Quantcast
Channel: Karapatang Pantao – Pinoy Weekly
Viewing all 188 articles
Browse latest View live

Sandugo: Matibay na pagkakaisa ng mga katutubo’t Moro

$
0
0

Kinakatawan nila ang isa sa bawat sampung Pilipino. Isinasabuhay nila ang mga tradisyon, sining, at siyensiya na ipinasa sa kanila mula sa kanilang mga ninuno. Tagapagbantay sila ng kalikasan, dahil dito sila nabubuhay, kumukuha ng lakas.

May kakayahan at karapatan sila sa sariling pagpapasya bilang isang lahi.

Sila ang mga mamamayan ng iba’t ibang etno-lingguwistikong grupo sa bansa na bumubuo sa tinatawag na pambansang minorya. Sa pagkakasulat ng artikulong ito, nasa Kamaynilaan ang mahigit 3,000 sa kanila para magprotesta, magpahayag at magpakilala.

Narito rin sila para bumuo ng isang pambansang alyansa.

Martsa ng mga lider at kinatawan ng iba't ibang grupo ng pambansang minorya sa bansa. <b>Raymond Panaligan</b>

Martsa ng mga lider at kinatawan ng iba’t ibang grupo ng pambansang minorya sa bansa. Raymond Panaligan

Isang dugo

Tinawag nila itong “Sandugo: Kilusan ng Moro at Katutubong Mamamayan para sa Sariling Pagpapasya”. Isinagawa ang unang asembleya ng Sandugo sa GT Toyota Asian Center, Unibersidad ng Pilipinas- Diliman noong Oktubre 15 at 16. Bahagi ang pagbubuo ng Sandugo ng Lakbayan ng Pambansang Minorya na dinaluhan ng mga kinatawan at lider ng katutubo at Moro mula sa iba’t ibang panig ng bansa.

Ang pangalan ng binuong alyansa’y halaw sa salitang “sandugo” o ang katutubong ritwal ng pagpapatak ng dugo sa tubig o alak at saka iinumin bilang simbolo ng pagkakaisa sa panahon ng digma o pagdedeklara ng kapayapaan.

Sa pangunguna ng Kalipunan ng Katutubong Mamamayan ng Pilipinas (Katribu) at Suara Bangsamoro, nabuo ang Sandugo na naglalayong mas patatagin ang dati nang umiigting na laban ng pambansang minorya.

Pangunahin sa komon na laban ng mga katutubo ang pagtutol sa malalaking dayuhang kompanya na nanghihimasok sa kanilang mga lupaing ninuno para magtayo ng mapanirang mga istruktura gaya ng minahan, plantasyon, dam, at iba pang mga porma ng development aggression.

Development aggression ang terminong ginagamit patungkol sa mga proyektong lumalabag sa kanilang mga karapatan sa lupaing ninuno sa ngalan daw ng kaunlaran.

Kaugnay ng pang-aagaw sa kanilang mga lupaing ninuno, itinutulak ng Sandugo na kilalanin ang kanilang karapatan sa sariling pagpapasya. Ani Joanna Cariño ng Cordillera People’s Alliance, isa pang “mapinestayon ng pambansang pang-aapi ay ang ‘di pagkilala at paglapastangan sa mga katutubong istrukturang sosyo-pulitikal at ang misrepresentasyon” ng mga katutubo.

“Sinasagaan, minamanipula, binabaluktot ng reaksiyunaryong estado ang katutubong sosyo-pulitikal na istruktura depende sa interes nito. Halimbawa (nito ang ginagawa ng) NCIP na kung militante ‘yung datu (sa isang tribu), mamimili (ang NCIP) ng sarili nilang datu. May malaking mirepresentasyon sa mga katutubo at sa pambansang minorya,” ani Cariño.

Ang NCIP o National Commission on Indigenous People ay dati nang inirereklamo ng mga katutubo sa paggagawa nito ng mga “bogus” na desisyong nagpapalala sa kalagayan nila. Isa pang halimbawa nito ang diumano’y panlilinlang ng ahensiya sa mga Aeta ng Tarlac para matuloy ang mga konstruksiyon sa mga lugar na kinatitirikan ng kanilang mga pamayanan.

“Ang NCIP na dapat nagtatanggol sa ating mga katutubo’y siya pang pasimuno at pumupunta sa lugar ng mga katutubo para papayagin, linlangin ang ating katutubo para matuloy ang proyekto ng nakaraang administrasyon sa Balog- Balog Dam na iyan at pati na rin sa CGC [Clark Green Project],” ani Jonny Basilio ng Aeta Tribal Association. Nagpupunta diumano ang NCIP sa kanilang mga komunidad upang magsarbey at sa panahong namimigay na ang ahensiya ng pagkai’y hihingin nila ang pirma o thumbmark ng kasamahan nila nang hindi malalim na ipinapaliwanag sa mga ito ang magiging implikasyon nito.

Nagprotesta ang kabubuo pa lamang na Sandugo sa opisina ng NCIP upang hilingin ang tuluyang pagkabuwag nito dahil sa sari-saring mga kaso at reklamo ng mga katutubo tungkol sa ahensiya.

Nitong Martes, nagprotesta ang Sandugo sa Department of National Defense dahil sa pananakop ng militar sa mga komunidad ng mga katutubo at Moro para takutin ito — at depensahan ang mga proyektong development aggression sa kanilang lupain.

Pagtatanghal ng mga Lumad sa asembleya ng Sandugo sa UP Diliman. <b>Marjo Malubay</b>

Pagtatanghal ng mga Lumad sa asembleya ng Sandugo sa UP Diliman. Marjo Malubay

Resolusyon

Dalawa ang naipasa bilang pani-mulang resolusyon ng Sandugo. Una ang pagkakaroon ng sariling sugnay para sa mga katutubo at Moro sa pagbubuo ng Comprehensive Agreement of Socio Economic Reforms o Caser ng gobyernong Duterte at National Democratic Front of the Philippines (NDFP).

Ang Caser ay isang susing adyenda sa usapang pangkapayaan na may malaking epekto sa katutubong Pilipino at Moro.

“Simula pa lang na makipag-usap ang NDFP sa gobyerno ng Pilipinas, tangan-tangan, dala-dala ng [NDFP] ang mga isyu ng ating kapatid na mga Moro… [M]arami ring kapatid nating Moro ang napalaya sa usapang pangkapayapaan. Hindi tayo iniwan ng NDFP sa usapang pangkapayapaan,” ani Amirah Ali Lidasan ng Suara Bangsamoro.

Ang ikalawang resolusyo’y patungkol sa kahilingan ng grupo sa UP upang magtayo ng isang “symbolic or non-symbolic” na kampuhan para sa pambansang minorya na may layuning itama ang maling representasyon ng pambansang minorya sa kasaysayan at maging alternatibong sentro ng edukasyon tungkol sa mga katutubo’t Moro.

Parehong tinanggap nina Kennedy Bangibang na konsultant ng NDFP para sa Kordilyera at UP Chancellor Michael Tan ang mga resolusyon ng Sandugo.

Umaasa ang iba’t ibang grupo ng iba’t ibang miyembro ng pambansang minorya na simula pa lang ito ng paghihigpit ng pagkakaisa ng mga katutubo at Moro para sa pagsusulong ng kanilang interes at interes ng sambayanang Pilipino.


 


 ‘Paagahin ang Pasko para sa detinidong pulitikal’

$
0
0

Inaasahan ang pagpapalaya ng may 50 detinidong pulitikal sa susunod na mga linggo bilang bahagi ng usapang pangkapayapaan sa pagitan ng gobyerno at National Democratic Front of the Philippines (NDFP).

Ayon sa Gobyerno ng Pilipinas (GRP), karamihan sa mga mapapalaya sa pagtatapos ng ikalawang round ng usapang pangkapayaan ay mga detinidong kababaihan, matatanda, may sakit, at mga nakakulong na nang matagal na panahon.

Inilinaw ng Karapatan, alyansang pangkarapatang pantao, na 19 detinidong pulitikal pa lang ang napapalaya mula noong unang round ng negosasyon sa pagitan ng GRP at NDFP. Ito ay taliwas sa 71 na pahayag ni Pres. Peace Adviser Jesus Dureza na naiulat sa isang lokal na pahayagan.

Miradel Torres: Nagpapasusong ina. <b>Photo courtesy: Karapatan</b>

Miradel Torres: Nagpapasusong ina. Photo courtesy: Karapatan

“Karamihan sa mga napalaya ay mga konsultant sa usapang pangkapayaan. Si Jaime Soledad, konsultant ng NDFP, ay napawalang-sala sa gawa-gawang mga kaso laban sa kanya,” ani Tinay Palabay, pangkalahatang kalihim ng Karapatan.

Ayon pa kay Palabay, ang iba pang detinidong pulitikal na napalaya sa pagkakakulong mula Hulyo hanggang Oktubre ay bunga ng lakas ng depensa ng kanilang mga abogado at mga kampanyang bayan.

Bukas-palad umanong tinatanggap ng Karapatan ang balita ukol sa pagpapalaya ng may 50 detinidong pulitikal. Pero hindi dapat kalimutan ng gobyerno na higit sa 400 pa na kailangang mapalaya sa lalong madaling panahon dahil hindi makatao at walang basehan ang pagkakakulong sa kanila.

Inihalimbawa ni Palabay ang kaso ni Miradel Torres, 27, na nanganak habang nasa kulungan. Hinuli si Torres noong 2014 habang papunta ito sa ospital para magpa-check up. Isang saksi umano ang “nakarinig ng buong pangalan at alyas [ni Torres] sa isang engkuwentro.”

Nakapagpakita man ng katibayan si Torres na nasa handaan ito para sa kaarawan ng anak sa araw na naganap ang di-umano’y engkuwentro, nakulong pa rin ito sa kasong pagpatay.

Panawagan ng mga grupong pangkarapatang pantao: Unahing palayain ang mga maysakit na mga detinidong pulitikal. <b>Angge Santos/Karapatan</b>

Panawagan ng mga grupong pangkarapatang pantao: Unahing palayain ang mga maysakit na mga detinidong pulitikal. Angge Santos/Karapatan

Hindi rin umano makatarungan ang kaso ng mag-anak na sina Jesus at Moreta Alegre, 70 at 71, at ang kanilang anak na si Selman. Napag-initan ang mag-anak ng isang lokal na landlord dahil sa pag-oorganisa at pag-eeduka nila sa mga magsasaka ng Cadiz City, Negros Occidental.

“Sila’y kabilang sa mga detinidong pulitikal na inaresto nang walang basehan ng nakaraang mga rehimen at naghihintay sa pangakong kalayaan sa ilalim ng administrasyong Duterte. Higit sa 400 ang ilegal na inaresto, tinortyur, at ikinulong dahil sa mga counter-insurgency program ng nakaraang administrasyon mga laban sa (insurhensiya),” ani Palabay.

Huwag na umanong paabutin pa ng Pasko ang pagpapalaya sa kanila.


 

Libing ni Marcos Pagkatapos

$
0
0

Eksakto ang salitang “panakaw” para ilarawan ang paglibing kay dating Pangulong Ferdinand Marcos sa Libingan ng mga Bayani nitong Nobyembre 18: palihim noong una, paspasang ginawa, at hindi sinasang-ayunan ng marami. Pero hindi pa rin napigilan ng ganitong paraan ang reaksyon ng marami: ang kapal ng mukha!

Bago ang araw na iyun, may mga usap-usapan nang mabilisang ililibing ang dating diktador sa LNMB. Nagising na lang ang bansa na nagkalat ang kapulisan at militar sa Kamaynilaan. At naalarma na lang ang marami nang nabalita noong umagang iyun na inililipad na ang bangkay ni Marcos mula Ilocos Norte patungong Kamaynilaan. Noong hapon, naglabasan na ang mga larawan at bidyo ng pagpaparangal at paglilibing sa bangkay ng pamilya Marcos.

Bago nito, syempre pa, nagdesisyon ang Korte Suprema noong Nobyembre 8 nang pabor sa naturang libing. Nag-apela ang mga tutol, pero inilagak na ang bangkay sa LNMB kahit wala pang desisyon sa naturang apela. Kaakibat nito ang tuluy-tuloy, walang atras, at wala sa katwiran na pagdadahilan ni Pangulong Rodrigo Duterte para sa hakbangin.

Larawan ni <b>Jo A. Santos</b>

Larawan ni Jo A. Santos

Malawak na galit at pagkondena, at malalaking protesta ang naging tugon ng sambayanan. Agad na naging malinaw na hindi lang ito isang maliit na pagkakamali ng gobyerno o presidente. Kahanay ito ng iba’t ibang isyu sa nakaraan na nagpahina, kundi man nagpatalsik, ng mga dating pangulo.

Mula nang ilibing si Marcos, agad nagkaroon ng sunud-sunod na malalaking protesta sa Kamaynilaan at buong bansa. Tumampok ang mga kabataang estudyante, ang mga “millennial” na kamakailan lang ay kinukutya ng ilan dahil raw lulong sa sariling mundo, walang pakialam sa mga isyung panlipunan. Parang anunsyo ng pagdating nila sa pulitika ang galit na wika ng kanilang mga plakard, sariwa at nakikita lang noong una sa social media.

Sa Facebook at social media, humantong ang mga trolls na maka-Marcos at maka-Duterte sa lantarang panghaharas na sekswal – sa layuning pigilan ang ispontanyong pagpapahayag ng galit at pagtutol ng mga karaniwang tao, kasama ang kababaihan. Tila karugtong ng patalastas sa midya ni Marcos noong eleksyong 1986 na pangkama at pambahay lang ang mga babae. Nitong huli, inatake na ng mga trolls ang mga personal na account ng mga tutol at tumutuligsa, tampok ang sa mamamahayag na si Inday Espina-Varona.

Sa Kamaynilaan at buong bansa, ang namumuno ng protesta ay ang pambansa-demokratikong Kaliwa. Hindi naging hadlang ang mabubuting hakbangin at pangako ni Duterte para maging napaka-kritikal nito sa libing-bayani kay Marcos, sa alyansa ni Duterte sa mga Marcos, at kay Duterte mismo; katunayan, naulapan ang naturang mga hakbangin at pangako ng kawalang-hiyaan ng libing sa LNMB. Hindi man nito pinapalusot ang pananagutan ng mga naunang rehimen, ng US at mga naghaharing uri sa muling pagpapalakas sa pamilya Marcos, na matagal nang nagaganap, malinaw ritong naging susi si Duterte sa libing-bayani kay Marcos.

Sabi ni Satur Ocampo ng Bayan Muna, kailangang “muling pag-isipan” ng pambansa-demokratikong Kaliwa ang “taktikal na alyansa” kay Duterte dahil sa nangyari, at kung magtutuluy-tuloy ang ganitong mga hakbangin. Kinwestyon ng Communist Party of the Philippines kung tunay ngang maka-Kaliwa si Duterte gaya ng sinasabi nito at binansagan itong “bulok na trapo.” Sabi naman ni Prop. Jose Maria Sison, tagapagtatag na tagapangulo ng CPP, bunsod ng libing-bayani at ng tinakbo ng mga unang buwan ng administrasyon, na magiging mas malinaw sa darating na anim na buwan ang direksyon ng gobyernong Duterte.

Ang pambansa-demokratikong Kaliwa ang namuno sa noise barrage sa iba’t ibang bahagi ng Kamaynilaan noong tanghali, at sa protesta sa Unibersidad ng Pilipinas, Miriam College, Ateneo de Manila at buong bansa noong hapon at gabi ng Nobyembre 18. Kasama rin ito sa mga namuno ng malalaking protesta sa Luneta at buong bansa noong Nobyembre 25 at sa Mendiola at buong bansa noong Nobyembre 30, Araw ni Bonifacio. Tiyak na nagpapalakas ito para sa mga susunod na labanan.

Sa kabilang banda, namumuno rin ng mga protesta ang pangkatin ni dating Pangulong Noynoy Aquino. Mula sa tuluy-tuloy na pagtuligsa kay Duterte at hindi rito pagbibigay man lang ng tsansa simula’t sapul, mas madiin na ang kanilang pagkondena ngayon, at lumalaro na sa panawagan ng pagpapatalsik. Ang akala ng mababantot na personalidad ng gobyerno ni Aquino ay bumango na sila dahil sa isyu, kaya nagpapakita na sa mga protesta.

