ka Amado nang makilala niya si Adel. Limang taon na nakulong si Ka Amado, matapos ang crackdown ng administrasyong Quirino laban sa pinaghihinalaang mga komunista, sa gitna ng noo’y sumisiglang kilusang paggawa. Kinasuhan si Ka Amado ng rebelyon, kasama ng murder, arson, at robbery— mga kasong kriminal gaya ng ikinakaso ngayon sa mga konsultant ng NDFP.

Sa loob ng piitan, sinulat ni Ka Amado ang pinakasikat niyang mga akda—mga nobela, tula, at dula—na sa kalaunan ay magiging esensiyal na bahagi ng pambansang literatura.

Pero hindi lang mahusay na manunulat si Ka Amado. Mahusay siyang bumigkas ng mga tula. At sa loob ng ilang taon noong huling bahagi ng dekada ‘60, ipinamana niya kay Adel ang mga sikreto ng tamang pagbigkas nito.

Tagapangulo ng board of judges noon si Ka Amado sa isang paligsahan sa pagbigkas na inisponsor ng lokal na pamahalaan ng Maynila. Nagkamit ng unang gantimpala si Adel, na noo’y estudyante ng Journalism sa Lyceum University. Simula noon, nakuha niya ang atensiyon ni Ka Amado. Sinanay siya nito sa pagbigkas ng kanyang mga tula.

“Nawawala na kasi ang boses niya noon,” paliwanag ni Adel. Kaya’t tuwing iniimbitahan sa iba’t ibang okasyon, gaya ng graduation o pista, sinasama ni Ka Amado si Adel para bumigkas ng tula.

Sa lahat ng mga tula na sinasanay ni Adel na bigkasin, isa lang ang nakuha niya na tamang paraan ng pagbigkas: ang Kung Tuyo na ang Luha Mo, Aking Bayan. “Kulang pa raw ako sa practice, doon sa iba niyang tula,” nakangising sinabi ni Adel.

Ginawa namin ang audio recording ng tula sa loob ng selda. (Hindi kami pinayagan na gumamit ng video). Paliwanag ni Adel, mas angkop na binibigkas ito sa malaking espasyo, gamit ang malaking boses. Pero dahil wala kaming pagpipiliang lugar kundi ang loob ng selda, at walang ibang audience kundi ang mapagmatiyag na mga guwardiya, sinikap niyang gamitin ang “restrained” na paraan ng pagtula:

Sa gitna ng pagtula, nangingilid na ang luha sa kanyang mga mata. Nakakaluha pala talaga ang mga berso. Pero minsang ipinaliwanag ni Ka Amado kay Adel: hindi ito tula ng pagluha o pag-iyak. Tula ito ng galit.

Sa aklatan ni Ka Amado

Doon sa bahay ni Ka Amado nagsasanay si Adel tumula. At sa malawak na aklatan ng manunulat, una siyang nakabasa ng mga akda ng mga rebolusyonaryong pilosoper na sina Karl Marx, Friedrich Engels, at Vladimir Lenin. Hindi pa siya aktibista noon. Pero si Ka Amado, marami nang nagawa para sa bayan. “Sa tingin ko, lider-manggagawa muna siya, bago isang makata,” sabi ni Adel.

Taong 1947 noong nahalal si Ka Amado—noo’y isang peryodista—na pangulo ng Congress of Labor Organizations (CLO). Sa kanyang pamumuno, nanguna ang CLO sa pinakamalalaking laban ng mga manggagawa sa panahong iyon. Mula 1948 hanggang 1950, sunud-sunod na mga welga ang ipinutok ng libu-libong manggagawa, sa mga empresa gaya ng Republic Sawmill, Philippine Refining Co., Benguet Consolidated Mines, Franklin Baker, at iba pa. Ang malaking papel ni Ka Amado sa kilusang paggawa ang isa sa naging dahilan ng kanyang ilegal na pagkakakulong.

Noong 1964, pinawalang-sala ng Korte Suprema ang mga kaso laban kay Ka Amado. Kinikilala ngayon bilang Hernandez Doctrine ang makasaysayang desisyon ng Korte Suprema sa People of the Philippines vs. Amado V. Hernandez. Ayon dito, ang isang tao na kinasuhan ng rebelyon ay hindi na maaaring kasuhan pa ng hiwalay na kasong kriminal.

Nakakabahala na kabaligtaran ng doktrinang ito ang ginagawa ngayon na pagsasampa ng mga kasong kriminal sa mga konsultant ng NDFP, ayon kay Adel.

Sa mga taon bago ang kamatayan ni Ka Amado noong 1970, mabilis na sumiklab ang progresibong kilusang estudyante. Lumahok dito si Adel. Iniwan niya ang pag-aaral ng peryodismo, at sa halip, tumugon sa panawagang “makiisa sa mga manggagawa at magsasaka.” Naging aktibo siya sa mga gawaing unyon, at naging tagapangulo ng Pambansang Kilusan ng Manggagawang Pilipino (PAKMAP).

Kasabay nito, pumasok si Adel sa teatro, sa tulong na rin ni Ka Amado. Gumanap siya sa dula nitong Magkabilang Mukha ng Isang Bagol, na itinanghal sa harap ng First Couple sa isang okasyon sa National Press Club noong 1969. Kahit pa sila ang pinatatamaan ng satirikal na dula, “deadma lang ang mag-asawa,” kuwento ni Adel.

Silva (kaliwa) kasama ang pangkalahatang kalihim ng Gabriela Women's Party na si Lana Linaban. <b>KR Guda</b>

Silva (kaliwa) kasama ang pangkalahatang kalihim ng Gabriela Women’s Party na si Lana Linaban. KR Guda

Kasama ang batikang aktor na si Tommy Abuel, gumanap din si Adel sa dulang Tao, isang produksiyon ng Philippine Educational Theater Association (PETA) na sinulat ni Isagani Cruz at dinirehe ni Cecile Guidote. “Pumupunta noon si Adel sa rehearsals tuwing gabi na bangas-bangas ang mukha. Galing kasi sa piketlayn,” kuwento sa akin ng isang dati niyang kasamahan sa PETA, na nagulat nang mabalitaan ang tungkol sa kanyang pagkakaaresto.

Natawa si Adel sa alaala: welga pala iyon ng Continental Bazaar, isang shopping mall sa Avenida St. sa Maynila. Kasama siya ng mga manggagawa na dumedepensa sa piketlayn laban sa Metrocom.

Pero natapos ang kanyang maikling karera sa entablado nang ideklara ang Martial Law. Pumanaw na noon si Ka Amado, bagamat buhay na buhay ang kanyang mga ipinaglaban. “Isa siyang makabayan hanggang sa huling hininga. Kahit humihina ang katawan, umiikot pa rin si Ka Amado sa mga unyon. Tuwang-tuwa siyang makita ang muling pagsigla ng kilusang paggawa,” kuwento ni Adel.

‘Bayani ng Martial Law’

Gaya ng maraming aktibista noong Martial Law, pinili ni Adel na mag-underground at lumaban sa diktadura. Matapos ang pag-oorganisa sa mga magsasaka sa Gitnang Luzon at Kordilyera noong dekada ‘70, bumalik siya sa National Capital Region para muling mag-organisa ng mga manggagawa noong dekada ‘80.

Naging adviser siya ni Rolando “Ka Lando” Olalia, noo’y tagapangulo ng Kilusang Mayo Uno (KMU). Kasama ang KMU, nanguna siya sa mga laban para sa karapatang magwelga noong diktadura—kabilang dito ang makasaysayang welga sa Solid Mills noong 1983.

Matapos ang People Power, tumulong naman si Adel sa kampanya ng Partido ng Bayan. At noong 1987, lumahok si Adel sa preparasyon sa unang usapang pangkapayapaan sa pagitan ng gobyerno at ng NDFP.

Nagtuluy-tuloy ang kanyang gawain sa NDFP bilang konsultant sa mga usaping pang-manggagawa. Tumulong siya sa pagbubuo ng mga panukala sa Comprehensive Agreement on Socio-Economic Reforms, isang dokumentong instrumental sa pag-usad ng usapang kapayapaan at paglutas ng mga ugat ng armadong tunggalian.

Sa press conference ng Free Adel Silva Committee noong Hulyo 1, sinabi ni Sr. Emelina Villegas, ICM, tagapangulo ng board of directors ng Center for Trade Union and Human Rights, “Ilang dekada ko nang kilala si Adel. Inalay niya ang buhay niya sa serbisyo ng mga manggagawang Pilipino. Bayani siya ng Martial Law. Hindi siya dapat ikulong.”

Sumuporta rin kay Adel sa presscon sina Satur Ocampo, dating mambabatas at negosyador ng NDFP, Vicente Ladlad na konsultant ng NDFP, at dating Budget Secretary Salvador Enriquez.

Iniwan ko kay Adel ang aking libro ng koleksiyon ng mga tula ni Ka Amado. Tuwang-tuwa siya sa pagkakataon na muling aralin ang mga turo ni Ka Amado sa pagtutula—kahit lampas-lampas na rito ang naiambag niya sa mithiin ng dakilang manunulat at lider-obrero.

“Tamang-tama,” sabi niya. Hinahanap niya ang tulang Panata sa Kalayaan. Marahil, dahil ang mga berso nito’y sukat na sukat sa kanyang kalagayan:

Ang aking katawa’y oo nga’t bilanggo,

nguni’t ang isipan at tibok ng puso

ay di mangyayaring kulungin saglit man ng bakal o ginto;

ang pananalig ko sa malayong kuro,

kasama ng hangin at sikat ng araw sa lalong malayo;

sa huni ng ibon, sa sigaw ng alon at angil ng punlo,

sa tutol ng madla sa lahat ng utos na buktot at liko,

sa sumpa ng tao sa kawalang-budhi ng masamang puno,

ay nakikisaliw ang aking kalulwang walang pagkahapo,

hanggang sa makamtan ng bayan ang taal

na lupang pangako—

Last man standing of Magkahunao

$
0
0
PW-datu-ikoy-pher

Datu Ikoy, a Lumad leader, refused to leave his land. Pher Pasion

The military came and forced everyone to leave.

Everyone, that is, but Francisco Enrique, 70. Datu (tribal chief) Ikoy, as he is commonly known by the Lumad in Sitio Magkahunao, Brgy. Buhisan in San Agustin town of Surigao del Sur, remains unmoved despite the threats and terror government forces are sowing in their communities today.

When the killings in nearby town of Lianga happened, members of Datu Ikoy’s village also evacuated to the Surigao del Sur Sports Center in Tandag City, especially after government troops also began arriving in their village.

Two houses were burned after residents evacuated to the evacuation center. There were no witness to the incident. Nevertheless, Datu Ikoy said only the military were present in the area when the incident happened.

About 25 families or 124 individuals were displaced, while the village’s sole indigenous school was forced to close down.

On September 6, more than 50 armed men came to his house. They were military, he was sure. Three armed men pointed their guns at him and asked him to leave. But the threat of death could not drive him away from his land. The next time the soldiers came, Datu Ikoy hid in the forests.

“I thought then that these were the men who killed (my fellow Lumad leaders) in Han-ayan. In the lowlands, soldiers appear to be kind. But here, they are more like bandits,” said Datu Ikoy. He said the soldiers took belongings from the house they entered–from sugar bags to groceries–and loaded these in a helicopter.

Although he supported the organized evacuation of his villagers as part of the resistance against militarization, he did not want leave his crops and animals.

Soldiers burned Nick Roleda's house in Magkahunao, San Agustin, Surigao Del Sur. <strong>Pher Pasion</strong>

Soldiers burned Nick Roleda’s house in Magkahunao, San Agustin, Surigao Del Sur. Pher Pasion

Datu Ikoy said, before the military came in to their village everything was in order. The village was alive and productive. Everyone lived a simple life. But every time soldiers come, the Datu said, they bring with them terror.

“Here (ancestral land) is where our life depends. Even if they’ll give us money (I won’t accept). Money is nothing to us. Without our land, we are nothing,” says Datu Ikoy.

When participants of an international fact-finding and solidarity mission–which Pinoy Weekly took part in–visited the place after almost two months of forced evacuation, they saw that the village had become a ghost town.

No one can tell when the forced evacuation of the Lumad in Magkahunao, and other communities, will end.

Magkahunao Lumad: Beyond the reach of social services

$
0
0
One of many abandoned houses in Magkahunao. <b>Marjo Malubay</b>

One of many abandoned houses in Magkahunao. Marjo Malubay

Lumad communities are not reached by government services but are tormented by the presence of the military.

The continuous presence of the military does not mean the delivery of social services to Lumad communities. This is what Pinoy Weekly learned upon visiting Sitio Magkahunao, now an abandoned village in Caraga region, located in the mountainous part of San Agustin town of Surigao del Sur province.

To get to Sitio Magkahunao, one has to pass through rivers and a forest—that is, after enduring an hour’s ride of habal-habal, which is a modified motorcycle that can carry up to six passengers.

The hike to the place was no joke. Apart from the four-hour walk, there was always the danger of slipping through giant boulders and mountain ridges. The journey might be an adventure for tourists, but for local elders, women and children, it was once a normal part of their daily lives.

Despite its remoteness to the urban centers, Magkahunao has many of the resources that the Lumad need. The rich land allows falcatta trees to grow and be used for their livelihood, the rivers provide them water, the forest provide them food, and even if the government failed to provide them education, they worked together to build their own alternative learning school to educate their children.

The Magkahunao Tribal Filipino Community School is a non-governmental institution that teaches children Filipino, English, Science, Math, and Agriculture. Clearly, the Department of Education was not yet able to reach Magkahunao and other places as remote as the village. Fortunately, non-governmental organizations from the church and various sectors made efforts to enable the Lumad to be educated without having to move out of their ancestral lands.

Because of the recent killings of Lumad leaders and continuous militarization in the area, people were forced to flee their homes and seek shelter in evacuation centers. The Datu of Magkahunao, however, chose to stay behind despite fearing for his own life. He is alone in the village, although a few evacuees would occasionally come back to check on possessions and then leave before dark. The evacuees travel from the evacuation centers to their homes and back only through foot, without riding the habal-habal.

Where are the Lumad from Magkahunao? They are in evacuation centers, of course. <b>Marjo Malubay</b>

Where are the Lumad from Magkahunao? They are in evacuation centers, of course. Marjo Malubay

‘Military-infested’

The Datu told vivid stories of abuse in the hands of the military. He called military and paramilitary men “tulisan” in Bisaya, which means armed robbers. He prohibited the selling of alcohol in his area because the “tulisans” became more monstrous when they get drunk and do not pay for the items that they get from local stores.

Even after the evacuation, state terrorism continues in the ancestral land of Magkahunao. Two houses, which contained materials that were useful for the community like generators and farming tools, were burned down to ashes only a week after the residents left. Some of the abandoned houses were also ransacked, as if the perpetrators were looking for something. The victims said that no formal investigation into these cases of arson and robbery has been conducted up to the present.

In response to demands to halt the militarization of Lumad communities and the extra-judicial killings of Lumad leaders in the CARAGA region, the national government remained stone-deaf. Instead of providing concrete solutions to the human-rights violations, top government officials who mouth the “daang matuwid” slogan only denied responsibility for the crimes. “There is no campaign to kill anybody in this country. There is a campaign to go after the culprits of these crimes regardless of who they are,” said Pres. Noynoy Aquino himself.

The Lumad prefer the difficult life in evacuation centers over staying in their ancestral lands and enduring the atrocities committed by armed paramilitary groups which were allegedly organized and funded by the Armed Forces of the Philippines. A barangay captain from one of the affected areas attested in an interview that the AFP is indeed connected with the paramilitary forces that wander Magkahunao and other Lumad ancestral lands.

The future of Magkahunao: struggle for their land and culture. <b>Marjo Malubay</b>

The future of Magkahunao: struggle for their land and culture. Marjo Malubay

Future for Magkahunao Lumad

This is not the first time that the community had to evacuate because of militarization. The Datu of Magkahunao narrated instances when he was asked by the “tulisan” to sign a paper in exchange for money. He said that he, his family and his people were already used to being “pobre” or poor and that he does not need more money to live.

The Lumad are simple people who are now asking for a simple thing – that the military leave their ancestral lands. Until the government sincerely responds to this demand, more Lumad families will be driven out of their homes.

The Aquino government remains proud when it talks about the “daang matuwid” program and the policies that go with it. The lives of the poor, however, show little or no change at all.

Despite the much-ballyhooed pouring of foreign investments in its mining, logging and plantation sectors, CARAGA remains one of the poorest regions in the Philippines.

Aquino said “Kayo ang boss ko” in his inaugural address, a promise which has been proven to be just another sugar-coated lie for the majority of the Filipinos, empty rhetoric which persists until the very last year of Aquino’s presidential term.

Terror in Lumad communities continues

$
0
0
One of the houses in Sitio Han-ayan of Brgy. Diatogon, Lianga, Surigao del Sur vandalized by the military. Photo courtesy of IFFM 

One of the houses in Sitio Han-ayan of Brgy. Diatogon, Lianga, Surigao del Sur vandalized by the military. Photo courtesy of IFFM 

The Lumad people remain a target. Their indigenous communities remain terrorized.

This is what the International Fact Finding Mission (IFFM) discovered in their five-day investigation in Lumad communities in Surigao del Sur province of Mindanao from October 26 to 30.

The IFFM was organized to give light in September 1 killings of three Lumad–namely Dionel Campos, Datu Juvello Sinzo, and Emerito Samarca. This incident sparked the evacuation of more than 3,000 Lumad from their ancestral lands, with 700 joining the long, arduous trip from Mindanao to Metro Manila for Manilakbayan ng Mindanao.

The IFFM also held a dialogue with the provincial governor, the Philippine National Police-Provincial Headquarters, and other local officials to give light on what happened on September 1 in Lianga, Surigao del Sur and afterwards. The IFFM also sought to hold a dialogue with the military, who refused to speak with the mission delegates.

Urgency 

Dismayed and outraged by the Aquino administration’s response to the Lumad crisis, the IFFM said slammed what it described as Aquino’s insensitivity and unwillingness to resolve the issue.

Since the killings in Lianga happened, President Aquino only made one statement on the issue. “There is no campaign to kill anybody in this country. There is a campaign to go after the culprits of these crimes regardless of who they are,” Aquino said, when asked by media if there is state policy to kill Lumad people, especially those who resist large-scale mining operations and military operations in their ancestral lands.

“We sent these issues to Manila. Still, the national government appears weak and slow to respond. Even the initiatives that we get from the national offices came from the pressures by the victims who demanded immediate action and justice,” said Naty Castro, medical doctor and head of human rights group Karapatan in Caraga region.