Sila ang namuno sa protesta sa Edsa Shrine noong Nobyembre 18 at 30. Lehitimong lunsaran ng protesta ang lugar, pero kilala rin ito sa pagpapatalsik sa pangulo. Mamamayan ang bida sa protesta sa Edsa pero, sa kasaysayan, bahagi ito ng panawagan sa militar na tanggalin ang suporta sa presidenteng nakaupo. Simbolo ng paglaban sa diktadurang US-Marcos ang Edsa, pero ginagamit din ito ng mga Aquino para palakasin ang inaangkin nilang prangkisa sa naturang paglaban.

Tila sinisikap ng pangkatin ni Noynoy Aquino na makuha ang suporta ng US para sa pagpapatalsik kay Duterte, lalo na kung itutuloy nito ang pagsusulong ng “independyenteng patakarang panlabas” gaya ng ipinangako nito. Sintomas ang sagad-sagaring mga pahayag sa social media ni Leah Navarro, dating mang-aawit, pinunong troll ng mga Aquino, at anti-Kaliwa. Imbes na himukin ang paglakas ng lahat ng protesta laban sa libing-bayani kay Marcos, nanawagan siyang huwag daluhan ang mga protesta ng pambansa-demokratikong Kaliwa, dahil umano’y maka-Duterte ito.

<b>Cindy Aquino</b>

Kuha ni Cindy Aquino

Hindi nakakakumbinsi ang mga palusot ni Duterte sa libing-bayani para kay Marcos. Halatang mababaw na palusot lang ang mga ito para sikaping bigyang-matuwid ang paglilibing sa dating diktador at pampulitikang alyansa niya sa mga Marcos. Pinatampok ang naturang kababawan ng sinabi niyang walang pelikulang nagdidiin sa Batas Militar kaugnay ng mga krimeng inaakusa rito.

Ang tiyak, may utang na loob si Duterte sa mga Marcos, dahil tumulong sila sa kanyang kandidatura sa pagkapangulo, bukod sa iba pang posibleng dahilan. Tiyak na pambayad-utang niya ang libing-bayani sa dating diktador, at iba pang hakbangin marahil. May alyansa siya ngayon sa mga Marcos, kahit pa mas kailangan siya ng mga ito kaysa kailangan niya sila.

Itinulak ni Duterte ang paglilibing kay Marcos sa LNMB sa loob ng unang anim na buwan ng termino niya, habang popular pa siya at pwede pang mabawasan, sa tantya niya marahil, ng pampulitikang kapital.

Ngayon pa lang, malinaw: Talagang nababawasan ang kanyang popularidad at pampulitikang kapital dahil sa libing-bayani para kay Marcos. At magtutuluy-tuloy ito kung patuloy siyang papabor sa masasamang pangkatin sa bansa – sa mga Marcos, kay Gloria Macapagal-Arroyo, hanggang sa mga haciendero, malalaking kapitalista at sa US. Kaalinsabay, tuluy-tuloy ang mulat na pagsasamantala ng pangkating Aquino sa sitwasyon para patalsikin siya sa pwesto.

Nagpakita si Duterte ng pagiging bukas sa mga ideyang hindi pinanghahawakan ng mga dating pangulo. Kailangang niyang maunawaan na sinuportahan siya ng maraming Pilipino sa kabila ng, hindi dahil sa, alyansa niya sa masasamang pangkating ito. Kailangan niyang maunawaan na naghahanap ng tunay na pagbabago ang sambayanang Pilipino, hindi ng dating gawi pabor sa mga imahen ng tradisyunal na kalakaran ng pulitika at ekonomiya sa bansa. At ibang antas talaga ng kasalanan ang pagpabor sa mga Marcos at maging kay Arroyo.

Malinaw ang pagbasa ng Bagong Alyansang Makabayan o Bayan: para sa mga Marcos, hindi katapusan ang libing-bayani para sa dating diktador. Bahagi lang ito ng mga hakbangin para bumalik sa kapangyarihan, partikular sa Malakanyang, bago ang 2022 o sa taong ito. Bahagi ang libing-bayani ni Marcos ng pagrebisa at pagbaluktot sa kasaysayan pabor sa kanya at kanyang pamilya at sa kanilang ambisyon. At panimula pa lang ito; tiyak, sa maitim na puso nina Imelda, Bongbong, Imee, Ireene at kaanak, pumipintig ang kasabihang isinusulat ang kasaysayan ng mga nagwawagi sa labanan.

Kagyat at nag-aalab ang panawagang “Never again!” Nakatakda na ang susunod na protesta sa Disyembre 10, Pandaigdigang Araw ng Karapatang Pantao. Hindi na muli sa mga Marcos at sa Batas Militar!

04 Disyembre 2016

 

 Sinsero ba talaga ang gobyerno?

$
0
0

Ano’ng nangyari sa mga ipinangako ni Pangulong Duterte na palalayain ang lahat ng bilanggong pulitikal?

Ito ang tanong ng mga grupong pangkarapatang pantao, limang buwan matapos maupo sa poder si Duterte sa pangako ng “pagdating ng pagbabago”. Bago pa nga makaupo ng Malakanyang, sinabi na niyang plano niyang magdeklara ng general amnesty sa lahat ng bilanggong pulitikal sa bansa, kasabay ng pagpapatuloy ng usapang pangkapayapaan sa pagitan ng gobyerno at mga nagsusulong ng rebolusyon sa bansa.

Pero matapos ang kondisyonal na pagpapalaya sa 19 konsultant ng National Democratic Front of the Philippines (NDFP) noong Agosto, tila wala nang nangyari sa pangako. Nitong Martes, Dis. 6, sinabi pa ng Pangulo na palalayain niya ang 130 bilanggong pulitikal–iyung maysakit at nakakatanda–kung pipirmahan lang ng NDFP ang isang kasunduang bilateral ceasefire. Siyempre, hindi ito ikinatuwa ng NDFP at ng mga progresibong tagamasid sa usapang pangkapayapaan–bukod sa obligasyon ng gobyerno ang pagpapalaya sa mga bilanggo na sinampahan ng gawa-gawang mga kaso, ipinangako nga ni Duterte ang amnestiya sa kanila bago pa man maluklok sa Palasyo.

At noong nakaraang linggo nga, namatay ang isang bilanggong pulitikal na matagal nang ikinakampanya ng mga grupong pangkarapatang pantao na palayain.

“Patay na si Bernabe Ocasla. Nasa coma siya matapos atakihin sa puso o ma-stroke noong Biyernes (Nob. 25) sa kulungan,” sinulat ni Edre Olalia, abogado ng mga bilanggong pulitikal, sa kanyang Facebook account. “Kasama siya sa mga detinidong pulitikal na maysakit na dapat na pinalaya na sa batayang makatao, at alinsunod ng napagkasunduan noong negosasyong pangkapayapaan at matagal nang ipinangako ng gobyerno.”

Isa lang si Ocasla sa mga bilanggong pulitikal na namatay habang nasa kulungan, bagamat siya ang una sa panahon ni Duterte. Sa ilalim ng administrasyong Aquino, namatay na dahil sa kawalan atensiyong medikal at di-makataong kondisyon sa kulungan sina Romeo San Andres, Menchor Renomeron, Renato Abadiano, Nenino Cabarles, Alison Alcantara, Willy Geocado, Gildo Gonzales, Benny Barid, Ester Montes, Crisanto Fat, Jose Andaya at Eduardo Serrano.

“Nasa gobyerno ng Republika ng Pilipinas ang pananagutan sa pagkamatay ng bilanggong pulitikal na si Bernabe Ocasla,” deklara ni Cristina Palabay, pangkalahatang kalihim ng Karapatan. Sa pagkakasulat ng artikulong ito, may dalawa pang bilanggong pulitikal na nasa ospital dahil sa mga karamdaman: sina Apolonio Barado, na nasa Philippine Heart Center ngayon dahil sa sakit sa puso, at Amelia “Amy” Pond na nasa Southern PH Medical Hospital matapos ang operasyon sa lumbar spine.

pw-ailing-political-prisoners-01

Mga bilanggong pulitikal na nasa ospital ngayon dahil sa mga sakit: sina Amy Pond (kaliwa) at Apolonio Barado.

Nabubulok sa kulungan

Umabot na sa 401 ang bilanggong pulitikal sa iba’t ibang kulungan ng bansa.

Nitong nakaraang mga buwan, panay ang anunsiyo ni Labor Sec. at pinuno ng negotiating panel ng gobyerno, Silvestre Bello III, na nakatakda na raw ang pagpapalaya sa mga bilanggong pulitikal na aabot sa 70. Para sa grupong pangkarapatang pantao na Karapatan, ni hindi malinaw kung ano ang batayan kung bakit 70 ang sinasabing palalayain. Pero sa kabila ng mga pahayag, wala pa ring indikasyon na may palalayain na nga ang gobyernong Duterte.

“Katulad sitwasyon sa ibang bahagi ng bansa, nag-ambag sa kondisyong medikal ni Ocasla ang marahas na kondisyon sa kulungan sa Manila City Jail kung saan siya nakulong,” sabi ni Palabay. “Di bababa sa 130 bilanggong pulitikal ang dumaranas ng iba’t ibang sakit, marami ang banta-sa-buhay tulad ng kondisyon ni Ocasla. Ito ang dahilan kung bakit mahalaga ang agarang pagpapalaya sa kanila, para makakuha sila ng mas maayos na pagpapagamot sa labas ng kulungan.”

Sabi pa ni Palabay, magugunita rin ang pagkamatay ni Diona Andrea, bagong-silang na sanggol ng dating bilanggong pulitikal na si Andrea Rosal. Dahil sa masamang kondisyon sa kulungan at di-sapat na serbisyong pangbuntis, namatay ang sanggol na si Diona dalawang araw matapos ipanganak sa Philippine General Hospital.

Hindi malinaw kung bakit hindi pa rin nagagawang palayain ng administrasyong Duterte ang mga bilanggong pulitikal tulad ng ipinangako nito. May mga nagsasabing baka may humaharang sa pagpapalaya sa hanay ng militar at pulisya.

Pero sa pagpapalaya noong Agosto ni Duterte sa 19 konsultant ng NDFP, napakita niyang kung gugustuhin niya, talagang may paraan.

Ano’ng tigil-putukan?

Hindi kondisyon sa pagpapatuloy ng usapang pangkapayapaan ang pagpapalaya sa mga bilanggong pulitikal.

Gayunman, sa press conference ni Bello sa Malakanyang dalawang linggo na ang nakakaraan, sinabi mismo niyang confidence-building measure ito sa usapan—ibig sabihi’y pagpapatibay ng kumpiyansa ng NDFP at GRP (Gobyerno ng Republika ng Pilipinas) na ipagpatuloy ang negosasyon.

Sa naturang presscon, sinabi rin ni Bello na binabalak sana ng gobyerno na matuloy na ang deklarasyon ng bilateral ceasefire, o napagkasunduang tigil-putukan ng gobyerno at NDFP. “Para mapanatag ang publiko,” sabi niya. Pero iginigiit ng NDFP na hindi prayoridad ang deklarasyong ganito, dahil kailangang unahin muna ang pagpapalaya sa mga bilanggong pulitikal. Tutal, nakatindig pa naman ang unilateral ceasefire na dineklara ng parehong panig bago ang pormal na negosasyon noong Agosto.

Isa pa, ayon sa NDFP at kumpirmado ng mga grupong pangkarapatang pantao, kahit ang unilateral ceasefire ay tila hindi nasusunod ng GRP—o, mas tiyak, ang Armed Forces of the Philippines (AFP).

Ang Karapatan, nakatala ng maraming paglabag ng AFP sa tigil-putukan, mula sa pag-ookupa ng mga sibilyang lugar tulad ng health centers, barangay halls at kabahayan ng mga residente sa mga komunidad sa probinsiya, hanggang panggugulo sa pang-araw-araw na buhay, kabuhayan at pag-eskuwela ng mga residente. Naiulat ito sa Ragay at Del Gallego sa Camarines Sur, gayundin sa Palimbang sa Sultan Kudarat. Samantala, sa rehiyon ng Caraga, naiulat ang pagpuwersa ng mga sundalo ng Philippine Army sa mga residente na “sumuko” na sa kanila—lalo na iyung mga miyembro ng mga organisasyong masa.

Sa probinsiya ng Masbate, inimbestigahan ng Karapatan-Bicol ang anila’y ‘bagong mga atake” sa mga sibilyan sa mga barangay na Cawayan at Dimasalang sa naturang probinsiya. Itinuturong sangkot dito ang 9th at 2nd Infantry Battalion ng Army na nagkokondukta ng mga aktibidad sa ilalim ng programang kontra-insurhensiya na Oplan Bayanihan.

Ginagawang dahilan

Lumalabas na sa halip na tapat na sundin ng AFP ang tigil-putukan at maglikha ng kondisyon para maging posible ang mas pangmatagalang kapayapaan, tila ginagamit nitong pagkakataon ang unilateral ceasefire para ipagpatuloy ang giyera kontra-insurhensiya nito—sa layuning mapupuksa pa rin nito sa pamamagitan ng puwersa ang armadong rebolusyon.

“Sa ilalim ng unilateral ceasefire, natatratong suspetsadong mga rebelde ang mga sibilyan at napapasailalim sa mga interogasyon, banta at panghaharas,” ani Palabay. “Sa pagkakaabala sa pang-araw-araw na buhay nila at pag-aaral ng kanilang mga anak, at sa tuluy-tuloy na pagpapatrulya ng mga sundalo sa mga bahay tuwing gabi, bigo ang unilateral ceasefire na maglikha ng kondisyon kung saan malayang nakakakilos, nakakapagsalita at nakakapagtalakay ng mga reporma ang mga tao kaalinsabay ng usapang pangkapayapaan ng gobyerno at NDFP.”

Tanong tuloy ng progresibong mga tagamasid: Kung unilateral ceasefire o tigil-putukan na sila mismo ang nagdeklara, nagagawa nang labagin ng militar, papaano pa kaya ang isang bilateral ceasefire?

Nakukuwestiyon tuloy ngayon ang sinseridad ng mismong administrasyong Duterte: pangmatagalang kapayapaan ba talaga ang gusto nito, o isang pagpapanggap lamang na may kapayapaan na sa porma ng mga deklarasyong tigil-putukan na di naman sinusunod ng militar?


 

Lider-obrero, hinaharas ng militar

$
0
0

Kahit may usapang pang-kapayapaan sa pagitan ng Pilipinas (GRP) at National Democratic Front of the Philippines (NDFP) na kapwa nagpapatupad ng unilateral ceasefire, umaarangkada pa rin ang atake ng gobyerno sa progresibong mga grupo.

Isa sa mga biktima nitong huli si Antonio “Ka Tony” Begornia, pangkalahatang kalihim ng Alliance of Nationalist and Genuine Labor Organizations- Kilusang Mayo Uno (Anglo- KMU).

Umaalma ang mga manggagawa sa pinabagong atakeng ito sa KMU at progresibong mga lider-obrero.

“Naniniwala kami na ang serye ng panghaharas kay Ka Tony ay kagagawan ng mga elemento ng Armed Forces of the Philippines bilang bahagi ng Oplan Bayanihan. Pareho ang modus operandi na ito na ginamit para mangharas ng mga lider-manggagawa at unyonista mula pa sa administrasyong Aquino,” ani Elmer “Ka Bong” Labog, tagapangulo ng KMU.

Tala ng panghaharas

Disyembre 22, 2016 nang magsimula ang panghaharas kay Begornia.

Pinuntahan siya ng tatlong lalaki sa kanilang bahay at nagsabing bibili ng furniture. Matapat namang sinamahan ni Begornia ang tatlo sa bilihan. Matapos noon, nag-ayang kumain ang mga ito.

Sa isang restawran, pinaorder si Begornia ng anumang gusto niyang kainin. Dito na nagpakilala ang tatlo na mga intelligence agent daw sila ng gobyerno.

Nagpakilala ang mga ito sa pangalang Maj. Michael Miguel, isang Sgt. Jonathan, at isang Ka Diego na dati umanong aktibista. Tulad ng dating pamamaraan para baliktarin ang isang aktibista sa kanyang paniniwala, inakit ng “tulong” si Bergonia na ibibigay umano ang pangangailangan ng kanyang pamilya basta makipagtulungan siya sa mga ito.

Tinanong siya ng tatlo kung ano ang ginagawa ng Anglo- KMU. Matapat naman niyang sinabi kung ano ang ginawa ng kanyang organisasyon gaya ng pagpunta sa lokal na mga unyon para sa mga pulong at pagkondukta ng mga aktibidad para sa mga manggagawa.

Matapos noon, binigyan siya ng numero kung saan siya makikipag-usap at huwag sasabihin kahit sa asawa nito. Inihatid siya matapos noon sa mismong bahay nila.

Sunud-sunod na umano ang pagsubaybay sa kanya. Pinuntahan siya uli noong Disyembre 24 dala ang isang bag ng grocery at P2,000 pilit na pinagsiksikan sa bulsa ni Begornia. Ikinatakot pa ito ni Begornia dahil baka droga ang inilagay sa kanyang bulsa. Dali-dali niyang inilabas ito. Pero nagsabi sa kanya na magagalit ang tatlo kung hindi niya tatanggapin. Dahil sa naisandal siya sa ganoong sitwasyon, napilitan siyang umalis dala ang ibinigay sa kanya.

Nagpatuloy ang paniniktik at matinding panghaharas kay Begornia. Nakaabot na ito hanggang sa pamilya niya at komunidad. Kung kaya nagdesisyon ang KMU na sunduin na siya sa kanyang bahay at ilagay sa ligtas na lugar. May lumapit na umano sa mga pamangkin ni Begornia: “Ano? Ituturo niyo ba kung nasaan si Tony o may tutumba sa inyo?”

Hanggang sa kasalukuyan, nagpapatuloy pa rin umano ang paniniktik sa lugar ni Begornia.

Meme na pinakalat ng KMU matapos ang panghaharas kay Begornia.

Meme na pinakalat ng KMU matapos ang panghaharas kay Begornia.

Patuloy ang krisis

Sa kasalukuyan, aktibo pa rin ang mga manggagawa sa panawagan na ibasura ang kontraktuwalisasyon at pagsulong para sa national minimum wage.

Ito ang nakikitang dahilan ni Jerome Adonis, secretary-general ng KMU, kung bakit inaatake ang katulad ni Begornia.

Masamang senyales umano ang ipinakikitang ito ng administrasyong Duterte. Lumalawak ang diskontento ng mga manggagawa sa kanyang mga ipinangako at pagpapatuloy ang mga pandaras para patahimikin ang mga katulad nilang lider-manggagawa at unyonista.

Gayundin, tila wala rin sa planong itigil ng administrasyon ang kontra-insurhensiyang programa tulad ng Oplan Bayanihan ng administrasyong Aquino. Ngayon, binihisan na ito ng bagong pangalan: Oplan Kapayapaan, na bumibiktima maging sa mga walang armas na mamamayang nagsusulong ng kanilang karapatan.


 

Ibalik ang tamihik sa Malibcong

$
0
0

Kapayapaan. Para sa mga mamamayan ng bayan ng Malibcong sa Abra, napakamakahulugan ng salitang ito. Dahil tahimik ang komunidad ng mga katutubong Mabaka, Gubang, at Banao (Igorot) sa Malibcong. Malaya ang bawat isa — mula sa bata sa kanilang paglalaro hanggang sa pagpunta ng matatanda sa kanilang palayan na nakapuwesto sa puso ng kabundukan.

Pero nabasag ang kapa-yapaang ito nang dumating at magkampo ang mga sundalo sa loob mismo ng kanilang komunidad. Nabalot ng takot ang ilan sa mga residente at naging limitado ang kanilang mga galaw.

Halos isang buwan na ang nakalipas nang mangyari ito sa Malibcong. Sa pamumuno ni Lt. Col. Dominic Tomas Baluga, nagsagawa sa lugar ng “indiscriminate bombing” ang mga sundalo ng 24th Infantry Battalion of the Philippine Army (IBPA) sa ilalim ng 7th Infantry Division (ID). Apektado rito ang ilang barangay malapit sa lugar ng pinagbombahan tulad ng Umnap, Buanao, Lat-ey at Mataragan.

Ang layunin nila: durugin daw ang mga gerilya ng New People’s Army (NPA) na pumupugad sa Malibcong.

Nakabibinging pagsabog

Nangyari ang pangbobomba noong Marso 16, sa pagitan ng alas-sais hanggang alas-siyete ng umaga. Ayon sa kabataang saksi na nakatira sa Lat-ey, walong pagsabog ang narinig niya noong umagang iyon. Nasundan ang pagsabog sa pagitan ng 1 hanggang 1:45 ng hapon. Ngunit sa pagkakataong iyon, hindi na niya ito muling nabilang pa.

Apektado ang lahat ng mga katutubo ng Malibcong. Maging pamumuhay ng bawat isa’y nagbago hindi lang dahil sa pambobomba, kundi maging ang pagkampo ng mga militar sa komunidad.

Lumipas ang katandaan ni Inang Nita (hindi tunay na ngalan), may edad na di-bababa sa 80, na napapalibutan ng takot sa tuwing masasaksihan niya ang pangbobombang ginagawa ng militar. Ayon sa kanya, simula pa dekada ’80, magsimulang bombahin ng mga militar ang mga lugar na malapit sa kanila.

Mababakas sa guhit ng mukha ni Inang Nita ang mga takot tuwing may pagbobomba. “Sa tuwing magpapasabog sila, kahit alam namin na malayo sa amin, natatakot kami. Kasi, naririnig namin ‘yung pagsabog — malakas,” ani Inang Nita.

Nasaksihan ng halos buong buhay ng mga nakakatanda sa komunidad ang magbobomba at pag-atake sa kanilang mga lupaing ninuno. Sa pagkakataong ito, tulad noong nakaraan, tinanong nila ang kanilang sarili: Lilisanin din ba nila ang kanilang minamahal na lugar?

Isang bahagi ng bundok sa Malibcong na binagsakan ng bomba ng AFP. <b>Abie Alino</b>

Isang bahagi ng bundok sa Malibcong na binagsakan ng bomba ng AFP. Abie Alino

Buhay nilang magsasaka

Pangunahing buhay ng mga katutubo sa Malibcong ang pagsasaka. Kaya nabu-labog ang kanilang buhay nang simula na ang mga magpasabog at magkampo ang mga militar sa kanilang komunidad.

Noon, malayang naka-kapunta sa kanilang mga palayan nang walang pag-aalinlangan o iniisip na banta sa kanilang buhay ang mga magsasaka. Nagagawa nila ang gusto nila sa mga taniman at nababantayan nila ang kanilang mga pananim. Malayang nakakalakad sa damuhan maging ang mga kalabaw at baka, na katuwang sa pag-aararo ng mga magsasaka.

Pero ngayon, ni hindi nila mapuntahan ang mga pananim dahil sa mga operasyong militar na isinasagawa ng mga sundalo ng gobyerno sa kabundukan.

“Hindi na kami makapunta sa aming taniman. Kasi noong una, pinagbabawalan nila kami dahil sa operasyon na kanilang ginagawa. Pero mga ilang araw pa lang, pumayag sila. Kaso, natatakot pa rin kami, dahil baka bigla nila kaming barilin. Hindi din naman natin masasabi iyon,” ayon sa isang magsasaka na tumangging magpakilala.

Napakalaki rin ng pinsalang naidulot ng pinakabagong pagpapasabog sa mga pananim sa komunidad. Nabalisa nito ang mga kalabaw, baka at kabayo na sa mga pananim nagtakbuhan dahil sa takot sa lakas ng pagsabog. Ang iba nga, hindi na natagpuan ang kanilang mga alagang hayop matapos ang pagsabog. Paghingi lang ng tawad ang tanging naibigay ng pinuno ng militar.

Si Mark, 6. <b>Abie Alino</b>

Si Mark, 6. Abie Alino

Sa mata ng paslit

Samantala, ang mga bata sa komunidad ay maagang namulat sa mga karahasang nangyayari sa Malibcong.

Sa isang psychosocial intervention ng mga grupong pangkarapatang pantao sa lugar, pinagdrowing nila ang mga bata para ihayag ang kanilang mga saloobin.

Kung ikukumpara sila sa mga ibang bata at aatasang iguhit sa kanilang paligid, karamihan sa huli’y puno at mga bundok na nasa ibaba ng ulap ang iguguhit. Ngunit ang mga paslit ng Malibcong, karamihan ay baril, tora-tora at jet plane ang ginuguhit noong pinahahawak sila ng lapis at iba pang pandrowing.

Si Mark (di tunay na ngalan), 6-anyos, madetalye ang drowing ng armalayt. Nang tanungin kung papaano siya nagkaideya sa hitsura ng naturang baril, ang sabi niya: “Yun ang nakita ko sa mga sundalo.” Tila nakatatak na sa kanilang isipan ang karahasan ng giyera ng AFP.

Sa naturang intervention, naikuwento rin ng mga bata ang karanasan nila noong mga pagbomba. Nasa kani-kanilang silid-aralan ang mga bata nang may narinig silang malakas na pagsabog. Sa takot ng kanilang mga nanay, tumungo ang mga ito sa kanilang mga silong at siniguradong ligtas ang kanilang mga anak. Halos isang linggo ring nasuspinde ang klase ng lahat ng paaralan sa Malibcong.

Hindi lang kalikasan ang sinira ng pagsabog. Ang mas malupit na pagkasira’y sa buhay at kabuhayan ng mga taga-Malibcong. Lahat sila, iisang tanong ang tumatakbo sa isipan: Bakit ang bayan nila ang napipipiling bombahin ng mga militar? Bakit sa loob ng mahigit tatlong dekada’y sila ang laging target ng pagbomba? Ang tanging gusto lang ng mga katutubo ng Malibcong ay pangmatagalang kapayapaan at paggalang sa kanilang karapatan sa sariling pagpapasya.

Gayunman, nagkakaisa sila ngayon para ipanawagan na paalisin ang mga militar sa kanilang lupaing mahal. 


SIDEBAR

Misyong pangkapayapaan sa Abra

Mga katutubong bata ng Malibcong at ang paglalarawan nila ng pagbomba ng militar sa kanilang komunidad. <b>Abie Alino</b>

Mga katutubong bata ng Malibcong at ang paglalarawan nila ng pagbomba ng militar sa kanilang komunidad. Abie Alino

Dahil sa aerial bombings ng militar, sa pamumuno ni Lt. Col. Dominic Tomas Baluga, sa Malibcong, Abra, agad na tumulak ang iba’t ibang organisasyon tulad ng Cordillera People’s Alliance (CPA), Abra Human Rights Movement (AHRM), Cordillera Human Rights Alliance (CHRA), Cordillera Elders Alliance (CEA), Karapatan National Alliance for Human Rights, Kabataan Party-list, Regional Ecumenical Council in the Cordillera (Reccord) upang tugunan ang paghingi ng tulong ng mga tao sa komunidad.

Dahil sa mga operasyong militar, hindi na pinahintulutan ng mga tao sa komunidad na matunton pa ng grupo ang ang lugar na mismong pagbomba. Sa halip, isinagawa nila ang “community meeting”: tinipon nila ang bawat kasapi sa komunidad. Sa pagtitipong ito, lumutang ang mga kaso ng pang-aabuso ng mga sundalo.

Isa na rito ang ilegal na pag-aresto sa mga tao kabilang ang isang menor de edad at dalawang
kababaihan dahil napagkamalan ang mga ito na kasapi daw ng New People’s Army. Ikalawa, paghaharang sa mga pagkain sa loob ng komunidad dahil ito’y pinaghihinaalang suplay sa NPA. Ikatlo, ang kanilang pagkampo sa loob ng komunidad na nagdudulot ng takot sa mga tao sa paligid.

Ikaapat, pagbabanta at pananakot sa mga tao na gagamitin ang bala hindi lang sa pagtugis sa kalaban kundi maging sumusuporta sa mga ito. Ikalima, ang paggamit ng bombang may sangkap na phosphorus na naging dahilan ng pagkasunog ng ilang parte ng bundok na malapit sa komunidad. Ang mga abusong ito’y kinondena ng iba’t ibang grupo.

Anila, nalalagay sa kapahamakan ang buhay ng ordinaryong mga sibilyan. Kaya’t patuloy nilang ipaglalaban ang karapatan ng mga katutubo sa pamamagitan ng pagpapalayas sa mga militar sa loob ng kanilang komunidad. Abie Aliño


 

Silang nabuwal sa baryo

$
0
0

Ang alam ng mga kaanak nila, namamahinga lang ang magkapatid na sina Ian at Lorendo Borres sa isang kubo. Noong Pebrero 24 sa Barangay Jebaca sa Maayon, Capiz, kasama nila ang lima pang magsasakang katuwang sa pag-ani ng mais.

Pero sunod na nalaman nila, wala nang buhay na sa kubo ang magkapatid na Borres — may tama ng mga bala.

Payapang nakaupo naman si Willerme Algorde sa tindahan ng kanyang anak sa 4,124-ektaryang reservation sa University of the Southern Mindanao sa Arakan, North Cotabato. Itinutulak ng grupo nila na Mailuminado Farmers’ Association, Inc. ang pamamahagi ng 500 ektaryang lupa na kalakha’y di naman nagagamit. Noong Pebrero 19, alas-sais ng gabi, pinagbabaril si Algorde ng dalawang kalalakihang nakasakay sa motor na dumaan sa tapat ng tindahan nila. Hindi na siya umabot nang buhay sa ospital.

Katulad na sitwasyon din ang kinahinatnan ng magsasakang si Cora Lina, na matapos akusahan ng mga militar na miyembro daw ng New People’s Army o NPA ay pinagbabaril sa mismong bahay sa Compostela Valley. Nasawi siya bago pa makaabot sa ospital.

Apat lang ang mga pangalang ito sa 47 magsasaka, katutubo, at manggagawang bukid na pinaslang ngayong panahon ng administratsyong Duterte. Mabilis na lumobo ang bilang na ito matapos magdeklara ng all-out war laban sa insurhensiya ang Armed Forces of the Philippines (AFP). Karamihan sa mga namatay ay inakusahang miyembro ng NPA, sa kabila ng ebidensiyang nagpapasubali rito. Lumabas na ang kasalanan lang nila’y lumaban sila para sa tunay na reporma sa lupa, at tinutulan ang mapanirang komersiyal na mga pagmimina at ipinaglaban ang lupaing ninuno.

Sa saliw ng ‘Tokhang’

Maikukumpara ang abusadong paggamit ng AFP sa pambibintang nitong “NPA ang mga pinatay” sa abusado ring paggamit ng Philippine National Police sa pambibintang nitong “tulak o pusher” ang mga maralitang basta-basta nalang nilang pinapatay. Pero ang kaibahan nito sa “Tokhang” sa kalunsuran, matagal nang nambibiktima ang AFP bago pa man maging Pangulo si Rodrigo Duterte. Matatandaang sa ilalim ng mga administrasyong Arroyo at Aquino, naitala ng Karapatan ang 1,206 na kaso ng extrajudicial killings. Umabot sa 334 dito’y isinagawa sa ilalim ni Aquino.

Tulad ng naunang Oplan Bantay Laya at Oplan Bayanihan, tila layunin din ng programang kontra-insurhensiya na Oplan Kapayapaan ng AFP ni Duterte ang marahas na pagsupil sa mga inosente — batay lang sa hinalang NPA ang mga ito. Karamihan sa kanila’y maralita sa kanayunan.

Bulaang kapayapaan

Inihahain sa Kamara ang isang resolusyon upang udyukin si Duterte na itigil o soluyunan ang mga pagpatay sa magsasaka.

Nilalayon ng House Resolution 916 ng Blokeng Makabayan na ang mukha ng Oplan Kapayapaan ngayo’y militarisasyon sa komunidad ng mga magsasaka at paglabag sa mga karapatang pantao. Lumalabas na wala itong pinagkaiba sa kamalian ng nakaraang mga counter-insurgency program ng naunang mga administrasyon.