The suspects remain at-large, even after the issuance of warrant of arrest against the supposed suspects on September 28. During a dialogue with the mission members, Philippine National Police Chief Inspector Michael Lozada, who is acting chief of the local police force’s provincial intelligence branch, said they cannot divulge the details of the case in order not to hamper the arrests of the suspects.

But even after being presented evidence of the military’s systematic attacks against the Lumad people, the police said they did not see the need to treat the killings as one that needs their special attention. “We see these as simple criminal acts that require police responses, investigation, and filing of cases in court,” said Lozada.

For his part, Surigao del Sur Gov. Johnny Pimentel said he especially asked the national government to act on the case, namely expedite the suspects’ arrest and disband the paramilitary groups. But these pleas fell on deaf ears.

“I already went to secretaries of the national agencies. I went to the senators. I wanted to get an appointment with the President. I went to several national government agencies. I brought the reports. I brought photos of the victims. I gave the report to Senator (Teofisto) Guingona (III). I gave the report to (Peace Process) Sec. (Teresita) Deles, to Sec. Sarmiento, and to almost everyone important. I already gave (the reports) to the NBI (National Bureau of Investigation). I have been doing everything in my authority to solve this problem,” related Pimentel.

No safe place 

Because of the continued military and paramilitary presence in Lumad lands and members of paramilitary groups responsible for the killings remain at large, there is no safe place still for the Lumad, according to the mission.

“Even if you provide trucks to send them back to their ancestral lands, they (Lumad) will not return for the suspects remain at large and possibility of sowing terror again to their communities is real,” said Zarate.

The evacuees enumerated five conditions before they can return to their respective villages. First, arrest the three suspects and 17 John Does. Second, disband paramilitary groups. Third, hold the military responsible for the incident as well. Fourth, stop the implementation of the counter-insurgency program Oplan Bayanihan and resume peace talks between the Government of the Republic of the Philippines and the National Democratic Front of the Philippines.

Pimentel admitted that only the first two demands are doable on his part. The other conditions must be addressed by the national government. “The military is not under my control,” added Pimentel.

After September 1 incident in Lianga, houses and schools were burned in different Lumad areas affected by militarization and presence of paramilitary groups. Houses were also ransacked by suspected military operating in the areas.

In Lianga, houses which were abandoned were later vandalized by the military with writings like “Welcome NPA” and “Welcome NPA family”.

“When we went to Alacadev (the Lumad school in Lianga), there were armed men near the village and they refused to talk with us. We were not sure if they were military or paramilitary since they were not in proper uniform. But what was clear was that they were armed,” said Zarate.

Illegal?

After the mission held a press conference in Tandag, the AFP–without citing any legal basis–branded the mission ‘illegal’. It did not respond to the mission members’ request for a dialogue and refused to give any information on the situation in the militarized areas.

Philippine Army spokesperson, Col. Benjamin Hao, went on to insinuate in public that the mission was “fake” and threatened the foreign participants with deportation because possible violation of immigration laws.

But IFFM organizers said that the AFP only wanted to divert the real issue rather than to answer legitimate questions on their operations that affected the Lumad. On the other hand, Pimentel even encouraged the IFFM to visite the affected areas.

According to Zarate, the AFP and the Aquino government have so far failed to satisfactorily answer why Lumad leaders were killed by the paramilitary groups that, according to Pimentel himself, are being armed by (and are under the command of) the AFP.  He said that it is the Army’s responsibility to disband these groups and help arrest the perpetrators instead of diverting the public’s attention from the real issues.

“Finding out the truth on what really happened in Lumad areas and what are still happening there are not just ‘leftist issues’. Leftist or not, everyone deserves to find out the truth especially when the government fails to do so,” added Zarate.

The creation and use of brutal paramilitary groups has been happening not just in Mindanao.

“These paramilitary groups have been carrying out the military’s objectives in their areas of responsibility and the military needs not to be accountable for the crimes of these paramilitary groups. So, it is obvious why the military is not against these paramilitary groups,” said Castro.

Deteriorating condition

The Surigao del Sur local government led by Pimentel has been in full support of the Lumad evacuees since they evacuated to the Surigao del Sur Sports Complex in Tandag.

“In social media, you can see black propaganda against me. But I do not care. That is part of my job. I stand up for what I think is right. What is wrong in protecting our people? This is our people. They need my support. They need my help. As long as these people are here within our compound I will take care of them,” Pimentel asserted.

But Pimentel admitted that given limited resources of the local government, they are running out of resources for the 2,771 individuals or 536 families who evacuated. The crisis has to be resolved soon, he added.

Medical doctor Julie Caguiat of the Community Medicine Development Foundation which was part of the mission, said evacuees have been suffering from various diseases like sore eyes, skin diseases, pneumonia, diarrhea, and others.

Caguiat also revealed that while there have been government doctors addressing some health needs of the evacuees, there are those who blame the Lumad for their situation. Some medical practitioners even urge the Lumad to go back to their communities even as their conditions have not been met.

“It is not that the Lumad do not want to go back home. But the threat in their village remains. If we really care for the health of the Lumad, we must also look into their reasons why they still refuse to go back home,” said Caguiat. “Evacuation center is not their natural living place where they use to grow, interact, to develop as a tribe, and to become who they really are. There’s no other alternative other than being in their safe ancestral lands.”

IFFM organizers said they have forwarded to different government offices their report. They also plan to bring the issue of the Lumad to the United Nations.


Some photos of the fact-finding mission:
Participants of International Fact Finding Mission. <strong>Pher Pasion</strong>

Participants of International Fact Finding Mission in Surigao Del Sur. Pher Pasion

DSC_0037edited

Courtesy call with Surigao Del Sur Gov. Johnny Pimentel. Pher Pasion

Participants of IFFM walked more than two hours to reach Sitio Magkahunao affected by militarization. <b>Pher Pasion</b>

Participants of IFFM walked more than two hours to reach Sitio Magkahunao affected by militarization. Pher Pasion

Mission participants arrive in Alcadev school in Sitio Han-ayan. Photo from <b>IFFM</b>

Mission participants arrive in Alcadev school in Sitio Han-ayan. Photo from IFFM

IMG_0060edited

The spot where Emerito Samarca, Alcadev executive director, was murdered. Photo courtesy of IFFM 

IMG_0104edited

One of the ransacked Alcadev rooms. IFFM

One of the ransacked rooms in Alcadev. Photo courtesy of <b>IFFM </b>

One of the ransacked rooms in Alcadev. Photo courtesy of IFFM

IMG_0172edited

An armed man spotted by IFFM participants in Han-ayan, Lianga, Surigao del Sur. Photo courtesy of IFFM

IMG_0266edited

Bayan Muna Rep. Carlos Zarate looks at the markings on a wall of a house. Photo courtesy of IFFM

IMG_0076edited

‘Land is our life.’ Photo courtesy of IFFM

IMG_8930edited

Empty classrooms of Alcadev. Photo courtesy of IFFM

IMG_2954edited

Burned houses. Photo courtesy of IFFM

DSC_0176edited

This was once a place where Lumad children learned. Photo courtesy of IFFM

IMG_3040edited

More empty classrooms. Photo courtesy of IFFM

IMG_4388edited

An IFFM participant looks at ransacked school materials in an Alcadev classroom. Photo courtesy of IFFM

DSC_0081edited

Photo courtesy of IFFM

DSC_0078edited

Photo courtesy of IFFM


 

Bilanggong pulitikal sa Pilipinas at panunupil ng rehimeng Aquino

$
0
0
Pakikiisa para sa Pandaigdigang Araw ng Pakikiisa sa mga Bilanggong Politikal sa Mendiola. <strong>Pher Pasion</strong>

Iginiit ng iba’t ibang grupo ang pagpapalaya sa lahat ng bilanggong pulitikal sa Pilipinas. Pher Pasion

Hindi naikukulong ang mga ipinaglalaban ng mga bilanggong pulitikal.

Ganito ang mensaheng ipinararating ng mga nakiisa sa Pandaidigang Araw ng Pakikiisa sa mga Bilanggong Pulitikal nitong ika-3 ng Disyembre sa Department of Justice at Mendiola sa Maynila.

“Kahit nasa loob ng kulungan ang mga bilanggong pulitikal, hindi sila napapatahimik. Bigo ang Oplan Bayanihan. Sa iba’t ibang kulungan sa buong bansa, nagpapatuloy ang pag-oorganisa ng mga bilanggong pulitikal hindi lamang para sa kanilang sariling kalayaan, kundi para sa mga nasa labas ng kulungan,” ani Cristina Palabay, pangkalahatang kalihim ng Karapatan.

Nasa 561 ang bilang ng bilanggong pulitikal sa Pilipinas, 304 dito ang sa ilalim ng administrasyong Aquino, at 19 ang consultants ng National Democratic Front of the Philippines sa usaping pangkapayapaan, ayon sa Karapatan, organisasyong nagsusulong ng karapatang-pantao.

<strong>Datos mula sa Karapatan</strong>

Double Standard

Ayon sa naturang grupo, malinaw ang pagkakaroon ng double standard ng hustisya sa Pilipinas kung paghahambingin ang kalagayan ng mga bilanggong pulitikal sa nangyari kay US Marine Lance Corp. Joseph Scott Pemberton na hinatulang maysala pagpatay sa Pilipinong transgender na si Jennifer Laude noong nakaraang taon.