Ayon sa Kilusang Magbubukid ng Pilipinas (KMP), umabot na sa humigit-kumulang isang (1) magsasaka ang pinapaslang kada dalawang araw nito lang Pebrero. Ang masaklap pa, karamihan sa mga pinaslang sa 47 na ito’y ipinaglalaban ang karapatan nila sa reporma sa lupa na nakatadhana sa Saligang Batas ng Pilipinas.

Ang pagpatay sa 47 na taga-kanayuna’y malinaw na paglabag sa batas ng Pilipinas, sa Geneva Convention, at maging sa Universal Declaration of Human Rights. Kung kaya’t basta-basta na lang kung makapambintang ang AFP na NPA ang ka-nilang pinapatay na mga magsasaka, mistulang inaasahan nilang makalulusot ang mga krimen nila dahil sa all-out war.

Isang kampanya ang inilunsad ng Anakpawis, KMP at iba’t iba pang grupo na nagtataguyod ng karapatang pantao para itulak si Duterte na itigil na ang mga pagpatay sa kanayunan at maningil ng hustisya para sa mga biktima ng AFP. Sinabi ng mga grupong nasa likod ng kampanyang #StopKillingFarmers na hindi dapat ibasura at isawalang-bahala ni Duterte ang mga alegasyon ng paglabag sa karapatang pantao at ipagpatuloy nito ang mga karahasan at pagkakamali nila Aquino, Arroyo at iba pa. Anila, kung gusto ng gobyerno ang tunay na pagbabago sa lipunan, dapat pigilan nito ang pagpaslang sa mga nakikipaglaban para sa tunay na pagbabago at kapayapaang nakabatay sa katarungan.

Kasi kung hindi, bulaang kapayapaan lang ang mananaig. Samantala, sa sama-samang pagkilos at pakikilahok sa pakikipaglaban ng mga mamamayan, makakamit ang pagbabago at paghangad ng hustisya sa mga pinaslang at inapi.


Featured photo: Larawan ng Kilab Multimedia

Sa likod ng apoy at abo sa Marawi

$
0
0
slide
Batas militar sa Marawi, ebakwasyon sa Iligan at Marawi. Mga larawan ni Sid Natividad
slide
Batas militar sa Marawi, ebakwasyon sa Iligan at Marawi. Mga larawan ni Sid Natividad
slide
Batas militar sa Marawi, ebakwasyon sa Iligan at Marawi. Mga larawan ni Sid Natividad
slide
Batas militar sa Marawi, ebakwasyon sa Iligan at Marawi. Mga larawan ni Sid Natividad
slide
Batas militar sa Marawi, ebakwasyon sa Iligan at Marawi. Mga larawan ni Sid Natividad
slide
Batas militar sa Marawi, ebakwasyon sa Iligan at Marawi. Mga larawan ni Sid Natividad
PrevNext

Pasulyap-sulyap sa bintana ng evacuation center sa kapitolyo ng Marawi si Nasser Abdul. Maya’t maya kasi ang putok ng mga baril at bomba. Kung hindi mag-iingat, maaaring matamaan ng ligaw na bala.

May asawa at limang anak si Nasser. Pero hindi niya kasama ang mga ito sa evacuation center. Nagkahiwalay sila ng kanyang mag-iina habang lumilikas papalabas ng lungsod sa gitna ng matinding mga bakbakan sa pagitan ng “teroristang” grupong Maute at mga puwersa ng gobyerno. Nang makatawid na sa ilog ng Agus sa Marawi, akala niya’y ligtas siya. May iba pa siyang kasamahang sibilyan.

“Pagdaan namin sa provincial jail ng Brgy. Mapandi, nakita kami ng mga militar. Pinatawag kami. Siyempre, pumunta kami kasi hindi naman kami ISIS (Islamic State, o iyung pandaigdigang “teroristang” grupo). Pagpunta namin, akala nila ISIS kami kasi puro kami lalaki,” ani Nasser. “Kinulong kami. Hindi sila naniniwala (na hindi kami ISIS). Pinakita namin ang mga ID namin, pero kinulong at pinahirapan nila kami.”

Nakalabas lang silang mga sibilyan nang tumawag sila sa lokal na Department of Social Welfare and Development (DSWD). Sinundo sila ng mga kakilala na nangambang baka patayin sila kung magtatagal pa sila sa provincial jail.

Dinala si Nasser Abdul at ang mga kasamahan niya sa kapitolyo ng Marawi na bukod-tanging safe-zone ng siyudad. Hindi niya kasama ang mga kaanak. Wala rin siyang paraan para mahanap sila. Hindil sila pinapayagang lumabas ng Marawi dahil na rin sa batas militar sa Mindanao. Ito ang batas militar sa Marawi.

Ito ang batas militar ngayon sa Mindanao.

Pinsala sa tao

Isa lang ang kuwento ni Nasser sa kuwento ng libu-libo pang Moro at Kristiyano na lumikas mula sa Marawi.

Nagkalat ang 240,000 katao na lumikas mula sa giyera sa halos 33 evacuation centers na 18,000 katao lang ang kayang suportahan. Isa na sa pinakamagaganda at pinakamatitino ang nasa kapitolyo ng Marawi. Ang ibang mga evacuation center tulad ng sa Saguiaran at Toril sa Iligan City, kulang sa palikuran at walang matinong linya ng kuryente at tubig.

Nagresulta ang mga kakulangan sa pasilidad na ito sa kung anu-anong sakit ng mga bakwit (evacuees) o lumikas. Karamihan, mga sakit sa baga at sakit sa balat dahil sa kawalan ng nutrisyon at kasikipan ng mga gusali sa evacuation center. Pangatlo naman sa mga karaniwan nilang sakit ang pagtatae dahil din sa kakulangan ng malinis na tubig. Nadiskubre din ng mga doktor na nagpunta sa mga evacuation center na hindi maaasahan ang serbisyong pangkalusugan doon at walang mga gamot.

Pinalalala rin ng curfew ng batas militar ang sitwasyong pangkalusugan: Hindi maaaring maisugod ang mga may sakit o sugatan sa ospital mula alas-9 ng gabi hanggang alas-singko ng umaga. Lalong mas mahihirapan ang ilan sa kanila kung walang ID.

“Kung wala kang ID, siguradong papatayin ka. ‘Di nila malalaman kung Maute o sibilyan dahil sa pagkataranta kung anong gagawin (ng sundalo). Iyan ang hirap sa martial law,” sabi pa Nasser. Pero kahit may ID, hindi rin siguradong ligtas. Siya mismo at iyung kasamahan niyang lumikas, mayroong ID pero kinulong pa rin at pinaghinalaang Maute.

Sa mismong siyudad, isang karaniwang kuwento ng mga Maranao na bakwit ang indiscriminate bombing ng mga militar. Karamihan sa mga bakwit, wala nang babalikan o patutunguhan matapos man ang giyera o batas militar dahil sa airstrikes. Napulbos na ang kanilang mga bahay at kabuhayan. Kuwento pa ng mga dating residente ng Marawi na noong tanghali pa lang ng Mayo 23, nagsimula ang pambobomba.

Bukod pa sa sapilitang pagpapalayas, pambobomba, at pag-aresto, nasaksihan din ng mga residenta ang pagkuha ng mga sundalo sa kanilang kagamitan tulad ng mga motorsiklo, kama, at mga
refridgerator gamit ang mga truck ng AFP. Maging ang mga alahas at salapi, nadiskubre nilang nawawala matapos halughugin ng mga sundalo ang mga bahay.

Nabahala naman si Gabriela Rep. Arlene Brosas, na kasama sa National Interfaith Humanitarian Mission sa Marawi, sa ilang kuwento ng mga residente hinggil sa ilang taktika ng mga militar para mapalikas sila sa Marawi. Ang ilang militar, nagsasabing gagahasain at papakasalan daw nila ang kababaihan kung hindi aalis ang mga ito. Ito mismo ang ikinatakot ng marami sa madla matapos “magbiro” si Pangulong Duterte na hahayaan daw niya ang militar na manggahasa sa ilalim ng batas militar sa Mindanao.

Dreiza Lininding, taga-Marawi. <b>Sid Natividad</b>

Drieza Lininding, taga-Marawi. Sid Natividad

Apoy ng Marawi

“Mismong ang official media ng ISIS, inuulat na ang mga nangyayari sa Marawi at Maute. Ibig sabihin, nire-recognize na nila—kasama na sila (ng Maute),” ani Drieza Lininding, miyembro ng Bangsamoro Consortium.

Mula sa inisyal na tantiya ng AFP sa bilang ng Maute na 20, biglang lumobo ito ngayon sa 400 sa loob lamang ng tatlong linggo. Tila nahihirapan sila sa pagsugpo sa “teroristang” grupo dahil sa paggamit nito sa Marawi bilang kanlungan. Ito ang ginagamit ng AFP na katwiran sa pambobomba at mga airtstrike. Pero ang solusyon na inihapag nila para sa Marawi ang mismong sumira rito at sa kabuhayan at kaligtasan ng mga residente. Kalaunan, humingi ng saklolo ang AFP sa armadong puwersa ng gobyernong US, kabilang ang paggamit nito ng drones tulad ng US P3 Orion.

Pero ayon kay Drieza, bago pa man magsimula ang krisis sa Marawi, namamataan at naririnig na ng mga residente ng Marawi at Lanao del Sur ang mga drone ng US. “Noong Mayo 8 pa lang, may drones na, hatinggabi lang ito lumilipad. Actually, hindi lang Mayo 8. Bago pa ito, naririnig na namin ‘yung eroplano ‘pag gabi,” aniya.

Matagal nang may presensiya ng militar ng US sa Marawi. Taong 2008 pa, may mga ulat nang nasa Camp Ranao ito—ang kampo ng AFP ngayon sa Marawi na matatandaang isang kilometro lamang ang layo sa pinangyarihan ng unang opensiba ng Maute sa Marawi. Hindi umalis ang mga sundalong Amerikano sa Camp Ranao.

Binanggit na rin niya ang matagal nang hinala ng ilang residente. “Hindi malayo na may kinalaman talaga itong Amerika sa pagbuo ng grupo (Maute) na ito… ‘Yung kanilang aktibidad ay paborable sa Amerika,” ani Drieza. Sa ngayon, hakahaka pa lang ito at walang ebidensiya.

Ang pinagtatakahan pa niya, nangyari ang mga “looting” o nakawan at paninira ng kagamitan sa Marawi sa mismong mga lugar na kontrolado ng AFP at hindi sa lugar na may labanan. May isa pa umanong sibilyang nanakawan ng hanggang P30 Milyon. At mismong ang pagkasunog ng mga bahay, nangyari dahil sa kagagawan ng mga airstrike ng AFP.

“Galit kami sa Maute at galit din kami sa mga sundalo, iyon ang nagiging heneral na sentimyento (ng mga Maranao ngayon), ani Dreiza. “Gusto kong isipin na matagal na itong naplano. Kumabaga, ginawa lang bitag ‘yung grupong Maute, pero ang agenda talaga ay disarmahan yung Maranao,” dagdag ni Drieza.

Checkpoint papalabas ng Marawi. <b>Sid Natividad</b>

Checkpoint papalabas ng Marawi. Sid Natividad

Tulay sa kapayapaan

Araw-araw nang eksena sa Mindanao ngayon ang mahahabang pila ng sasakyan dahil sa mga checkpoint ng militar. Kaakibat ng mga checkpoint na ito—lalo na sa mga kalsadang konektado sa Marawi, ang mga pambabastos at pananakot ng mga militar.

Sa gitna ng kaguluhan, naglunsad ng National Interfaith Humanitarian Mission ang mga iba’t ibang grupong simbahan at karapatang pantao na naglalayong makatulong sa mga bakwit na lumikas mula sa Marawi at iyung mga apektado ng mga operasyong militar sa Mindanao. Hindi naging ligtas ang misyong ito sa panghaharas ng mga sundalo.

Nasaksihan mismo ito ni Eule Leo Cayetano, child rights advocate ng Children’s Rehabilitation Center (CRC) na kalahok sa NIHM. Kuwento niya, nagbiro sa kanila ang mga sundalo sa checkpoint na iwanan na lang sa kanila ang mga dalaga na kasama sa sasakyan. Maging ang relief caravan nina Bayan Muna Rep. Carlos Zarate, dating Rep. Teddy Casiño, at Gabriela Rep. Arlene Brosas, hinarang at pinigilan sa pagbibigay ng relief goods sa loob ng siyudad.

Para naman sa libu-libong bakwit tulad ni Nasser Abdul na napunta sa kapitolyo, pangmatagalan ang magiging epekto ng sigalot na ito. Napilitan nang tumigil sa pagaaral ang kanilang mga anak. Masaklap ito dahil kabataan ang kalakhan ng mga taga-Marawi.

“Naisip ko, dapat alisin na lang ‘yung martial law para hindi mahirapan ang mga tao–’yung mga nasasaktan, namamatay, mga natamaan ng bala. Mawawala naman iyang ISIS, kahit walang bomba at walang martial law,” ani Nasser.

Pero sa ngayon, ang hiling muna nila, makita ang kanilang kamag-anak. Hindi kasi nila alam kung napano na ang mga ito, lalo pa’t sunud-sunod ang airstrike at nagkalat sa iba’t ibang evacuation center ang mga residente.

“Hindi ko alam kung ano ang nangyari sa anak ko, sa asawa ko. Hinhiling ko lang sa mga awtoridad na kahit papaano magkitakita kami ng mga anak at asawa ko. At masolusyunan itong nangyayari sa Marawi,” sabi ni Nasser.

Tumingin siya sa alapaap na dinulot ng bomba at batas militar, at naisip marahil kung gaano siya katagal maghihintay at mag-aalala para sa kanyang pamilya, sa kanyang lungsod at bayan.


 


Paglaya at muling paglaban

$
0
0

Labing-anim na taon sa kulungan si Apolonio Barado, isang mangingisda mula sa Legazpi City. Sa kabila ng lagpas na isang dekadang pagtitiis sa selda, walang nalimutang detalye si Barado, mula sa pagsupil sa kanya hanggang sa paglaya.

“Hinuli ako nila dahil pinagbintangan ako na isang New People’s Army. Kasi mahaba, ‘yung buhok ko noon,” ani Barado. Dinagdagan pa itong bintang ng kasong multiple murder, isang “walang kuwentang bintang,” aniya.

Isinalaysay niya lahat ng ito kasama ang iba pang mga bilanggong pulitikal na pinalaya noon lang gabi ng Hulyo 6. Binigyan siya at ang konsultant ng National Democratic Front of the Philippines (NDFP) na si Emeterio Antalan, gayundin sina Ricardo Solangon, Joel Ramada, Jose Navarro, Generoso Rolida, Arnulfo Boates, Manolito Matricio, Josue Ungsod, at Sonny Marbella ng conditional presidential pardon.

“Magandang balita ito para sa kanilang mga pamilya, kaibigan at tagasuporta na nakita kung paano sila kinulong at pinagsamantalahan dahil sa mga kasong hindi naman nila ginawa,” ani Cristina Palabay, pangkalahatang kalihim ng Karapatan.

“Kami’y nakulong dahil sa meron kaming pinaglalaban, hindi sa anumang (kriminal na kaso),” giit ni Barado, na sa kabila ng tuwa ng pagkakalaya, ay dala pa rin ang pait ng pagkakabilanggo.

Hindi raw kailanman matatanggap ni Barado ang 16 taon na hindi na maibabalik. Kita ang hinagpis sa mata niya, at ng iba pang kasamang pinalaya, tuwing ikinukuwento ang kanilang dinanas.

Sa katunayan, nagkaroon pa ng sakit sa puso si Barado noong Setyembre. Dinala siya sa Philippine Heart Center, at sa tulong ng mga kasama sa labas ng kulungan, ay nakapagpagamot siya.

Di lang si Barado ang nagkaroon ng kritikal na sakit sa pagkakakulong. Matagal na ring ipinapanawagan ng mga grupong pangkarapatan at maging ng NDFP ang pagpapalaya sa mga bilanggong pulitikal na may malubhang karamdaman.

“Sa 2nd round (ng usapang pangkapayapaan), may binitawan ang panel ng gobyerno ng Pilipinas na pagpapalaya ng mahigit 200 bilanggo, kasama na ‘yung mahigit 100 na dapat ay palayain na sa batayang humanitarian dahil matatanda na, kababaihan yung iba, may mga sakit, at ‘yung iba talaga na napakatagal nang ikinukulong,” ani Rafael Baylosis, konsultant ng NDFP. “Dumating ang ikatlong round, wala [pa ring pinalaya].”

Tulad ni Barado, sa prisinto na ininda ni Rolida ang kanyang tuberculosis. Taong 2003 ikinulong si Rolida at nasentensiyahan pa ng bitay noong 2005. Doon na nagsimulang bumigay ang kanyang kalusugan.

“Dahil siyempre, sa loob ng building ng bitay, dahil sa maraming bitay, maraming tao, matutulog ka sa semento, latag mo ay karton,” ani Rolida.

Humantong pa sa kritikal na lagay noong 2012 ang tuberculosis ni Rolida, kaya apat na buwang siyang na-confine sa ospital ng New Bilibid Prison.

Isa lang si Rolida sa napakaraming bilanggong pulitikal na nagkasakit sa kulungan. Noong nakaraang taon, pumanaw si Bernabe Ocasla, bilanggong pulitikal, matapos atakihin sa puso sa pangatlong pagkakataon.

“Yung matatanda, ‘yung may mga sakit, at matagal na sa kulungan, napakarami pang naiwan na pwede nang palayain,” dagdag ni Rolida.

Kaya naman kahit sa paglaya, dala pa rin nila ang adhikain na ipagpatuloy ang laban para sa pagpapalaya ng ibang bilanggong pulitikal. Wala pang kalahati ng ipinangakong 400 na palalayaing bilanggong pulitikal ang nakalabas na, at kahit sina Rolida at Barado, hindi pa rin makakahinga nang maluwag ‘pagkat conditional pardon lang ito.

Ayon pa nga kay Manolito Matricio, magsasaka, na ngayong nakalaya siya’y may pagkakataon na siyang masamahan si Rafael “Ka Paeng” Mariano ng Department of Agrarian Reform sa pagsulong ng tunay na repormang agraryo.


Featured photo: Larawan ni Shernielyn Dela Cruz

Mga paaralang Lumad, dakilain

$
0
0

Matagal nang inaatake ng Estado ang Lumadnong paaralan sa Mindanao.

Ito ang katotohanan sa mga komunidad sa Mindanao noon at ngayon bago pa ang pagbabanta ni Pangulong Duterte na bobombahin ang mga paaralan ng mga Moro.

Isinalaysay ni Rius Valle, tagapagsalita ng Save our Schools Network—Mindanao (SOS) ang naging epekto ng batas militar sa komunidad ng mga Lumad pangunahin sa kanilang mga paaralan sa press conference sa University of the Philippines-Diliman kamakailan.

“Ang martial law po sa Mindanao ay nagbubunsod at nagtutulak sa pag-atake — walang humpay na pag-atake sa mga paaralang Lumad sa Mindanao. Sa katunayan, ang Save Our Schools Network ay nakapagtala ng halos 89 na eskuwelahan na inatake sa unang taon ng administrasyong Duterte.”

Samantala, idinagdag din ni Valle na lagpas sa 2,000 mag-aaral ang naapektuhan ng batas militar. Natala rin ng SOS ang pagsunog sa 28 eskuwelahan at 36 kabahayan sa rehiyon ng Sockssargen. May pitong magulang namang pinatay, samantalang nasampahan ng gawa-gawang mga kaso ang mga guro sa mga eskuwelahan ng mga Lumad.

“Alas-kuwatro ng umaga sa kanilang bahay, dinampot ang (isang) titser. Sinabi [ng mga militar] ‘Walang warrantwarrant, martial law ngayon’,” kuwento ni Valle.

“Noong Mayo 22, pumunta na sana kami sa paaralan para mag-aral. (Pero) hinarangan kami ng mga Alamara (grupong paramilitar) at mga sundalo na huwag nang pumasok sa paaralan ng Mindanao Interfaith Services Foundation, Inc. (Misfi) dahil ang Misfi raw ay paaralan ng NPA (New People’s Army),” ani Jenky Malibato, isa sa 2,624 na estudyanteng biktima.

“Nagkampo sila sa aming paaralan, sa bahay namin,” ani Malibato. Sa ilalim ng administrasyong Duterte, nadokumento ng SOS Network na 17 paaralang Lumad ang pinagkakampuhan ng mga sundalo.

Di lang mga estudyante ang apektado, kundi mga guro. “Ang aming mga guro, unti-unti nang natatakot sa pagbabanta ng mga militar na papatayin ang aming kasamahang guro,” ani Arjay Perez, pangkalahatang kalihim ng Association of Community EducatorsMindanao.

Samantala, kahit sa mismong Department of Education, hindi makakuha ng suporta ang mga guro at kabataang Lumad. Naglabas ito ng Department Order No. 221 na nagbibigay-karapatan sa mga tropa ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na gawing barracks o kampuhan ang mga paaralan.

“Sa aming karanasan, hindi NPA, hindi terorista, ang target nila sa kanilang operasyon. Ang target nila, ang aming mga lupang ninuno,” ani Eufemia Cullamat, tagapagsalita ng Kahugpungan sa mga Lumadnong OrganisasyonCaraga.

Para kay Gabriela Rep. Arlene Brosas, nakakaalarma na matindi na nga ang krisis sa edukasyon ng bansa, pinalalala pa ito sa pag-atake sa mga alternatibong paaralan na nagbibigay-serbisyo sa mga lugar na napapabayaan ng gobyerno.

“Tayo po’y may 51 milyong Pilipino na naghihirap. Sa kasalukuyan, isa sa bawat 10 Pilipino na may edad 16 hanggang 24 ay wala sa eskuwela,” ani Brosas. Kung kaya hinikayat niya ang rehimeng Duterte na sa halip na atakihin ang mga komunidad ng mga Lumad ay suportahan pa ang mga inisyatiba nila tulad ng pagtatayo ng mga paaralan ng mga Lumad.

Ngayong Agosto, maglulunsad muli ang mga organisasyon ng mga Lumad, kasama ang mga grupong Moro, magsasaka at iba pang sektor sa Mindanao ng isang Lakbayan patungong Kamaynilaan. Nais nilang bigyang-pokus ang mga epekto ng batas militar sa Mindanao at iba pang problema ng ordinaryong mga mamamayan doon.


 

Salitang nakamamatay

$
0
0
slide
Larawan ni Karl Castro
slide
Larawan ni Karl Castro
slide
Larawan ni Karl Castro
slide
Larawan ni Karl Castro
slide
Larawan ni Karl Castro
slide
Larawan ni Karl Castro
PrevNext

Sa isang maulang hapon sa Sta. Quiteria, Caloocan nitong Agosto 21, nagtipon ang mga mamamayan at nakisimpatya sa kaanak ni Kian Loyd delos Santos. Mula sa kapilya, nagmartsa sila patungong lugar ng krimen, hanggang sa bahay ni Kian. Malawakan ang pagluluksa. Malawakan ang galit.

Napagkaisa ng nangyari kay Kian ang mga kapitbahay at kaanak ng 17-anyos na Grade 11 na pinaslang ng pulis noong Agosto 16. Anila, pinakikita ng walang-awang pagpatay sa kanya ang walang katwirang kabangisan ng giyera kontra droga ni Pangulong Duterte. Mga maralita ang nabibiktima, sangkot man sa droga o hindi.

Mahigit isang taon matapos ideklara ang giyera kontra droga, tila bumulwak ang lahat ng pagluluksa sa lahat ng pamamaslang sa ilalim ng Tokhang. Hindi ito makatwiran, ayon sa kanila. Barbariko ito, anila.

Lorenza delos Santos, ina ni Kian. <b>Kathy Yamzon</b>

Lorenza delos Santos, ina ni Kian. Kathy Yamzon

Napagkaisa ni Kian

Hindi kaiba ang kaso ni Kian sa iba pang biktima ng madugong giyera kontra droga.

Katulad ng iba pang biktima ng pamamaslang ng mga pulis ng Philippine National Police (PNP), pinaratangan si Kian na “nanlaban” kaya binaril siya. Pero sa kaso ni Kian, napakalinaw ng batayan para kuwestiyunin ang pahayag ng mga pulis na nagpaputok ng baril ang batang ito na anila’y “kuryer ng droga”. Hindi lang CCTV na nakakuha ng bidyo ng pagkaladkad kai Kian patungo sa isang eskinita, kundi na rin ng kapitbahayan sa isang looban sa Sta. Quiteria ang nakasaksi na walang labang pinatay ang bata.

Kasama ang mga kapitbahay na ito sa pagmartsa noong Agosto 21.

Sa simula ng martsa, huminto sila saglit sa Presinto 7 ng Caloocan City PNP. Dito nakadestino ang mga pumaslang kay Kian. Humiling ang mga taong nagmartsa na panagutin ang mga ito.

Sa harap ng Presinto 7, nagbitiw ng kaunting salita si dating Bayan Muna Rep. Neri Colmenares. “Nakapapatay ang salita,” ani Colmenares. Ang simpleng utos ng isang Presidente—pabiro man o hindi—na “magtanim ng baril” kung walang makitang baril sa mga “nanlabang” biktima ng Tokhang, ginagamit para aktuwal na pumatay nang walang pakundangan.

Sa tala mismo ng PNP, mahigit 12,000 na ang nasawi. May mga “nanlaban”, may mga pinaslang ng diumano’y mga grupong vigilante (na konektado rin sa pulis). May mga iniimbestigahan pa umano. Suma total, ito ang bilang na nilamon ng madugong Tokhang ni Duterte.

“Hindi makakapagpanggap si Duterte na hindi niya alam ang serye ng mga nangyari na dumulo sa pagpaslang kay Kian,” ani Cristina Palabay, pangkalahatang kalihim ng Karapatan, grupong pangkarapatang pantao. Oo nga naman, dahil mismong galing sa pangulo ang mga salitang “bigyan n’yo ng baril kapag wala,” at “kapag hindi nanlaban, palabanin ninyo.”

Sa di na mabilang na mga pahayag ng Pangulo, malinaw na may basbas siya sa extrajudicial killings o mga pagpatay na di dumaan sa proseso o paghuhusga ng korte. Simula’t sapul, nangako siyang “dadanak ng dugo” dahil lilinisin niya ang bansa sa droga sa loob lang ng tatlo o anim na buwan. Ngunit lagpas isang taon, dumadanak pa rin ang dugo. Wala pa ring katapusan ang problema sa droga.

Pangulong Duterte, sa presscon matapos ang pamamaslang kay Kian: Hugas-kamay sa krimeng matuturol sa mismong Palasyo. <b>Presidential Communications</b>

Pangulong Duterte, sa presscon matapos ang pamamaslang kay Kian: Hugas-kamay sa krimeng matuturol sa mismong Palasyo. Presidential Communications

Pananagutan ng Palasyo

“Tama na po. May exam ako bukas.” Lumalabas na huling salita ito ni Kian nang damputin siya at kaladkarin papunta sa isang eskinita at doon pinagbabaril.

Lumabas sa independiyenteng forensic examination na namatay siya sa tatlong tama ng bala habang nakadapa, lahat nanggaling sa likod, ang bumaril ay nakapuwesto sa kanyang paanan. Point blank ang mga tama. Pinapasinungalingan nito ang ulat ng pulis na tumakbo ito at nanlaban. Marami pang putok ang narinig sa lugar ng krimen. Wika nga ng ilan doon, “Tumawag ang pulis, kunwari may kausap. Sabi: ‘Ser, nagkakaputukan na dito,’ Eh sila-sila rin naman ang nag-uusap.” Mismong mga pulis din daw ang nagpapaputok, pinalalabas na nakikipagpalitan sila ng putok.

Sa martsa patungo sa burol ni Kian, tahimik ang mga tao na nagmasid. Ang iba, nagtirik ng kandila. Ang iba, gumawa na rin at nagladlad ng sarili nilang plakard.

Napakalaki ng implikasyon ng pagkamatay ni Kian, ayon kay Colmenares. Nakukuwestiyon ng mga pangyayari sa Sta. Quiteria ang buong pamamaraan ng mga pulis sa pagpuksa sa mga sangkot sa ilegal na droga. “Pero dito, medyo malakas talaga ang ebidensiya hindi lang dahil sa CCTV pero dahil sa mga saksi, at lalo pa dahil sa otopsiya.”

Dagdag pa niya, hindi ito puwedeng walang managot dito. “Siyempre, ang ayaw lang natin na mangyari ay makasentro lang sa kasong ito (ang mga pagkondena). (Ang gusto nating bigyan-pokus ay) ang mga pamamaslang sa buong bansa. At ang argumento natin dito ay hindi ito (ang patayan) ang solusyon sa problema sa droga. Ginawa na ito noon, ginawa na sa ibang bansa (tulad ng) Thailand. Hindi naman talaga ito nagtagumpay. Iba ang solusyon sa malaganap na droga.”

Banggit niya ang lahat ng dapat managot sa mga nangyaring pagpaslang. “Siyempre, ang mga pulis na sangkot doon ay dapat managot. At tandaan sana ang pangalan ng mga pulis na ito kasi malay natin sa isa o dalawang taon, baka naman nawala na itong kasong ito, maging heneral na ang mga ito. Pangalawa, ‘yung mga nasa itaas nito, kasi may command responsibility sila. In fact, lalo itong nagpapatunay na hindi ito gawain lang ng ilang siraulong pulis,” ani Colmenares.

Sa huli, dapat umano managot ang mismong pinunong nagpakawala ng mga salitang nakamamatay.

“Hindi makakaligtas si Duterte sa pananagutan dahil ilang beses na sinabi sa kanya na hindi ito (ang paraan ng pagpuksa sa problema sa droga sa bansa). Hindi siya nakinig, at katunaya’y binuyo pa niya. Namamatay ang salita, at mali ang pagtingin ni Pangulong Duterte na porke’t hindi naman siya direktang sangkot doon, wala na siyang responsabilidad sa patayan sa buong Pilipinas.”

Kung hinayaang makapagsalita sana si Kian, isang gabi noong Agosto 16 sa Sta. Quiteria, maipagtatanggol niya ang sarili niya sa akusasyon ng mga pulis. Pero pinatahimik siya. Hindi masolusyonan ng rehimeng Duterte ang problema sa droga. Kaya silang mga mga maralita ang pinatatahimik sa pamamagitan ng bala.

Pero ipinamalas ng mga kapitbahayan ni Kian – at ng lahat ng mga mamamayang nagpakita ng pakikiramay at galit sa nangyari sa bata – na kung magkakaisa silang mahihirap, hindi sila mapapatahimik sa paghangad ng hustisya. Hindi mapapaslang ang hangad na mapanagot ang mga maysala, mula sa Presinto 7 hanggang sa Malakanyang.


Featured image: Detalye mula sa likhang sining ni Karl Castro

Pagbomba sa Batangas

$
0
0

Isang malakas na pagsabog ang bumasag sa katahimikan sa mga komunidad ng mga residente sa paligid ng Bundok Banoi sa Lobo, Batangas, isang umaga noong Setyembre 24.

Ang mga bomba, mula sa military helicopters ng 203d Infantry Brigade at 730th Combat Group ng  Philippine Air Force. Pakay daw daw ng mga pagbomba: purgahin mula sa komunidad ng mga sibilyan ang mga gerilya ng New People’s Army (NPA) na ayon sa mga militar ay nananahanan sa Bundok Banoi.

Pero lumalabas na may iba pa silang pakay bukod dito.

Mala-Marawi

“Parang Marawi ang nangyayari ngayon sa ‘min dito sa Batangas,” kuwento ni Raul Resureccion, bolunter ng Katipunan ng mga Samahang Magbubukid sa Timog Katagalugan (Kasama-TK).

Pinatutungkulan ni Raul ang mahigit limang buwang pagbomba ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa siyudad ng Marawi sa Mindanao—para puksain daw ang mga terorista doon. Nababahala ang mga taga-Batangas na kung magtuluy-tuloy ang mga pagbomba, baka matulad na nga ang kanilang lugar sa Marawi.