Kung sinasampahan ng gawa-gawang mga kaso ang mga bilanggong pulitikal na pawang nakikipaglaban sa mga batayang karapatan ng mga mamamayan at nakukulong sa hindi makataong kondisyon, espesyal naman kung itrato ng gobyerno ang katulad nina dating heneral Jovito Palparan at Pemberton na pumatay sa kapwa Pilipino, sabi ni Joms Salvador, pangkalahatang kalihim ng Gabriela.

<strong>Pher Pasion</strong>

Pher Pasion

“Ayaw nating magpatuloy ang ganitong klaseng ng paglabag sa karapatang pantao lalo na ng mga kababaihan kagaya ni Sharon Cabusao, Miradel Torres, at iba pa na ilang taon nang nakapiit sa mga gawa-gawang kaso at pinagkakaitan ng hustisya ng pamahalaan ni Aquino,” ayon kay Salvador.

Ganito rin ang tindig ni Ferdie Gaite, pambansang pangulo ng Confederation for Unity, Recognition and Advancement of Government Employees, organisasyon ng mga empleyado ng gobyerno. Tatlong taon na rin kasi mula ng dukutin sina Randy Vegas at Raul Camposano at kasalukuyang nakakulong sa Daet, Camarines Norte.

Kinasuhan sina Vegas at Camposano ng murder at pagnanakaw sa naganap na encounter ng militar at mga miyembro ng New People’s Army sa nasabing probinsya.

“Yung takbo ng kaso ay nakakadismaya. Ilang beses nang nade-delay ang hearing sa iba’t ibang kadahilanan,” ayon kay Gaite.

Pagpapatuloy na laban

Nagpapatuloy ang panunupil at pagpapahirap sa mga mamamayan. Nagpapatuloy din ang pangingibabaw ng interes ng iilan at dayuhan sa ating bansa. Ito ang mga kondisyon na nag-anak ng mga tagapagtanggol ng karapatang pantao gaya ng mga bilanggong politikal.

“Malinaw na hindi naitigil ng Oplan Bayanihan at ng mga kulungan ang paglaban ng mga bilanggong politikal. Nagpapatuloy silang mag-organisa, magsulat, magkapagbigay ng mensahe, kahit sa mga pinakamasahol na kondisyon sa kulungan,” pagtatapos ni Palabay.

Isang araw ng pagtitipon, pagdakila at pakikibaka

$
0
0
Pagtitipon ng mga kaanak, kaibigan, at kasama ng mga biktima ng paglabag sa karapatang pantao sa CICM Provincial Housa sa Quezon City. <strong>Pher Pasion</strong>

Pagtitipon ng mga kaanak, kaibigan, at kasama ng mga biktima ng paglabag sa karapatang pantao sa CICM Provincial Housa sa Quezon City. Pher Pasion

Dinukot. Ikunulong. Pinaslang. At hindi na natagpuan.

Ganito ang mga kuwento ng mga anak, kapatid, ina, ama, asawa, kaibigan, at kasama ng mga biktima ng karapatang pantao mula sa iba’t ibang rehimen sa isang pagtitipon na pinangunahan ng Hustisya bilang bahagi ng paggunita sa Pandaigdigang Araw ng Karapatang Pantao sa Disyembre 10.

“Yung pagkakilala namin at pagbabahagi ng kalagayan namin sa aming mga pamilya ngayon at sa mga naging biktima, nagbibigay ito ng lakas sa amin,” ani Michelle Campos, anak ng napaslang na lider-Lumad na si Dionel Campos sa Lianga, Surigao del Sur.

Sinabi rin ni Michelle na nakakatulong sa kanilang malaman na nagkakaisa ang mga kaanak ng mga biktima para sa hangad nilang hustisya.

Pinagkakaitan 

Habang nagbibigay ng kani-kanilang pahayag ang kaanak ng biktima, tahimik lang si Teresa Vegas, asawa ni Randy Vegas na isang bilanggong pulitikal. Pero hindi napigilan ni Teresa ang maluha nang tanungin siya tungkol sa kanyang asawa.

“Alam ko namang marami tayong political detainees, pero ang hirap na wala siya. At alam kong nahihirapan din naman siya roon. Kaso wala akong magawa eh. Mabigat ang loob ko kapag umaalis ako doon. Kahit nakangiti ako, kapag umaalis ako, hindi ko ipinakikita sa kanya (na) umiiyak ako dahil alam ko kailangan maging matatag,” ani Teresa.

Dagdag pa niya, napakahalagang nariyan ang kaniyang mga kasama sa Confederation for Unity, Recognition and Advancement of Government Employees (Courage). Aniya, dati-rati’y siya iyong nahuhuli sa pulitika sa kanila ni Randy. Pero ngayon, siya na itong aktibong-aktibo, hindi lang sa pagpapalaya kay Randy kundi maging sa mga prinsipyong ipinaglalaban ni Randy lalo na sa mga laban ng mga kawani ng pamahalaan.

“Sa totoo lang, sana makalaya na siya. Ang Estado kasi ang kalaban mo at nagdidiin sa kanya. Tatlong taon na siya na hindi nagpapasok sa bahay, tatlong taon na siya na hindi ko siya nakakasama. Tatlong na siyang nagdurusa doon na wala namang siya ginawa na kahit na ano,” sabi pa ni Teresa.

Habang tumatagal naman, patuloy ang pagkadismaya ni Michelle sa hustisya sa Pilipinas. Aniya, higit niyang napatutunayan kung para kanino ang gobyernong ito at malinaw na hindi para sa mga mamamayan at lalong hindi para sa kanilang mga Lumad.

Michelle Campos (kanan) habang inilalagay ang mga larawan ni Emerito Samarca at iba pang biktima ng karapatang pantao. <strong>Pher Pasion</strong>

Hawak ni Michelle Campos (kanan) at iba pa ang mga larawan ng mga biktima ng karapatang pantao. Pher Pasion

“Tatlong buwan na pala akong hindi nakapagpatuloy sa aking pag-aaral. Mahigit tatlong buwan na nasa evacuation center pa ang libu-libong Lumad. Mahigit tatlong buwan na pala naming hindi kasama si Papa dahil patay na siya,” kuwento pa ni Michelle.

Kahit na kilala na ng mga pulis at militar ang mga pumaslang sa ama ni Michelle, kahit na mayroon nang inilabas na warrant of arrest ang Korte sa Surigao del Sur, malaya pa rin at may hawak na armas ang mga paramilitar sa kanilang komunidad. Dahil dito, hindi pa rin makabalik ang mahigit 2,000 Lumad na nakabakwit sa Surigao del Sur Sports Complex sa Tandag City.

Katulad ni Michelle, wala pa ring hustisyang nakakamit si Maria Aurora Santiago, asawa ni Dutch na misyunero na si Willem Geertman na pinaslang sa opisina ng Alay Bayan Luzon Inc. sa Pampanga noong Hulyo 3, 2012.

“Hanggang ngayon, katulad ng napakarami sa atin, walang hustisya at walang pag-usad ang kaso. Kahit na may isa nang nakakulong na suspek sa pagpatay. Nagpapakita lang na hindi talaga seryoso ang gobyernong ito para hulihin ang mga salarin. Identified ang mga salarin pero hanggang ngayon at large (pa rin ang mga suspek),” sabi ni Santiago.

Sa kabila ng malalakas na testimonya ng mga saksi, may posibilidad umano na mabasura ang kaso. Dalawa sa mga saksi ang hinaharass at tinatakot na hanggang ngayo’y hindi makalantad at di-dumadalo sa pagdinig ng kaso. Si Santiago mismo, nakararanas din ng panghaharas.

Magsasampung taon nang nangungulila si Concepcion Empeño sa kanyang anak na si Karen na dinukot sa Bulacan kasama si Sherlyn Cadapan noong Hunyo 26, 2006.

“Magsasampung taon na po ang aming pakikipaglaban, pakikibaka para makamit ang hustiya para sa dinukot kong anak – si Karen. Sa Hunyo 26, 2016,” kuwento ni Concepcion.

Bagamat sa ilang taong pagtatago bago nahuli rin noong nakaraang taon si Heneral Jovito Palparan, ang itinuturong utak sa pagdukot kina Karen at Sherlyn, dismayado si Concepcion sa espesyal na pagtrato kay Palparan na nakakulong sa pasilidad ng militar at hindi sa ordinaryong kulungan.

‘It is terrible, it is fine’

Taong 1973 naman noong Batas Militar nang makulong noon si Fr. Ben Alforque sa Cebu. Kahit na 124 bilanggong pulitikal sila umano noon, nagtutulungan sila sa kulungan para mabuhay. Kanilang hinuhuli ang kung anuman ang maipandagdag nilang pagkain gaya ng ahas, bayawak, at maging pusa.

“Sa aming barracks inilagay namin doon ‘It is terrible. It is fine’. It is terrible, kasi nakakulong kami. Pero it is fine, dahil naranasan namin ang katotohanan ng aming pinaninindigan. It is terrible dahil wala kang kalayaan. Pero it is fine, dahil sa loob pala ng kulungan hindi kayang kulungin ng estado ang espiritu o diwa ng tao,” sabi pa ni Father Ben.

Si Fr. Ben Alforque habang nagbabahagi ng kaniyang karanasan bilang bilanggong politikal. <strong>Pher Pasion</strong>

Nagbahagi si Fr. Ben Alforque ng mga karanasan niya bilang bilanggong pulitikal noong panahon ng batas militar. Pher Pasion

Maraming ipinagbabawal noon sa mga bilanggong pulitikal gaya ng pagkakaroon ng bisita, libro, at iba pa. Pero kanilang inorganisa ang kanilang mga sarili at nag-ingay sa loob ng kulungan hanggang sa payagan silang mabisita at magkaroon ng libro sa kulungan.