Simpleng operasyon lang ang nagaganap sa Batangas ngayon, ayon sa AFP. Pero hindi maiwasan nina Raul at mga apektadong komunidad ng mga magsasaka sa Lobo na mabahala. Sa konteksto ng tumitinding pasismo ng rehimeng Duterte, tila pinatitikman na sa kanila kung ano ang maaasahan sa posibilidad na magdeklara ng batas militar sa buong bansa, hindi lang sa Mindanao.

Dahil sa mga pagbomba, mahigit 100 pamilya ang sapilitang lumikas sa mga komunidad sa paligid ng Bundok Banoi. Nag-aalala umano sila sa kanilang buhay at kaligtasan. Nagmula ang mga bakwit sa iba’t ibang barangay na malapit sa lugar ng pagsabog kabilang ang Barangay Talahib, Pandayan, Talumpok Silangan, Cumba at Banalo—na siyang pinaka-apektadong barangay.

Tulad ng nangyayari ngayon sa Marawi, apektado rin ang pag-aaral ng kabataan doon. Ilang paaralan ang sapilitang ikinansela ang klase at isara ang mismong paaralan sa takot na madamay pa ang kanilang mga mag-aaral.

Samantala, inamin ng Edgardo Dagli Command sa New People’s Army (NPA), ang kumand ng rebolusyonaryong kilusan sa Batangas, na nalagasan sila ng isang gerilya (itinago sa pangalang Ka Nathaniel) sa mga operasyong militar doon. Matapos mapatay, iniwan ito ng kasundaluhan na nakabilad sa initan nang dalawang araw.

Dalawa pa ang napabalitang kasama sa nasawi, kabilang ang isang diumano’y menor-de-edad. Itinatanggi ito ng militar.

Matapos mabalitaan ang pagbomba, agad itong ikinabahala ng ilang sektor. Sa pangunguna ng Karapatan-Southern Tagalog (Karapatan ST) at Pilgrims for Peace, naglunsad ang mga ito ng isang humanitarian mission sa Batangas.

Ang dapat na mapayapang pamamahagi ng tulong sa mga biktima ng pagsabog ay nauwi sa ilang ulit na pagpigil at pagharang ng pinagsanib na  puwersa ng kapulisan at sundalo sa ilang delegado ng misyon. Nagsagawa ang mga ito ng checkpoint sa mga lugar na maaaring pagdaan ng misyon para mapigilan ang pagbigay ng tulong mula sa ilang relihiyosong sektor.

Maging ang mga kinatawan ng blokeng Makabayan sa Kamara, hindi rin pinapasok ng mga militar at kapulisan sa mga komunidad. “Talagang nagpursige na tayo (na makapasok sa komunidad), kahit pa magpasabog (ang militar) ng bomba para malaman lang natin kung ano ang kalagayan ng ating mga kasamang apektado,” ani Resureccion.

Protesta kontra sa mga pamamaslang at militarisasyon sa Batangas. <b>ST Exposure</b>

Protesta kontra sa mga pamamaslang at militarisasyon sa Batangas. ST Exposure

Nasa likod ng pagbomba

Tuhug-tuhog na sa dalawang tunguhin ang tumitinding militarisasyon sa Batangas, lalo na sa Bundok Banoi.

Ang isang tunguhin, magsagawa ng followup operation matapos ang engkuwentro ng mga militar sa mga rebelde. Ang isa pang tunguhin, protektahan ang mga proyektong “pangkaunlaran” ng malalaking dayuhang kompanya na tinatarget ang likas-na-yaman ng bundok tulad ng ginto.

May kasaysayan sa paglaban kontra sa malawakan at komersiyal na pagmimina ang mga residente ng Batangas. Dahil sa mayamang likas-yaman na taglay nito, nangangati ang palad ng mga kompanya ng mina na hukayin ang mga yamang ito.

Ang mga kompanyang MRL Gold at Egerton Gold Philippines (Pinoy na mga kompanyang ugnay sa Australyanong kompanyang Red Mountain Mining) ang nagtatarget na magsagawa ng pagmimina ng ginto. Target ng proyektong extraction ang mga ginto sa ilalim ng mga bayan ng Lobo at San Juan.

Palagay ng mga gerilya sa Batangas, ito ang mismong dahilan ng militar at rehimeng Duterte kung bakit gusto nitong “purgahin” ang Bundok Banoi ng mga gerilya.

Samantala, sinabi naman ng Kalikasan-People’s Network for the Environment na ang mga barangay na Kakiduguen, Dine at Biyoy (na target din ngayon ng mga operasyong militar) ay tinatarget din ng Australyanong kompanya ng mina na Royalco gayundin ng Australyanong kompanyang OceanaGold para magmina ng ginto.

Ayon kay Leon Dulce, campaign coordinator ng Kalikasan-PNE, na hindi na itinatangi ng AFP ang mga armadong gerilya at di-armadong magsasaka – na kapwa tumututol sa malawakang eksploytasyon ng likas-na-yaman sa Batangas. “Binansagang tagasuporta ng NPA ng mga tropa ng 84th IBPA na sumasakop sa mga komunidad ang mga lider ng Kired, isa sa mga organisasyong masa na naglunsad ng mga barikadang kontra-mina,” ani Dulce.

Naobserbahan din nila na lalong lumalakas ng impluwensiya ng mga puwersang pabor sa malawakang pagmimina sa loob ng rehimeng Duterte. “Ikinakatakot namin (ang pagkakaroon ng) bagong kalihim ng Department ng Environment and Natural Resources na dating militar (si Roy Cimatu). Hindi malabong maisagawa ang proyekto sa mina nang hindi namin alam (ng DENR),” ani Fr. Edwin Egar ng Karapatan-ST.

Sa ngayon, lumalawak na ang paggamit ng AFP sa aerial bombings bilang malupit na paraan ng pagpapalikas sa mga mamamayan. Malawakang ginamit ito sa Marawi at sa iba pang bahagi ng Mindanao. Ginamit din ito sa mga probinsiya ng Abra at Nueva Vizcaya. Samantala, tahimik na tinatarget ng rehimeng Duterte ang paglawak ng malawakang pagmimina sa buong bansa.

Pero tulad ng ipinakita ng mga mamamayan ng Batangas, inaasahan ang pag-igting na paglaban ng mga mamamayan sa tumitinding pasistang atake sa kanila ng rehimen.


 

Ang hiling sa DepEd ng kabataang Lumad

$
0
0

Ingay mula sa busina ng saksakyan at nagtataasang gusali ang bumubungad sa mga katutubong Lumad sa pagbukas ng kanilang mata. Malayo sa payapang lugar na kinagisnan nila, sila’y narito sa Kamaynilaan dala ang kanilang mga panawagan.

Kabilang si Rosielyn Yambanao, Grade 10, sa maraming batang Lumad na nasa Kamaynilaan ngayon. Narito siya dahil sapilitan silang pinaalis ng mga militar sa kanila mismong komunidad.

Sa murang edad, nasaksihan ni Rosielyn ang ilang pangaabuso at pandarahas ng Estado. Saksi rin siya sa pagpapasara at pambobomba sa kanilang paaralan at pagpaslang sa kanilang mga kamag-aral at mga lider.

“Gobyerno pa ang nagsasabi na lugar ng kapayapaan ang paaralan. Sila din mismo ang nagsasabi na karapatan ng mga estudyante ang mag-aral. Pero bakit ngayon kami mismo ang nagtayo ng paaralan na ni piso walang naitulong ang gobyerno, basta basta nila ipapasara, binobomba pa nila?” tanong ni Rosielyn.

Kinakalampag ng mga bata at child rights activists ang DepEd para kilalanin ang kanilang mga paaralan sa mga komunidad ng mga Lumad. <b>Eule Bonganay/Salinlahi</b>

Kinakalampag ng mga bata at child rights activists ang DepEd para kilalanin ang kanilang mga paaralan sa mga komunidad ng mga Lumad. Eule Bonganay/Salinlahi

Kasangkapan ng militar

Kamakailan, nagtayo ng kampuhan ang mga kabataang Lumad, mga guro at tagasuporta nila sa tapat ng tanggapan ng Department of Education (DepEd). Ipinapanawagan nila ang pagbasura sa DepEd Memorandum 221.

Ang DepEd Memo 221 o Guidelines on the Protection of Children During Armed Conflict ay mariing tinututulan ng grupong Save our Schools (SOS) Network. Ayon sa kanila, ito’y magpapalawig lang sa paglabag sa karapatang pantaong dinaranas ng mga katutubong estudyante.

“Ibasura na sana ang DepEd Memo 221 dahil iyon po ay nagbibigay laya sa mga kasundaluhan na pumasok sa silid-paaralan at sa pampublikong mga lugar. Ito po’y magdudulot lang ng paglabag sa karapatan ng mga bata,” ani Leah Sera, guro ng Mindanao Interfaith Services Foundation Inc.

Isa sa nais ng SOS Network at mga estudyanteng Lumad na sila’y harapin ni DepEd Sec. Leonor Briones at makiisa sa kanilang pagkondena sa tumitinding militarisasyon at pagpapalayas sa mga militar sa kanilang lugar. Ngunit sa nakalipas na ilang araw na pagkampo, walang anino ng kalihim o ng sino mang opisyal mula sa DepEd ang nais humarap at makipagusap sa kanila.

Kabilang pa sa bitbit nilang panawagan ang pagbibigay sa kanila ng kagawaran ng permit-to-operate. Tutal hindi naman naaabot ng gobyerno ang kanilang paaralan, ayon sa kanila, sila na mismo ang tutulong sa kanilang sarili.

Dagdag pa nila, kumpleto na sila sa requirements upang magpatakbo ng isang paaralan. Anila, patunay ito na hindi nakikinig ang gobyerno sa kanilang mga katutubo. Ang masama pa, kasabwat ang DepEd ng mga militar sa pagsupil sa kanila at patuloy na nagbibingi-bingihan sa kanilang panawagan.

“Hindi ko alam sa institusyong (DepEd) ito kung saan humuhugot ng lakas ng loob na magbingibingihan sa lakas ng ating mga panawagan,” sambit ni Kabataan Rep. Sarah Elago.

Samantala, sabik na ang mga batang tulad ni Rosielyn na makabalik sa kanilang komunidad. Pero paano sila makakauwi kung kabi-kabilang banta ng pagpapasabog sa kanilang paaralan ang naghihintay sa kanila? Ang hiling nila sana, suportahan man lang sila ng ahensiya ng gobyerno na dapat ay sumisiguro sa pag-aaral nila.

Ang hiling nila, suporta ng iba pang sektor na nakakaunawa at sumisimpatya sa laban nila para sa kapayapaan at kanilang kinabukasan.

Nakiisa si dating DSWD Sec. Judy Taguiwalo sa pagsayaw ng kanta para sa kampanyang One Billion Rising, kasama si Monique Wilson, ang mga grupong Gabriela, Salinlahi, at iba pa, para bigyang suporta ang kampuhan ng SOS Network sa harap ng Department of Education. <b>KR Guda</b>

Nakiisa si dating DSWD Sec. Judy Taguiwalo sa pagsayaw ng kanta para sa kampanyang One Billion Rising, kasama si Monique Wilson, ang mga grupong Gabriela, Salinlahi, at iba pa, para bigyang suporta ang kampuhan ng SOS Network sa harap ng Department of Education. KR Guda


 

Duterte, pasista

$
0
0

Kung pagpapakahulugan ang pasismo, ayon sa sikat na diksiyunaryo, paraan ito ng pag-organisa ng lipunan na pinamumunuan ng diktador na kumokontrol sa buhay ng mga tao. Ayon pa sa diksiyunaryong ito, ipinagbabawal ang anumang klase ng pagsalungat sa anumang hakbang na isagawa ng gobyerno.

Bilang pagpapalalim ng kahulugang ito, masasabing kinakatawan ng pasistang diktador ang interes ng mga naghaharing uri sa pamamagitan ng paggamit ng dahas laban sa mga mamamayang naghahayag ng pagtutol sa panunungkulan ng diktador at sa naghaharing sistema.

Inamin ni Pangulong Duterte na siya’y pasista. Pero simula’t sapul, naging polisiya na ng Pangulo ang pamamaslang sa mga sangkot sa ilegal na droga sa ilalim ng Oplan Tokhang o giyera-kontra-droga.

At ngayong itinigil na niya ang pakikipagnegosasyon sa rebolusyonaryong kilusan sa pangunguna ng National Democratic Front of the Philippines (NDFP), inaasahang paiigtingin lang ang pasistang atake ng rehimeng Duterte laban sa lumalabang mga mamamayan. Inanunsiyo na rin ni Duterte ang planong crackdown sa mga di-armado at legal na mga aktibista ng kilusang masa.

Ang layunin: Patahimikin ang pinaka-epektibong oposisyon sa kanyang pasistang rehimen.

Pangulong Duterte. Presidential Communications

Pangulong Duterte. Presidential Communications

Pasismo sa Mindanao

Ilang araw lamang ang nakalipas matapos lagdaan ni Duterte ang Proclamation No. 360 na pagkansela ng usapang pangkapayapaan sa NDFP, tumindi ang mga pagpatay, panggigipit at ilegal na pag-aresto sa mga aktibista, katutubo, magsasaka at tagapagtanggol ng karapatang pantao.

Ayon sa Karapatan, sunud-sunod ang mga pag-aresto, pagdukot at pagpaslang sa ilang indibidwal, partikular sa Mindanao.

Isa na rito si Vivencio Sahay, lider-magsasaka sa Caraga. Binaril si Sahay ng di-kilalang armadong mga indibidwal sa Brgy. Calamba, Cabadbaran, Agusan del Norte noong Nobyembre 23. Tagapangulo si Sahay ng Unyon sa Mag-uuma sa Agusan del Norte (UMAN), organisasyon sa ilalim ng Kilusang Magbubukid ng Pilipinas (KMP).

Noong Nobyembre 25, pinaslang ng hinihinalang mga miyembro ng 16th Infantry Batallion ng Philippine Army ang aktibong kasapi ng Anakpawis Party-list sa Davao City na si Apolonio Maranan noong nakaraang araw lang. Ayon sa asawa ni Maranan, lumabas lamang ang kanyang asawa upang bumili ng makakain nang may marinig silang sunod-sunod na putok ng baril ilang minuto pagkalabas niya ng kanilang bahay.

Sa parehong araw, isa pang lider-magsasaka mula sa UMAN-KMP ang tinarget sa Caraga. Pinagbabaril ang bahay ni Imelda Gagap, 48, ng dalawang armadong kalalakihan na nakasakay ng motorsiko sa Brgy. Maraiging, Jabonga, Agusan del Norte. Nakatakas ang biktima at kanyang kaanak. Isa siya sa mga lider na nagkokondena sa mga pang-aabuso ng 29th IBPA sa kanyang komunidad.

Samantala, tumindi rin ang mga atake sa mga komunidad na pinagbibintangan ng militar na sumusuporta sa New People’s Army (NPA) – dahil lang lumalaban sila para sa karapatan sa lupaing ninuno at nagtatayo ng sariling alternatibong mga paaralan.

Sa Brgy. Diatagon, Lianga at Brgy. Buhisan, San Agustin sa Surigao del Norte, 12 komunidad ang lumikas dahil sa isinasagawang opearasyon ng mga militar.

“Bukod sa mga pagpaslang at pag-aresto, ang pinatinding operasyong militar ay laganap na rin sa ilang parte ng Mindanao na muling nagdulot ng sapilitang pag-bakwit ng ilang residente.” ani Cristina Palabay, pangkalahatang kalihim ng Karapatan.

Kabilang sa mga nag-bakwit (evacuate) ang 706 na estudyante mula sa eskuwelahang Lumad at 51 guro ang apektado rin sa insidente. Sa kanilang mga pamayanan, dumating ang tatlong sasakyang militar lulan ang mga sundalo. Namataan din ang palipad-lipad sa drone sa mga nabanggit na mga komunidad.

Apolonio Maranan, 64, pinaghihinalaang pinaslang ng mga elemento ng 16th Infantry Battalion-Philippine Army noong Nob. 25.

Apolonio Maranan, 64, pinaghihinalaang pinaslang ng mga elemento ng 16th Infantry Battalion-Philippine Army noong Nob. 25.

Buong bansa

Hindi lang sa Mindanao kundi sa buong bansa tumindi ang mga atake sa mga sibilyan, lalo na sa mga miyembro ng legal na mga organisasyong masa.

Nitong Nobyembre 28, isang kagimbal-gimbal na balita ang pumasok: Tatlong miyembro ng isang fact-finding mission (FFM) ng Karapatan sa Negros Oriental ang nabiktima ng hinihinalang mga ahente ng Estado.

Ang mga biktima’y sina Elisa Badayos ng Karapatan-Central Visayas, si Elioterio Moises isang barangay tanod, at isang 23-anyos na miyembro ng Kabataan Party-list. Dalawa ang nasawi, samantalang ang huli nama’y nasa kritikal na kondisyon sa pagkakasulat ng artikulong ito.

Pinagbabaril sila ng di-kilalang armadong kalalakihan sa bandang hapon sa Brgy. San Ramon, Bayawan, Negros Oriental. Nadala pa ang dalawang namatay sa isang ospital sa Bayawan pero hindi na sila umabot.

Bago pa man mangyari ang insidenteng ito, hinaras na ng pribadong mga tauhan ng alkalde ang 30-kataong FFM. Hinarang sila at kinuwestiyon ng armadong kalalakihan. Tumungo sina Moises at Badayos sa isang estasyon ng pulisya sa lugar para magreklamo. Dito na sila tinambangan ng mga pumatay sa kanila.

“Mariin naming kinokondena ang atakeng ito sa mga nakikipaglaban para sa karapatang pantao. Maski ang ibang mga FFM sa Batangas, Negros, Mindanao at iba pang lugar ay nakararanas ng mga pandarahas mula sa mga puwersa ng Estado. Pero hindi kami titigil sa pakikibaka kasama ang sambayanang Pilipino laban sa mamamatay-taong rehimeng Duterte,” ani Palabay.

Mga miyembro ng fact-finding mission sa Negros.

Mga miyembro ng fact-finding mission sa Negros.

Noong Nobyembre 23, kinasuhan ng pulisya ng gawa-gawang mga kaso sa Bulalacao, Oriental Mindoro si Jerry Santiago, isang Mangyan.

Samantala, sa sumunod na araw, tatlong magsasaka ang dinakip ng mga elemento ng 20th IBPA sa Brgy. Osmena, Palapag, Northern Samar. Kinilala silang sina Richard Avino, Teny Gerbon at Arnel Aquino. Sunud-sunod na rin ang naitalang ilegal na pag-aresto sa ilang lider-magsasaka sa iba’t ibang lugar sa bansa.

Ang mga kasong ito, ayon sa Karapatan, ang pinakahuli lang sa sunud-sunod na mga pag-aresto at atake sa mga aktibista at miyembro ng legal na kilusang masa—bago pa man ang deklarasyon ng crackdown ng administrasyong Duterte sa Kaliwa.

Isang malinaw na indikasyon ng tumitinding pasismo ang mayabang na pagpanawagan ng tagapagsalita ng AFP na si Maj. Gen. Restituto Padilla na palayain si retiradong Hen. Jovito Palparan. Hinuli si Palparan noong 2011 dahil sa pagkakaroon ng koneksiyon sa pagdukot sa dalawang estudyante ng Unibersidad ng Pilipinas. Binansagang “berdugo” dahil itinuturo siyang utak ng serye ng pamamaslang sa mga sibilyang aktibista sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

Sa kasalukuyan, gumugulong na ang plano ng mga tagasuporta para sa isang “rebolusyonaryong gobyerno” na magbubuwag sa Kongreso at Hudikatura, gayundin sa pagtutulak ng reklamong impeachment laban kay Chief Justice Ma. Lourdes Sereno. Sa ganitong konteksto, mailulugar ang isinasagawang crackdown ng rehimen: ang pagkokonsolida ni Duterte sa kanyang kapangyarihan. Sa madaling salita, ang kanyang pagtungo sa ganap na diktadura.

“Lalong inihihiwalay ni Duterte ang sarili niya, at lalong nabibigyang-katwiran ang paglaban ng publiko laban sa umaabanteng diktadura,” ani Palabay.


Pagbawi ng nasawi sa Nasugbu

$
0
0

Halos hatinggabi na nang makarating sila sa St. Peter’s Funeral Home sa Nasugbu, Batangas. Tulad ng inaasahan, bukas pa ang punerarya. Pero hindi pangkaraniwan ang gabing ito. May di-bababa sa limang sundalo na nakabantay sa tarangkahan. May iba pang sundalo na umaali-aligid. May mga pulis din.

Walo silang dumating doon. Umaga na kasi ng Nobyembre 29 nang ibalita sa midya ang pagkamatay ng “15 miyembro ng New People’s Army” sa isang “engkuwentro” diumano sa haywey ng Sityo Pinamintasan, Barangay Aga sa Nasugbu, alas-otso ng gabi noong Nobyembre 28. Nag-usap-usap pa sila, naghanap ng masasakyan, bago nakapunta.

Ang apat sa kanila, mga paralegal at miyembro ng grupong pangkababaihan na Gabriela. Naibalita kasi sa midya, umaga ng Nobyembre 29, na isa sa mga nasawi si Josephine Lapira, 22, dating estudyante ng Unibersidad ng Pilipinas-Manila at tumayong deputy secretary-general ng Gabriela-Youth sa naturang paaralan. Naalarma, agad na nagtipon ang grupong ito, kinontak ang kaanak ng nababalitang biktima, at tumungo sa Nasugbu.

Sa harap ng Nasugbu Police Station, Nob. 30 nang umaga. <b>Kontribusyon/Jane Balleta</b>

Sa harap ng Nasugbu Police Station, Nob. 30 nang umaga. Kontribusyon/Jane Balleta

Pinangunahan ang misyong ito ni Jane Balleta, dating bilanggong pulitikal na kagawad ngayon sa Services Department ng Gabriela. Kasama nila si Nanay Nena (di-tunay na ngalan), ina ni Maya (di rin tunay na ngalan), isa mga nasawi na dati ring miyembro ng Gabriela.

Hindi pangkaraniwan ang gabing iyun. Hindi pangkaraniwang mga sundalo pa ng Philippine Air Force, mula sa 730th Combat Group nito na nakabase sa Nasugbu, ang nagbabantay sa isang punerarya. Siyempre, hinarangan ng mga ito ang pagpasok ng grupo. Kinausap sila ng isang pulis. Sa una, pumayag ang mga ito, basta tig-dadalawa bawat “claimant” ng bangkay. Tatawagan lang daw ang imbestigador ng pulis para sa clearance.

Pero maya-maya, ayaw na muli silang papasukin. “Malakas daw ang formalin,” kuwento ni Jane. Sabi ng superbisor ng punerarya, isinasailalim pa raw ang mga bangkay sa autopsy. “Iyung 15? Ilan ba ang nag-a-autopsy sa inyo?” tanong niya. Hindi makasagot ang bisor. Tumawag siya sa abogado ng Gabriela, at pinakausap sa bisor.

Mga trenta minutos pa, pumayag na ang punerarya at pulis na makita ng mga kaanak ang mga bangkay. Pero pinigilan ng pulis si Jane, na naglabas ng kamera. “Ano po ba kasi ang itinatago ninyo?” Pinayagan din siya.

Pumasok si Nanay Nena, kasunod si Jane. Pumasok din ang mag-asawang magulang ng isa pang biktima, si Kathy (di-tunay na ngalan), 24.  May kadiliman sa loob ng morge. Sa bungad ng kurtina, may dalawang bangkay ng lalaki. Nakasalanlan sa lapag. May basag ang mga mukha, sobrang dumi. Sa unahan nito, isang mesa na may dalawa pa. Lampas nito, isa pang mesa sa tabi ng malalaking lalagyan ng kemikal.

Sa mesang iyun—napadalawang tingin ni Nanay Nena. Parang anak niya. Pero tila nabura na ang kanyang nunal sa itaas-kanang bahagi ng labi. Kung nasaan ang kanyang kaliwang mata, may bulak na ngayon. “Lumuwa na ang mata,” sabi ng isang taga-punerarya. Ang kanyang braso, tila humiwalay na sa katawan. Ang isang braso, nakadikit na lang sa katawan sa pamamagitan ng forceps.

Bumulwak na ang luha ni Nanay. Samantala, sa unahan ng bangkay ng kanyang anak, sa tabi ng isang hagdan, may bangkay ng dalawang babae. Nakita ng mag-asawang magulang ni Kathy. Nakilala agad nila ang kanilang anak.  Nakanganga ito, labas ang ngipin–tila bakas ang paghihirap bago mamamatay.

“Hubad silang lahat,” kuwento ni Jane. Puting tela, na maiksi pa nga para sa buong katawan, ang nakatabing sa kanila. Ang isang bangkay—nakilala bilang si Daniel (di-tunay na ngalan), kasintahan ni Kathy—tila butas ang dibdib.

“Ano ang ikinamatay nila? Ilang tama ng bala?” tanong ni Nanay Nena sa taga-punerarya. “Basta maraming tama,” sagot nito. Lumalabas, hindi totoong isinailalim sa autopsy ang mga bangkay. Amoy formalin, pero namumuo pa ang mga dugo sa kanilang katawan. Si Daniel, butas ang dibdib. Si Kathy, buo pa ang mukha pero tila butas din ang batok.

Pagkalabas ni Nanay Nena sa punerarya, nakita niya ang mga sundalo. Hindi na niya natiis. Pinagmumura niya ito, buong lakas, buong tapang. “Anong ginawa ninyo sa anak ko? Bakit walang mga laman-loob? Ano kayo, mga aswang?!” Tahimik ang mga sundalo. Tahimik ang buong lugar, nakikinig sa nanginginig na sigaw ng isang nagluluksang ina.

Mga kaibigan at kasamahan ni Jo Lapira, nagbigay ng parangal sa kanya sa UP Manila. <b>Kathy Yamzon</b>

Mga kaibigan at kasamahan ni Jo Lapira, nagbigay ng parangal sa kanya sa UP Manila. Kathy Yamzon

Kinabukasan pa umano makukuha ang mga bangkay, ayon sa pulis. Alas-otso ng umaga darating ang hepe ng Nasugbu, si PCInp. Rogelio Pineda Jr. na makakatulong daw sa pagpapauwi sa mga bangkay. Napilitan pang pumunta sa isang otel ang grupo para palipasin ang gabi.

“Pasado alas-otso, nandun na kami sa Nasugbu Police Station,” ani Jane. Sa reception ng estasyon, kunwari pa’y tumatawag ang nakabantay na pulis sa hepe. Samantala, isang pulis na nakadamit-sibilyan ang nagmamando sa mga pulis. “Kapag pumasok ang mga iyan (grupo ng claimants), posasan ninyo!” pasigaw na utos nito sa mga pulis. Nang kumprontahin ito ng mga miyembro ng Gabriela, pumasok ito sa estasyon. Paglabas, nakauniporme na. Siya nga, si Pineda na hepe ng estasyon.

Matapos ang ilang minutong paggiit ng grupo na mapapayag ang pulisya na ibiyahe na ang mga bangkay, napapayag si Pineda. Pero nanermon pa sa mga kaanak: “Dati rin akong aktibista. Dati akong LFS (League of Filipino Students). Namundok din ako. Wala talaga silang mapapala diyan,” sabi diumano ni Pineda, patungkol sa mga aktibista, lalo na mga estudyante, na nagdedesisyong lumahok sa armadong pakikibaka para mag-ambag sa rebolusyonaryong pagbabago sa bansa. Maraming sinabi, pagpapa-blotter lang pala ang magagawa ni hepe para maiuwi ng kaanak ang mga labi.

Noong umagang iyon, dumating na ang magulang ni Daniel. Tinulungan din ito nina Jane na kilalanin ang labi ng anak, at makuhanan ng permiso na maiuwi ito.

Larawan ng labi ni Jo na ipinaskil ng militar sa isa sa mga FB pages nito. Kami na ang nag-blur sa kanyang mukha.

Larawan ng labi ni Jo na ipinaskil ng militar sa isa sa mga FB pages nito. Kami na ang nag-blur sa kanyang mukha.

Samantala, dahil sa pag-leak ng militar sa pangalan ni Jo Lapira, usap-usapan na sa madla ang pagkamatay ng estudyante ng UP Manila, siyang minsang nangarap maging doktor, pero namulat sa mga pampulitikang organisasyon sa pamantasan. Kalaunan, sa kanyang sariling pag-aaral at pagpasya, nakita niya na sa armadong pakikibaka siya kailangang lumahok.

Sa Facebook page na “Legal Army Wives,” pinaskil ng mga militar ang larawan ni Jo na wala-nang-buhay. Ang pakay, marahil, maging babala sa kabataan na huwag lumahok sa mga progresibong organisasyon at lalong mag-ingat na baka ma-“brainwash” ng mga komunista.

Pero nitong Disyembre 4, sa kampus ng UP Manila, nagtipon ang mga kaklase, kaibigan at kasamahan ni Jo para bigyang parangal siya. Mula sa mga opisyal ng pamantasan, hanggang sa mga propesor, hanggang sa mga kaibigan, kinilala at dinakila ang pag-ambag ni Jo (at nina Kathy, Maya, Daniel, at 11 iba pa) para sa makabuluhang pagbabago ng lipunan.

Tila hindi tumatalab ang pananakot at paninira ng militar.

 


*(Ayon sa Armed Forces of the Philippines, nakakuha raw ang 730th Combat Group ng PAF ng impormasyon hinggil sa dalawang sasakyang lulan ng mga rebelde noong Nobyembre 28. Sinundan umano ng mga elemento nito at ng PNP ang dalawang sasakyan hanggang nakipagbarilan ang mga ito. Nasawi ang 15 “rebelde” at sugatan ang isang drayber na pinararatangan nitong rebelde rin. Ang isa, si Jo, tinakbo pa umano ng mga sundalo sa  ospital at doon nawalan ng buhay. Pero ang ospital—sa Fernando Air Base sa Lipa City—ay mahigit dalawang oras ang layo sa Nasugbu. May mga ospital naman sa Nasugbu. Samantala, nananawagan ng independiyenteng imbestigasyon ang kaanak ng ilan sa mga nasawi.)

**Tinago natin ang tunay na ngalan ng ilan sa mga taong nasa ulat na ito bilang pagsaalang-alang sa kanilang seguridad.

 


Batas militar, ikalawang kabanata

$
0
0

Matapos ang isang taon at limang buwan, mistulang nasa sukdulan na ang kalagayan ng mga Pilipino sa ilalim ng pamumuno ng “pasistang” presidente na si Rodrigo Duterte.

Mula sa presidenteng nagsasabing may malasakit siya sa mga mamamayan at bukas ang isipan sa progresibong mga reporma, ang Pilipinas ngayo’y pinamumunuan ng lider na itinuturing na pasista at diktador na tumalikod sa pangangailangan ng mga mamamayan upang mapagbigyan ang interes ng iilan.

Kung tutuusin, simula’t sapul, ayon sa grupong pangkarapatang pantao na Karapatan, nariyan na ang senyales ng pasistang tunguhin ng rehimen: ang madugong giyera kontra droga, at pagpapatuloy ng programang kontra insurhensiya ng nakaraang mga rehimen.

Bago pa man ikansela ang usapang pangkapayapaan, ilang paglabag na sa karapatan pantao ang naganap magmula sa hindi makaturang pag-aresto at ilang mga pagpatay ang naitala ng Karapatan. Umigting ito noong tuluyan nang ianunsiyo na wala nang usapang sa pagitan ng National Democratic Front of the Philippines (NDFP) at ng gobyerno ng Pilipinas at itinuturing na raw ng gobyerno na “terorista” ang New People’s Army (NPA) at Communist Party of the Philippines (CPP).

Batay sa mga aksiyong ito ni Duterte, para sa mga progresibo, tuluyan nang namili ang pangulo kung saang panig, kung kaninong alyado at kung anong bihis ang ipapakita nito. At malinaw sa kanila na hindi ito para sa mga mamamayang Pilipno.