“Sa totoo naman ang buong bansa naman talaga ay isang malawak na kulungan. Pero hindi makukulong ng estado, ng militar, ang diwa ng tao doon sa apat na sulok ng kulungan o sa buong bansa,” dagdag pa ni Father Ben.

Walang aasahan 

Malinaw para sa mga biktima na walang ano mang maaasahang hustisya kay Aquino sa halos anim na taon niya sa poder.

“Sinasabing bagsak kung grade (si Aquino). Hindi lang bagsak kung sa grade ‘yan, hindi siya nag-enroll para magbigay ng kahit pagkukunwari man lang ng pagbibigay hustisya sa mga biktima ng karapatang pantao,” sabi naman ni Nikki Gamara, anak ng bilanggong pulitikal na si Renante Gamara.

Malinaw umano na sa anim na taon ni Aquino sa Malakanyang, wala siyang intensiyon simula’t simula pa lamang na magbigay hustisya sa naging mga biktima ng nagdaang mga rehimen. Wala rin umanong intensiyon si Aquino na igalang ang karapatan ng mga mamamayan, at wala siyang naging anumang intensiyon para magkaroon ng tunay na kapayapaan sa bayan, dagdag ni Nikki.

“Patunay ang mga naibahagi na kahit na malinaw pa sa sikat ng araw kung sino ang may kasalanan at walang kasalanan ay magkabaligtad ang kanilang sitwasyon sa kasalukuyan. Patunay ito para sa akin na wala tayong aasahan na hustisya unang-una kay Aquino. Ikalawa, kung si Mar Roxas ang susunod sa kanya,” paliwanag pa ni Nikki.

Sinabi pa niya na kung may lumaya man sa panahon ni Aquino, hindi ito dahil sa pinalaya sila ng administarsyon. Napatunayan lang sila na “wala naman talagang kakuwenta-kuwenta” ang mga kasong isinampa laban sa mga bilanggong pulitikal at dahil din sa pagkilos at pagsuporta ng mga mamamayan.

Matatag

Hindi sila magkakakilala at biniktima sila o ang kanilang kaanak sa iba’t ibang panahon. Pero pinagbuklod at pinagtibay sila sa iisang hamon: ang ipagpatuloy ang nasimulan ng mga mahal nila sa buhay.

Sabi pa ni Nikki, malaki ang hamon na sa kanilang kaanak na tumulong sa pagpapalaganap ng mensahe, hindi lang ang panawagan ng hustisya, kundi ang panawagan para sa tunay na pagbabago at pagpapalaya sa sambayanan.

Si Nikki Gamara habang nagbabahagi ng kaniyang tula. <strong>Pher Pasion</strong>

Nagbahagi si Nikki Gamara ng kanyang tula alay sa mga kapwa kaanak ng biktima ng paglabag sa karapatang pantao. Pher Pasion

“Sa bawat pagsasalita natin, huwag nating kalilimutan kung gaano tayo ka-proud (tayo) sa kanila, na alam nating sila’y mabubuting tao, walang ibang hinahangad kundi matamasa ng kanyang kapwa ang karapatan. Lagi kong sinasabi na proud ako na lumaki ako na nakita ko ang nanay at tatay ko na nasa piketlayn. Lumaki ako sa welga ng mga manggagawa. At kahit na tawagin silang mamamatay-tao, madali kong kuwestiyonin ang ganoong pagbabansag,” ani Nikki.

Pangako naman ang iniwan ni Concepcion sa kapwa niya mga biktima: Hindi man niya inakalang siya ang susunod sa yapak ng kanyang anak na si Karen sa paglilingkod sa sambayanan, handa siyang gawin ito.

“Hindi sumagi sa isip ko na magiging akong aktibista. Pero ngayon, kaisa n’yo na ako sa pakikipaglaban dahil sa nangyari kay Karen. Hindi ko inisip na makakasalamuha ko kayo na ako ay makakapagsalita, sa kalsada, sa rally, makakarating sa iba’t ibang lugar, sa iba’t ibang bansa–wala sa isipan ko iyon. Ni hindi ko pinangarap. Pero nangyari dahil sa nangyari kay Karen,” kuwento pa ni Concepcion.

Para naman sa katulad ni Michelle na pinapanday ng karahasan at pagmamahal ng mamamayang lumalaban, magpapatuloy ang laban ng mga Lumad kasama ang mga mamamayan.

“Nagi po akong isang batang Lumad na matatag. Marami ang nagsabi sa akin na ang galing ko at matatag ako, matatag kaming mga Lumad. Pero para sa akin, hindi ako magiging ganito, hindi magiging ganito ang tribo, kung ang mga mamamayan, kung hindi kayo nakikiisa, hindi magiging ganito katatag ang laban ng mga Lumad,” pagtatapos ni Michelle.


 

Kalayaan at paglaban ni Eddik Serrano

$
0
0
Labi ni Eduardo 'Ka Eddik' Serrano habang nasa Parish of Holy Sacrifice sa Unibersidad ng Pilipinas-Diliman bago inilipat patungong Southern Tagalog at Bikol. <strong>Pher Pasion</strong>

Labi ni Eduardo “Ka Eddik” Serrano habang nasa Parish of Holy Sacrifice sa Unibersidad ng Pilipinas-Diliman bago inilipat patungong Southern Tagalog at Bikol. Pher Pasion

Labing-isang taon niyang hinintay at inasam ang kalayaan. Matapang niyang hinarap ang gawa-gawang mga kasong isinampa laban sa kanya. Labing-isang taon at nalalapit na sana ang kanyang paglaya. Pero ipinagkait ito ng mismong estadong itinuring siyang kaaway hanggang sa kanyang kamatayan.

Namatay si Eduardo “Ka Eddik” Serrano nitong Enero 8 sa kumplikasyon sa puso at nanatiling isang bilanggong pulitikal habang nasa Philippine Heart Center kung saan siya nagpapagamot mula pa nitong nakaraang Disyembre.

Pero hindi umano sakit sa puso ang pumatay kay Eddik kundi ang mismong gobyernong nagpiit sa kanya at tumangging siya ay palayain.

“Si Ka Eddik Serrano ay pinatay at ang kriminal ay ang estado. Sa partikular, ng gobyernong Aquino. Ang kamatayan ni Eddik ay isang matalim na hudyat upang ating igiit ang pagpapalaya sa lahat ng bilanggong pulitikal. Hindi na natin maaatim na may isa pang mamamatay sa bilangguan,” ani Bonifacio Ilagan, mula sa Samahan ng mga Ex-Detainee Laban sa Detensyon at Aresto (Selda), organisasyon ng mga bilanggong pulitikal sa bansa.

Sa piling ng masa

Para sa mga katulad ni Eddik, sakripisyong kinakailangan ang hindi makasama ang kanyang mga mahal sa buhay gaya ng kanyang pamilya at mga anak.

“December 28, birthday ko, first time kong mag-birthday na nakasama si Papa. Walang bonggang anuman, pero tini-treasure ko iyon kasi 28-years isang beses ko lang nakasama si Papa. Hindi ko siya ma-blame kung bakit naipagpalit niya kami. Pero siguro po iyon po ang tawag sa kaniya. At kahit ilang anong kumbinsi naming sa kanya na umuwi, hindi siya uuwi kasi iyon po ang pinaninindigan niya,” ani Feddik, anak ni Eddik.

Feddik Serrano, habang nagbabahagi ng kaniyang karanasan sa huling mga araw kapiling ang kaniyang ama. <strong>Pher Pasion</strong>

Feddik Serrano, habang nagbabahagi ng kaniyang karanasan sa huling mga araw kapiling ang kaniyang ama. Pher Pasion

Ayon pa kay Feddik, mabibilang lang ang pagkakataon na nakasama nila ang kanilang ama. Nang mahuli ang kanilang ama at sa Mindoro unang ikinulong sa loob ng tatlong taon, hindi nila alam ang gagawin. Minsan lang umano nila nadalaw ang ama dahil sa kakapusan sa pinansiya at dahil na rin sa seguridad.

Paglipat sa Kampo Crame sa Quezon City ni Eddik, napahintulutan sina Feddik na madalaw ang ama taun-taon sa tulong na rin ng Karapatan. Nang mailipat si Eddik sa Bicutan, laking tuwa umano niya nang malamang sa Maynila nagtrabaho ang kanyang anak dahil may regular na siyang dalaw.

Sa Bicutan, nasaksihan ni Feddik ang pagbagsak ng katawan kanyang ama. Pero hindi pa rin umano ito inaamin ni Eddik dahil kahit sa pinakamahirap niyang sitwasyon masaya niyang pinangingibabawan ang kanyang karamdaman.

“At noong December 25, Christmas, puwede niya akong payagang umuwi ng Bikol para doon mag-Christmas. Pero ako mismo sabi ko ‘dito tayo mag-christmas tayong dalawa.’ Sa loob ng 11 years, ngayon lang siya nakapag-celebrate ng Christmas sa labas. Kahit hindi kami kumpleto at least hindi sa loob ng selda niya,” kuwento ni Feddik.

Kuwento pa niya, tuwing kakain sila, laging inaalala ni Eddik ang kanyang mga bantay mula Bureau Jail Management and Penology kung pinakauna umano ang mga ito o naabutan na nila ng kape, “bago pa po siya kakain, iisipin pa rin po niya ang mga bantay niya.”

Para naman sa kanyang kapatid na si Norma, isang mabuting anak at kapatid si Eddik sa kanila. Ibinahagi niya ang karangalang ibinibigay ni Eddik sa kanila bilang matalinong mag-aaral mula elementarya, hayskul sa Ateneo de Naga, hanggang makakuha ng scholarship sa University of the Philippines Los Banos sa kursong Agricultural Engineer.

Sa kabila ng pangako ng magandang buhay matapos makapagtapos at makapagtrabaho sa Denmark, pinili ni Eddik ang maglingkod sa masa nang buong panahon sa loob nang mahigit apat na dekada.

“Ako at ang pamilya namin, ipinagmamalaki namin na ang aming kapatid ay mayroong naiambag para sa sambayanang Pilipino,” ayon kay Norma.

Kapatid ni Eddik na si Norma habang nagpapasalamat sa lahat ng tumulong at nakidalamhati sa kanila. <strong>Pher Pasion</strong>

Kapatid ni Eddik na si Norma habang nagpapasalamat sa lahat ng tumulong at nakidalamhati sa kanila. Pher Pasion

Ipinagkait na kalayaan

Hinuli si Eddik sa Lipa City, Batangas noong Mayo 2, 2004. Walang warrant of arrest ang mga humuli sa kanya at pawang hindi nakaunipormeng mga armadong lalaki. Sa isang van siya pilit na isinakay, piniringan, at tinali.

Nakasuhan si Eddik sa bisa ng warrant of arrest na nagsasabing siya umano si Rogelio Villanueva na isang mataas na opisyal ng Communist Party of the Philippines-New People’s Army.

Pero nitong nakaraang Oktubre at Nobyembre 2015, pinawalang-sala si Eddik ng dalawang korte sa Quezon City. Ipinag-utos na umano ng Hukom ng Quezon City Regional Trial Court Branch 98 na agad siyang palayain.

Pero kinakaharap pa rin niya ang mga kaso sa dalawa pang korte na ayon sa kanyang abogado, kumpiyansa silang mapapalaya na sana si Eddik.

Isa si Eddick sa peace consultants ng National Democratic Front of the Philippines (NDFP) para sa usaping pangkapayaan na dapat protektado ng Joint Agreement on Security and Immunity Guarantee (Jasig) na pinirmahan mismo ng gobyerno ng Pilipinas.

Sa kasunduang ito, hindi dapat isinasailalim sa ang mga nasa usaping pangkapayapaan sa panggigipit gaya ng pagsasampa ng mga kasong kriminal at pagsasailalim sa paniniktik o surveillance.

Katarungan, pagpapalaya

Tunay na isang karangalan ang makakilala at makakasama ang isang Eddik para sa mga nagsipagdala sa kanyang parangal.

Pero kasabay ng kanilang pagluluksa sa pagpanaw ng isang mabuting kaibigan, kaanak, at kasama, ang kanilang galit sa gobyernong patuloy na nagpapabaya sa mga bilanggong pulitikal kagaya ni Eddik.

Dr. Beng Rivera-Reyes habang ibinabahagi ang kaniyang karanasan sa paggagamot kay Ka Eddik at marami pang bilanggong politikal na hindi nabibigyan ng serbisyong pangkalusugan. <strong>Pher Pasion</strong>

Dr. Beng Rivera-Reyes habang ibinabahagi ang kaniyang karanasan sa paggagamot kay Ka Eddik at marami pang bilanggong politikal na hindi nabibigyan ng serbisyong pangkalusugan. Pher Pasion

“Sa kabilang banda, kahit na pilit kong na inaalala si Ka Eddik bilang masiyahing tao, nandun pa rin ang galit sa akin. Sa dinami-dami po ng political prisoners na pasyente natin ngayon, kahit po siguro araw-araw mo silang dalawin, ang kalunasan po ng mga sakit nila ay makalabas po talaga ng kulungan,” ayon kay Beng Rivera-Reyes, doktor ni Eddik at mula sa Health Alliance for Democracy.

Para naman kay Doris Cuario ng Karapatan-Timog Katagalugan, mananatiling isang bukas na kasaysayan ang mahigit 0 taong paglilingkod ni Eddik partikular sa mga katutubong Mangyan sa Mindoro at sambayanang Pilipino.

At tulad ng maraming Eddik, hindi natatapos sa kulungan at kamatayan ang kanilang paglilingkod sa sambayanan. Habang nagpapatuloy ang inhustisya, pang-aapi, at kahirapan, tiyak na marami pang Eddik ang iluluwal ng lipunan na magtutuloy ng laban.


 


Pakikipagkaisa ng mga taga-Maynila sa Kidapawan

$
0
0

Dinaluhan ng iba't ibang indibiduwal at organisasyon ang pagkukuwento ng mga taga-Kidapawan sa nangyari madugong dispersal sa kanila noong Abril 1. <strong>Iya Espiritu</strong>

Sa pangunguna ng Pagkakaisa para sa Tunay na Repormang Agrarayo (PATRIA) at Bagong Alyansang Makabayan (BAYAN), nagtipon ang mga taong simbahan, artista, guro, abogado, kabataan at iba pang tagasuporta ng mga magsasaka ng Kidapawan sa Unibersidad ng Pilipinas-Diliman, Quezon City.

Ayon kay Jerome Succor Ada ng SUARA, “umiiral ang Martial Law sa North Cotabato; sa 6,000 magsasaka 2 ang patay, 10 sugatan na nasa ospital na sinampahan na din ng mga gawa-gawang kaso kabilang dito ang tatlong babeng buntis, 71 ang inaresto at marami pa ang nawawala.  Mistulang war zone ang paligid nang maganap ang masaker.”

Dagdag pa niya na hindi tutuong warning shot ang mga putok dahil kung magkaganun man di sana 3 putok pataas kundi nasa mahigit 40 putok at pinaulanan sa bulto ng mga magsasakang bigas at ang nakatalagang badyet lamang ang hiling sa lokal na pamahalaan.

Hindi itinatangging marami ang mga bata at kababaihan ang nasa rally. Ito ang isang anggulong pilit na idinidiin sa kanila ng PNP at ilang opisyales.

Ayon kay Mercedita Andas, 34 taong gulang at may dalawang anak, “isinama ko ang aking mga anak dahil wala naman silang makakain sa bahay, sila mismo ay gusto din sumama para makakuha din sila ng bigas para sa aming pamilya. Hindi tutuong ipinapahamak namin ang mga bata.”

Walang mangyayaring masama kung hindi sila hinarang at dinahas mismo ng mga kapulisan. Nag-iyakan umano sila nang maganap ang pamamaril dahil nasaksihan nila ng mga bata ang duguang magsasakang kanilang katabi, dagdag ni Andas.

Sa ikaapat na araw, umalis na ang mga kapulisang nakapalibot sa United Methodist Church, ang simbahang kumupkop at umaruga sa mga magsasaka. Dumating na din ang iba’t-ibang grupong nais magsagawa ng kanilang imbestigasyon.

Isa ang National Fact-Finding Mission na binubuo ng mga progresibong human rights workers, mga duktor, midya, abogado at iba pa na magsasagawa ng sistematikong dokumentasyon at pakikipanayam sa mga biktima ng masaker.

Ayon kay Rev. Joy Mirasol ng Promotion for Church and People’s Response (PCPR), “galit ang aming nararamdaman ngayon sa kawalan ng puso ni Gobernador Lala Talino Mendoza at ang pagbingibingihan ni Noynoy Aquino.”

Si Merceditas Andas, sa kaniyang pagharap sa mga taga-Maynila tungkol sa kanilang naging kalagayan sa Kidapawan. <strong>Iya Espiritu</strong>
Binahagi naman ng Bagong Alyansang Makabayan ang mga susunod na hakbang para sa kampanyang Bigas Hindi Bala para sa mga magsasaka ng Kidapawan.  Tuloy-tuloy ang relief drive, pagbibigay ng suportang ligal sa tulong ng National Union of Peoples’ Lawyer.
Samantala, matagal nang ikinakampanya at sinasabi ng Kilusang Magbubukid ng Pilipinas (KMP) na tunay na reporma lupa ang pangunahing solusyon sa problema ng mga magbubukid.  Ngunit, ilang beses nang binibigo at nililinlang ang mga magsasaka.

Ilang masaker na umano ang naganap — Mendiola, Lupao, Luisita at ngayon Kidapawan.  Sa mahabang panahon hindi ang interes ng magsasaka ang inaatupag ng gobyerno kundi ang interes ng mga negosyante at dayuhang kapitalista, ayon kay Rafael Mariano, tagapangulo ng KMP.

“Ito ang dahilan kung bakit pinapalitan ang gamit sa lupa (Land Use Conversion) at nagtatayo ng mga real estates, mga malalaking gusali o di kaya’y pagdidikta ng kung ano ang itatanim pabor sa interes ng mga naghaharing-uri,” ayon kay Mariano.

Ang bansang Pilipinas ay isang agrikulturang bansa. Kailangan itong paunlarin ayon sa pangangailangan ng sariling mamamayan upang maging produktibo at mabuhay ng marangal.  Sabi nga ni Mercedita, “pangarap ko na makakain ng tatlong beses ang aking mga anak at magkaroon ng lupa, matabang lupa na kanilang pauunlarin para mabuhay nila ang kanilang pamilya.”

 

 

KMP, nanawagan ng papalaya sa mga inaresto sa Kidapawan

$
0
0
Protesta sa harapan ng Department of Justice para sa pagpapalaya ng mga magsasaka sa Kidapawan City. <strong>Christine Magat</strong>

Protesta sa harapan ng Department of Justice para sa pagpapalaya ng mga magsasaka sa Kidapawan City. Christine Magat

Nagprotesta sa Department of Justice ang mga militante sa pangunguna ng Bagong Alyansang Makabayan (Bayan) at Kilusang Magbubukid ng Pilipinas (KMP) para sa pagpapalaya sa may 70 magsasaka na inaresto sa Kidapawan City noong Abril 1 matapos ang madugong dispersal.

Wala umanong hustisya sa pagkulong sa mga magsasaka kabilang na dito ang anim na senior citizen, tatlong buntis, at pito pang sugatan, ayon sa Karapatan, isang grupo ng nagtataguyod sa karapatang pantao.

Inihalintulad nila ang pangyayari sa Mendiola massacre noong 1987 na ikinamatay ng 13 magsasaka. Gayundin ang nangyaring masaker sa Hacienda Luisita na ikinasawi ng pitong magsasaka noong 2004.

Ayon kay Renato Reyes, pangkalahatang-kalihim ng Bayan, walang arrest warrant ang mga pulis na nanghuli sa mga mangbubukid at kinasuhan sila ng direct assault kahit hindi naman sila gumagawa ng krimen.

Hiling ng grupo na ibaba ang piyansa sa mga nakakulong na magbubukid P2,000. Pero hindi dito pumayag ang mga prosekyutor ng DOJ dahil masyado daw itong mababa sa P6,000 kada isa.

Si Rafael Mariano, tagapangulo ng Kilusang Magbubukid ng Pilipinas, habang nagbibigay ng kaniyang pahayag sa harapan ng DOJ. <strong>Christine Magat</strong>

Si Rafael Mariano, tagapangulo ng Kilusang Magbubukid ng Pilipinas, habang nagbibigay ng kaniyang pahayag sa harapan ng DOJ. Christine Magat

Samantala, nangangalap naman ng tulong para sa pampiyansa ng mga magsasaka ang mga artista gaya ni Aiza Seguerra na nauna nang nagbigay ng suporta para sa mga magsasaka sa Kidapawan. Nagbigay din ng suporta sina Robin Padilla, Monique Wilson, Nora Aunor, at iba pa.

Pinuna ng Bayan ang pagsasawalang kibo ni Noynoy Aquino sa loob ng halos anim hanggang walong araw at pagdadahilan na wala itong alam sa nangyayari sa Kidapawan.

Kinondena naman ni Rafael Mariano, tagapangulo ng KMP at nakaligtas noong Mendiola massacre, ang ginagawa ng DOJ na kusa umanong nagpapagamit bilang instrumento ng pandarahas, panlilinlang at paglabag sa karapantang pantao ng mga magsasaka sa Kidapawan.

Hindi umano sila nandoon para magsumamo sa secretary ng DOJ kundi para maningil dahil tila ginagamit ang DOJ para mag sampa ng gawa-gawang kaso. Pinangaralan pa ang mga pulis na nagmasaker sa mga magsasaka kahit na ini-imbestigahan pa lang ang mga pangyayari.

Oras na matanggal ang immunity from suit ni Aquino sa pagtatapos ng termino nito sa ika-1 ng Hulyo, handa silang mag-file ng criminal charges laban sa kaniya, pagtatapos ni Mariano.

Lider katutubo sa Kordilyera, hinaharas

$
0
0

CPA

Ikinababahala ngayon ng Cordillera Peoples Alliance (CPA) ang kaligtasan ng kanilang lider na si Xavier Akien, Vice Chairperson for Internal Affairs, na sinusundan ngayon ng mga hinihinalang elemento ng militar.

Naunang naitala ang pagsunod noong Abril 6, matapos umanong mag-grocery si Akien kasama ang kaniyang asawa. Sa daan pauwi sila sinundan ng dalawang van at dalawang motorsiklo. Dahil dito, nagpasyang dumiretso ang dalawa sa La Trinidad Municipal Police para ireport ang pangyayari.

Nilapitan umano ng mga pulis ang nasa motorsiklo at sinabing naghahanap lang umano sila ng trabaho kaya nila sinusundan si Akien. Wala umanong pagkakakilanlan ang mga nakausap ng pulis, ayon kay Akien.

Nitong ika-13 ng Abril muling sinundan si Akien ng isang van at kinunan pa siya ng larawan ng mga nakasakay habang siya ay bumibili ng tinapay sa Abatan, Buguias, Benguet.

Naniniwala si Akien na operasyon umano ng militar ang nangyayari sa kaniya.

“I am very concerned over my security. Harassments and other forms of human rights violations against members and leaders of peoples’ organizations must be stopped. We are no criminals, we are just activists. Is it a crime to organize and mobilize people and communities for them to participate in solving their own problems and improving their situation?” ayon kay Akien.

Dagdag pa niya, pinag-iinitan ang CPA dahil sa mga kampanya nito at aktibidad para sa pagprotekta sa kalikasan lalo na laban sa pagmimina at enehiya, para sa karapatan ng katutubo, sa disaster response, at para sa sustainable development.

Hindi na umano bago sa CPA ang ganitong paglabag sa karapatang pantao. Sa ibang mga kaso, ang ganitong surveillance at harassment ay nauuwi sa pamamaslang gaya sa kaso ni Markus Bangit noong 2006, William  Bugatti noong 2014, at iba pang martir sa Kordilyera.

And this is not the first time that I myself experienced being subjected to surveillance and harassment over the past years. Only the State military agents can do this to us, purposely to suppress the growing people’s resistance against the entry of big and destructive projects in our communities,” ayon kay Akien.

Kinokondena ng CPA ang panghaharas na it kay Akien at nanawagan ng agarang imbestigasyon sa insidente. Naniniwala ang sila na hindi hiwalay na insidente ang nangyayari ngayon kay Akien kundi bahagi ng Oplan Bayanihan ng gobyernong Aquino.

Lider manggagawa, palayain – KMU

$
0
0
Pagkilos ng Kilusang Mayo Uno para palayain ang mga bilanggong lider manggagawa sa harapan ng Department of Justice. <strong>Pher Pasion</strong>

Pagkilos ng Kilusang Mayo Uno para palayain ang mga bilanggong lider manggagawa sa harapan ng Department of Justice. Andrew Labrador

Sa nalalapit na pagdiriwang ng Pandaigdigang Araw ng Paggawa sa Mayo Uno, ipinanawagan ng iba’t ibang grupo sa pangunguna ng Kilusang Mayo Uno (KMU) na palayain ang mga bilanggong lider manggagawa at itigil ang pag-atake sa hanay ng manggagawa sa harapan ng Department of Justice.

Kabilang sa labor rights defenders na sinampahan ng mga gawa-gawang kaso sina  Benito Tiamzon, Wilma Tiamzon, Adelberto Silva, Sharon Cabusao, Renante Gamara, Raul Camposano, Randy Vegas, Isidro de Lima, Rene Boy Abiva, Virgilio Corpuz at Ernesto Lorenzo.

Ayon sa Gabriela, halos isang taon na ang nakalipas simula ng sinampahan ng illegal possession of explosives  sina Sharon Cabusao, Adelberto Silva at Isidro de Lima pero nakaimbak pa rin ang kanilang kaso sa korte hanggang ngayon.

Sa pagtindi ng kahirapan, kawalan ng trabaho, kontraktuwalisasyon, at mababang pasahod, lalong iniipit ang karapatan ng mga manggagawa. Sa paglaban ng mga manggagawa, karahasan at pang-aapi ang nagiging ganti ng gobyerno, ayon kay Ferdinand Gaite, tagapangulo ng Confederation for Unity, Recognition and Advancement of Government Employees (Courage).

<strong>Andrew Labrador</strong>

Andrew Labrador

Dagdag pa niya, ikinukulong, ginigipit, pinapatay ng gobyerno ang mga taong nagsasalita at lumalaban para sa mga karapatan ng mga manggagawa para takutin.

Ayon naman kay Roger Soluta, tagapagsalita ng KMU, layunin ng Oplan Bayanihan o kontra-insurhensya ng rehimeng Aquino na pahupayin o durugin ang lumalakas na rebolusyonaryo ng kilusan dito sa Pilipinas. Isa na rito ang pagpapatahimik sa mga lider manggagawa sa pagsampa ng mga gawa-gawang kaso.

Nakikiisa naman ang College Editors Guild of the Philippines (CEGP) sa mga manggawa na itigil ang talamak na kontraktuwalisasyon, mababang sahod at kawalan ng benepisyo. Marami sa mga kabataan ang natitigil sa pag-aaral ang nasasabak sa maagang pagtatrabaho, nakakatanggap ng mababang sahod, at kontraktuwal.

“Hindi nakabubuti sa kapakanan ng ating pamilya, kabataan at manggagawa ang patuloy na pambabarat ng sahod at benipisyo sa ating mga manggagawa,” ayon kay Marc Lino Abila, tagapangulo ng CEGP.

Laban ng Lumad

$
0
0

Hindi na sila makapaghintay, ang mahigit 2,000 Manobong Lumad na nakakampo pa rin sa Surigao del Sur Sports Complex sa Tandag City. Binansagan na ngayong “Barangay Oval,” isang taon na silang naghihintay sa militar na lumayas sa kanilang mga komunidad at paaralan sa Lianga, Surigao del Sur. Isang taon na silang naghahangad ng hustisya.

Excited na excited na kaming makauwi,” sabi ni Michelle Campos, 18, isa sa mga taga-Lianga na nasa Tandag ngayon. “Pero, ‘yun nga, may mga naririnig pa rin kami na may mga militar pa rin daw doon.”

Habang sinusulat ang artikulong ito, kinukumpirma pa lang ng mga grupong pangkarapatang pantao sa rehiyon ng Caraga kung nakaalis na nga ang mga militar sa Sityo Han-ayan, Brgy. Diatagon sa Lianga, at sa iba pang karatig na komunidad.

May dahilan sila para maging excited. Nitong Agosto 21 kasi, nagdeklara kapwa ang rehimeng Duterte at rebolusyonaryong kilusan ng tigil-putukan. Kung magiging matapat lang ang Armed Forces of the Philippines (AFP) sa deklarasyong ito, aalisin nito ang mga sundalong isang taon na ring nakakampo sa mga komunidad ng Lumad sa Lianga. Kung tapat lang ito, ititigil nito ang mga operasyong militar na siyang dahilan ng paglikas ng 2,000 Lumad.

Kung makukumpirmang wala nang banta sa kanila, ani Michelle, plano nilang bumalik sa Lianga sa Setyembre 2 – isang taon at isang araw matapos angmalagim na pangyayari na di niya malilimutan kailanman.

Michelle Campos: Naghahangad pa rin ng hustisya para sa kanyang ama at lahat ng Lumad ng Mindanao. <b>KR Guda/PW File Photo</b>

Michelle Campos: Naghahangad pa rin ng hustisya para sa kanyang ama at lahat ng Lumad ng Mindanao. KR Guda/PW File Photo

Lagim ng militar

Setyembre 1 noong nakaraang taon, madaling araw, nang paslangin ng grupong paramilitar na Magahat-Bagani ang tatlong lider ng mga komunidad ng Lumad sa Diatagon.

Isa na roon ang dating guro ni Michelle na si Emerito “Tay Emok” Samarca, 54, na siyang executive director ng Alternative Learning Center for Agricultural and Livelihood Development (Alcadev) na alternatibong eskuwelahan ng mga Lumad sa Han-ayan. Pinaslang din ng mga paramilitar si Juvello Sinzo, miyembro ng Malahutayong Pakigbisog Alang sa Sumusunod (Mapasu), organisasyong masa ng mga Lumad sa Lianga.

At, sa harap ng mismong mga kaeskuwela ni Michelle sa Alcadev noong araw na iyon, walang-awang pinatay rin ng mga grupong paramilitar ng AFP si Dionel Campos, tatay ni Michelle.

“Dismayadong dismayado ako kasi hanggang ngayon, kung sino pa ang mga pumatay, sila pa ang malayang nakakalakad (sa Lianga). Samantalang kami, laging nangangamba sa seguridad namin,” kuwento niya.

Tinutukoy na salarin sa mga pamamaslang sina Bobby Tejero at Loloy Tejero, kapwa miyembro ng Magahat-Bagani na siyang nasa ilalim ng 36th Infantry Battalion, 75th IB at Special Forces ng Philippine Army sa pamumuno nina Lt.Col. Aaron Akas at Lt. Col. Randolph Roxas.

Nag-aaral na sa kolehiyo sa isang pamantasan sa Tandag si Michelle. Pero hanggang ngayon, sariwa pa rin ang lagim ng araw na iyon. Hanggang ngayon, hindi pa rin siya tumitigil sa paghangad ng hustisya. Nakarating pa siya sa iba’t ibang bansa para manawagan ng suporta para sa kanyang tatay at sa lahat ng Lumad.

Para sa hustisya

Dalawang beses na naglakbay ang libu-libong Lumad, hindi lang mula sa Lianga kundi mula sa iba’t ibang bahagi ng Mindanao, patungong Maynila noong nakaraang taon hanggang noong State of the Nation Address ni Pangulong Duterte.

Ang panawagan ng mga Lumad sa Lianga: Una, ang itigil na ang mga operasyong militar; pangalawa, ang isuko at mapasailalim sa hustisya ang mga suspek ng mga pamamaslang; at pangatlo, ang tanggalin na rin ang mga sundalong nagkakampo sa komunidad at eskuwelahan ng mga Lumad sa Lianga, lalo na sa alternatibong mga paaralan ng Alcadev at Tribal Filipino Program of Surigao del Sur (Trifpss).

Nang iproklama siya sa Malakanyang noong Hunyo 30, at pagkatapos ng SONA niya, nakausap si Duterte ng ilang lider-Lumad. Sa mga pulong na ito, siniguro ng Pangulo na gagawin niya ang makakaya para mapaalis ang mga militar sa mga komunidad ng Lumad, nang makauwi na sila.

Pero sa kabila nito, at sa kabila ng naunang deklarasyon para sa tigil-putukan ng rehimeng Duterte noong SONA, hindi gumalaw ang mga nakakampong sundalo sa Lianga. Kinumpirma ito ng maraming grupong pangkarapatang pantao, kabilang ang International Committee of the Red Cross.

Umaasa sila na sa pangalawang deklarasyon ng tigil-putukan ng rehimeng Duterte habang nagaganap ang pormal na usapang pangkapayapaan sa pagitan ng gobyerno at National Democratic Front of the Philippines sa Oslo, Norway, aalis na ang militar sa Lianga.

Sentro ng evacuation site sa Tandag. <b>JL Burgos/PMC File Photo</b>

Sentro ng evacuation site sa Tandag. JL Burgos/PMC File Photo

Buong Mindanao

Dahil sa pag-usad ng usapang pangkapayapaan sa pagitan ng gobyerno at rebolusyonaryong kilusan, nahihikayat ngayon ang organisadong hanay ng mga Lumad na paigtingin ang kanilang laban para sa karapatan sa lupaing ninuno.

Kamakailan, higit sa 5,000 Lumad at magsasaka ang nagkampo sa Rizal Park sa Koronodal City para iprotesta ang lumalalang pagkasira ng kapaligiran dala ng malawakang pagmimina. Nagmula ang naturang mga Lumad at magsasaka sa mga probinsiya ng South Cotabato, Sarangani, Sultan Kudarat, General Santos City, North Cotabato, at Davao del Sur.

Kasama sa mga tribong lumahok sa protesta ang Dulangan Manobo, B’laan, T’Boli, Teruray, Klagan, Kaolo, Bagobo at may ilang mamamayang Moro.

Nanawagan ang grupo sa pangunguna ng Kilusang Magbubukid ng Pilipinas (KMP) sa mga negosyador ng gobyerno at NDFP na isama sa pagkakasunduan ang pangangalaga ng kanilang mga lupaing ninuno. “Umaasa kami sa isang makabuluhang negosasyon sa pagitan ng gobyerno ng Pilipinas (GPH) at NDFP sa usapin ng Comprehensive Agreement on Socio-Economic Reforms (CASER),” ani Antonio Flores, pangkalahatang kalihim ng KMP.

Sa Sultan Kudarat at karatig na mga probinsiya, di-bababa sa 102,954 ektarya na karamiha’y lupaing ninuno ng mga Dulangan Manobo ang sakop ng operasyong pagtotroso ng pamilyang Consunji. Samantala, ang tri-boundary ng mga lupaing ninuno ng B’laan sa South Cotabato, Sultan Kudarat, Sarangani at Davao del Sur, target na maging lugar ng pinakamalaking operasyon ng pagmimina sa bansa bilang Tampakan Mining Project sa ilalim ng Sagittarius Mines Inc. (SMI). Sakop din ng Financial and Technical Assistance Agreement (FTAA) Permit ng Indophil ng pamilyang Alcantara ang mahigit 99,000 ektarya ng pagmimina.

Kontra-pasismo

Kinikilala ng mga grupong pangkarapatang pantao na konektado ang presensiya ng militar sa mga planong pandarambong sa likas-yaman ng mga lupaing ninuno ng mga Lumad.

“Para bigyan-daan ang pagpasok ng mga proyektong ito, kasabwat ng nakaraang administrasyon ang dayuhan at lokal na mga kompanya para ipasok ang militar (sa mga lupain ng mga Lumad) sa ilalim ng programang kontra-insurhensiya na Oplan Bayanihan,” sabi ng Kahugpongan sa mga Lumad sa Halayong Habagatang Mindanao (Kaluhhamin).

Kung saan may mga planong proyekto, doon laganap ang pananalakay ng militar sa mga komunidad ng Lumad, ayon sa mga grupong pangkarapatang pantao. Sa mga lugar na ito, laganap din ang pamamaslang sa mga lider-Lumad at iba pang lumalaban sa panghihimasok ng militar at malawakang pagmimina.

Sa posibleng pagbabalik nina Michelle sa Lianga, ipinapangako nilang patuloy nilang ipaglalaban ang karapatan sa lupaing ninuno. Malaking bagay kung mapagkakasunduan sa usapang pangkapayapaan ang pangangalaga sa kalikasan.

Pero anu’t anuman, nasa  kanilang kamay at sa pagkakaisa ng mga mamamayang api at pinagsasamantalahan ang kapangyarihan para mapigil ang pandarambong ng kalikasan na pinakikinabangan ng iilang mayayaman.

May ulat ni Marjo Malubay

Featured photo: Larawan ni Raymond Panaligan/AlterMidya sa Tandag, Surigao del Sur
Viewing all 188 articles
Browse latest View live


<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>