Masaker sa masa

Umpisa pa lang ng termino ni Duterte, dugo na ang bumalot sa mga eskinita at kakalsadahan sa Pilipinas dahil sa kanyang Oplan Tokhang sa pangunguna ng Philippine National Police (PNP).

Naging talamak sa programang giyera kontra droga ang brutal na pagpaslang sa maraming pinaghihinalaang tulak at gumagamit ng droga ng ilang kapulisan at di-kilalang armadong indibidwal.

Sa tantiya ng Karapatan, mula 4,000 hanggang 14,000 na ang naiulat na biktima ng giyerang ito.

Hindi rin nakaligtas ang maraming kabataan sa kalupitan ng giyerang ipinapatupad ng gobyerno. Base sa pagsusubaybay ng Children’s Rehabilitation Center (CRC), higit na sa 31 kabataan ang napapaslang kaugnay ng isinasagawang operasyon ng kapulisan.

Sina Kian delos Santos,17, Carl Arnaiz, 19, at Reynaldo de Guzman, 14, ay ilan lang sa kabataang brutal na pinaslang ng kapulisan. Sa kabila ng matibay na mga ebidensiya na nagpapatunay laban sa PNP, patuloy pa rin ang brutal na pagpaslang sa mga biktima.

Pampulitikang pamamaslang

Nitong Dis. 3, muling nagimbal ang madla sa balita: Patay ang isang pari matapos itong pagbabarilin ng hindi pa nakikilang indibidwal sa Jaen, Nueva Ecija.

Napagalamang dating pari ng Guimba at coordinator ng Rural Missionaries of the Philippines sa Gitnang Luzon na si Fr. Marcelito “Tito” Paez ang biktima ng nasabing pamamaril. Bandang alas-otso ng gabi nang pagbabarilin si Fr. Paez sa kanyang sasakyan. Naisugod pa ito sa ospital ng San Leonardo ngunit kalauna’y binawian rin ng buhay.

Ayon sa Karapatan, tumulong pala ito sa pagpapalaya ng bilanggong pulitikal at organisador ng magsasaka na si Rommel Tucay.

Samantala, isang araw bago paslangin si Fr, Paez, patay rin sa pamamril ang isang pastor na si Lovelito Quiñones, 57, habang pauwi ito sa kanilang tahanan. Hinihinalang elemento ng Regional Mobile Group (RMG) na noo’y nakikipagsagupaan sa NPA ang pumaslang sa pastor. Pinagbibintangan ng 203rd Brigade ng Army na miyembro ng NPA si Quiñones. Agad naman itong pinasinungalingan ng pamilya ng biktima.

Samantala, hindi rin nakaligtas sa mainit na gatik ng gatilyo ang maraming magsasaka at ilang tagapagtanggol ng karapatang pantao.

Nitong pagpasok ng Nobyembre, sunud-sunod ang pagpaslang sa mga lider-magsasaka ng ilang elemento ng militar at di-kilalang mga indibidwal. Halos lahat ng biktima’y pinaghihinalaang miyembro ng NPA, kundi man sumusuporta sa mga ito.

Tumataas din ang bilang ng mga bilanggong pulitikal sa bansa. Ayon sa Karapatan, higit 121 na ang inaaresto sa ilalim ng administrasyong Duterte dahil sa gawa-gawang mga kaso. Sa kabuuan, mayroon nang 449 na mga bilanggong pulitikal. Kabilang sa kanila ang matatanda, may sakit at mga menor-de-edad.

Sukdulan na rin ang kinakaharap ng maraming katutubong Lumad sa Mindanao. Lumala na ang militarisayong nagaganap sa kanilang lugar na naging dahilan upang muling magbakwit nila. Dumadanas din sila ng pandarahas sa mga militar at maging ang mga donasyong bigas at pagkain ay hindi hinayaang makaabot sa mga bakwit.

Nitong huling dalawang linggo, lalong tumindi ang mga atake. Dis. 3, pinagbabaril ang walong katutubong T’boli at Dulangan na pawang mga magsasaka ng pinaghihinalaang mga miyembro ng 27th at 33rd Infantry Battalion ng Army sa probinsiya ng Saranggani.

Bandang ala-una ng hapon, dapat sana’y mag-aani ng kanilang mga pananim ang mga Lumad nang pagbabarilin sila. Kinilala ang mga nasawi na sina Victor Danyan, Victor Danyan, Jr., Artemio Danyan, Pato Celardo, Samuel Angkoy,To Diamante, at Bobot Lagase, Matend Bantal. Samantalang sina pawang sugatan naman sina Luben Laod at Teteng Laod. Kabilang ang mga napaslang sa grupong lumalaban para sa kanilang lupang ninuno na inagaw ng kompanyang Consunji/DMCI sa mahabang panahon.

Nagsimula na ring magbakwit ang ilang B’laan (Lumad) mula sa ilang barangay sa Saranggani dahil sa walang humpay na pag-atake ng mga militar. Tinatayang nasa 210 na pamilya ang nagbakwit.

“Hindi nila pinapayagang makapasok ang mga pagkain mula sa ilang nagbibigay-tulong kahit kasama namin ang ilang opisyal ng gobyerno. Hindi rin nila pinapayagang makapasok ang mga estudyante at guro sa kanilang lugar kung saan matatagpuan ang evacuation center,” ani Chad Booc, boluntaryong guro ng Alternative Learning Center for Agricultural and Livelihood Development Inc. o Alcadev sa Surigao del Sur.

Samantala, sa kabila ng paghupa ng labanan sa Marawi sa pagitan ng gobyerno at sinasabing mga miyembro ng grupong Maute, nananatiling nawawala ang libu-libong residente—hindi matukoy kung lumipat sila sa ibang lugar o nasawi sa mga pagbomba at labanan.

Palit-kulay

Sa maikling panahon ng panunungkulan, mabilis na nagpalit kulay ang dating administrasyong Duterte. Mula sa ultimo’y kulay puti dahil sa magagandang pangako para sa bayan, biglaang bumuhos ng mala-dugong kulay sa kalsada, bukid at kabundukan.

Ang mga sunud-sunod na hindi magagandang pangyayari sa hanay ng katutubo, magsasaka, at maralitang lungsod ay naghudyat ng pagkaalarma ng ilang grupo lalo na’t nakaamba ang pagpapahaba ng basta militar sa Mindanao at pagpapalawak ng implementasyon nito sa buong bansa.

Sa pagdeklara rin ni Duterte na mga “terorista” na ang mga nagrerebolusyong kasapi ng CPP-NPA-NDF, pinangangambahan ang pagtindi ng mga atake sa mga sibilyang komunidad at indibidwal. Samantala, sa pagdeklara rin ng Pangulo ng crackdown sa legal at sibilyang mga organisasyong masa, mistulang tumtutungo na ang bansa sa mala-batas militar na hayagang pagsupil sa karapatan ng mga mamamayan.

“Maraming aktibista, progresibong organisasyon, at mga target na komunidad ay alam ang brutal at mapangabusong kakayahan ng Estado, at at kami ay nangangamba na rito,” ani Cristina Palabay, pangkalahatang kalihim ng Karapatan.

Pero ipinapakita ng karanasan ng bansa sa batas militar noon na sa harap ng mga panunupil ay lalakas lamang ang kilusang masa, lalakas lamang ang boses ng mga mamamayan na gumigiit ng pambansang kalayaan at demokrasya.


 

Two boys burned alive, left for dead

$
0
0

Mindanaoan victims and eyewitnesses to human rights abuse committed by the police and military forces gave testimony in front of a horrified audience. This happened in a press conference organized by human rights alliance Karapatan and the International Coalition of Human Rights in the Philippines (ICHRP) on February 26 at the NCCP Office in Quezon City,

Among the most affecting accounts was the story of two boys who escaped from a failed extrajudicial killing attempt by soldiers belonging to the 71st Infantry Battalion of the Philippine Army.

Janry Mensis, 22, and Jerry (not his real name), 16, grew up in a farming community in Malamudao, Compostela Valley. Their parents were farmers, earning a living planting rice, banana and root crops on a small plot of land. In their respective families, both were middle children. Janry has seven siblings, while Jerry has eight. Like most poor families in rural communities, their parents could not afford to keep them in school. Both boys were only able to reach fourth grade.

Janry and Jerry are not related by blood. But they were friends, and both worked for a small local miner, digging excavated land for gold.

Like some teenagers from Rizal or Bulacan who liked to visit relatives and go to malls after getting their hard-earned salary, Janry and Jerry decided to go to the nearest big city – Tagum – to buy new clothes. It was Christmas season and they believed they deserved to get something new to wear.

They looked nothing out of the extraordinary. This was something they sought to emphasize in their testimony later on. They wore slim fit jeans, sneakers and black shirts: they looked like they were off to attend a Slapshock concert or to hang out on one of the Hypebeast hangouts in Metro Manila.

They said that they wore the same type of clothes, even on the night when they were taken by armed men.

After a day of buying new clothes and having fun in the city, the two decided to buy balut just a few walks away from the house of a relative in Tagum. Suddenly, they accosted by men whom they later discovered were from the 71st IBPA.

The men accused them of robbery. The two young men were too shocked to immediately respond.

Dinampot kami dahil marami raw nangyayaring nakawan sa lugar (They picked us up because they said stealing was rampant in the area),” Jerry said.

The men took them to the police station where they were almost immediately cleared. Instead of being allowed to go home, however, they were bought to a military camp in Mawab, Compostela Valley. From being suspected as robbers, they were then accused of being members of the New People’s Army.

Janry and Jerry were bound and locked up for nine days, heavily beaten up by interrogating soldiers. They were not allowed visits from relatives and friends, and were not allowed legal representation. In fact, not one of their relatives was informed of the incident and they were detained not in a government sanctioned jail, but kept within the confines of a military ambulance parked inside a military camp.

For nine days, they were beaten continuously. Not an hour passed when they did not fear that it would be their last. Then around midnight of December 6, 2017, the two were forced by their captors to wear military uniforms, and board a military truck with some soldiers. They were driven to Brgy. Masara, still in Compostela Valley. They were hogtied and their mouths plastered with packing tape. Janry was able to positively identify the 71st IBPA commander Estevyn Ducusin who rode with them to Masara.

At Masara, the two were taken out of the truck.

Tiniis namin ‘yung matinding takot at sakit. Sa isip ko, magpanggap na lang akong patay baka makaligtas pa ako (We endured great fear and suffering. In my mind, I had to play dead to survive),” Jerry said.

Even in their helpless state, the two young men were still violently strangled by the soldiers. They pretended to lose consciousness, then they felt themselves being pushed into a hole.

Inside the pit, they suddenly smelled kerosene. Soon, they felt the the gas being splashed all over their crumpled bodies.

As luck would have it, their military clothes were soaked in sweat that did not immediately ignite even after being doused with kerosene. In their frustration, the soldiers gathered dried leaves and threw them into the pit. Soon the pit was burning, and so were the two young men in it.

It took all of their will and strength to keep up the pretense of being dead. They struggled painfully against screaming out as the flames began to burn their flesh. They hoped against hope that the soldiers would think that the two were already dead, and would leave them.

Sobra po ang sakit ng sinusunog ang katawan. Kahit gusto ko na magsisigaw sa sakit, hindi ko magawa kasi yung pagpanggap lang na patay ako ang pag-asa ko mabuhay (The pain of being burnt was excruciating. Even as I wanted to scream in pain, I could not because we were playing dead in order to have a chance to live),” Janry said. As he spoke, he kept touching his legs which were, it was explained later, scarred by third degree burns.

Only their determination to secure justice against the soldiers who attempted but failed to kill them – and the desperation to ensure that what they suffered would not be suffered by others – gave them the courage to retell the experience that would haunt them forever.

As soon as they sensed the soldiers gone, the two managed to break off the rope that tied them and carefully, painfully climbed out of the pit.

Mga sugat mula sa sunog sa katawan ni Janry. <b>Kontribusyon</b>

Mga sugat mula sa sunog sa katawan ni Janry. Kontribusyon

The distance that normally took three days to walk they covered in a few short but fear-filled hours of alternate running and fast walking.

“Nandoon na ang mga sundalo, may dalang tatlong aso kaya nagtatakbo uli kami. (Nagsimula kami) tumakbo bago pa sumikat ang araw, nakarating kami sa baryo bago alas-kuwatro ng hapon,” Janry said.

Janry and Jerry arrived in Malamudao before sunset. The relief their relatives experienced when they saw the two young men quickly disappeared when the two shared their ordeal. Janry’s father contacted human rights group Karapatan to seek help.

Jigs Clamor, Karapatan secretary-general, said that they can provide pictures and even the medico-legal report to prove the intensity of the torture Janry and Jerry experienced, the strangulation bruises and burns that the two sustained.

Janry sustained third degree burns in his body while Jerry strangulation marks are still visible on his neck.

Jerry celebrated his 17th birthday a few weeks after the event. He said that he only had one wish: for justice, and he was grateful to still be alive to reach another birthday.

Had it not for their quick thinking and presence of mind, the two young men would not have survived. They had the force of will and bravery to stand in front of audience and explain in detail the horrors that the Duterte and his security forces inflict upon the people of Mindanao with impunity, having declared martial law in Mindanao.

Not everyone is as lucky as Janry and Jerry, however.

"Jerry" and Janry, sa presscon kamakailan. <b>Iya Espiritu</b>

“Jerry” and Janry, sa presscon kamakailan. Iya Espiritu

Just over a month after President Duterte commanded the Armed Forces of the Philippines (AFP) to bomb Lumad schools, 19-year-old Obello Bay-ao was hunted down and shot by two paramilitary forces who were also his cousins. Neighbors were still able to rush him to the hospital, but he was declared dead at around 9 PM, September 5, 2017. Obello was a student of the Salugpungan Ta Tanu Igkanuon-Community Learning Center.

In an aerial bombing in Lobo, Batangas by forces of the 730th Combat Group of the Air Force, an unidentified father and his child were killed.

Duterte’s drug war has turned into a war on poor people, including children. Among the 54 people aged 18 years old and below killed because of the drug war, some of the shocking cases of drug-related killings of minors either as targets or collateral damage are Althea Barbon, 4, Francis Manosca, 5, Krisitine Joy Sailog, 12, Jayross “Utoy” Brondial, 13, Carl Arnaiz, 19, Jefferson Bunuan, 20, and most glaring was the case of Kian delos Santos, 17, who was accused of fighting back at the policemen (“nanlaban“), when the CCTV footage said otherwise.

To date, 53 Lumad schools have been forcibly closed/ enforced to be closed by the government, when it had nothing to do with setting up of these schools in communities that it has neglected the education of the Lumad for decades. These schools served to promote science in agriculture, Lumad ways of living in culture, and love of country and their ancestral land in values education. In a nutshell, these schools served as a catalyst to sustainable growth of Lumad communities in accordance to their way of life on their ancestral lands.

Evidently, state fascism and martial law in Mindanao have not been the changes that Filipinos expected. Contrary to what diehard supporters of President Duterte and like-minded trolls on social media arrogantly allege, the abovementioned cases suggest that the Duterte presidency does want peace in the Philippines. In fact, the opposite is what the regime now cultivates: war, impunity, and destruction of the lives of the innocent.

Hindi talaga namin alam kung bakit kami dinampot at tinortyur ng mga sundalo. Mga ordinaryong tao lang naman kami. Yung magulang ko, myembro ng organisasyon ng magsasaka, pero wala kaming alam doon. Hindi ko akalain na kaya ng mga sundalo na gawin yun sa mga tao (We really do not know why were were abducted and tortured by the soldiers. We are just ordinary people. My parents were members of a peasant organization, but we are not. I did not imagine that soldiers can do that to people),” Janry said.

Yes, Janry, soldiers have been known to do much, much worse.


 

Aktibismo, ‘di terorismo

$
0
0

Hindi terorista ang aktibista.

Ito ang sagot ng mga grupong progresibo sa listahan ng Department of Justice (DOJ) na nagaakusa sa 656 indibidwal na “terorista”. Idinidikit ang mga pangalan nila sa Communist Party of the Philippines at New People’s Army. Bahagi ito ng plano ni Pangulong Duterte na bansagang “terorista” ang naturang mga grupo sa ilalim ng Human Security Act. Naghihintay na lang sila ng desisyon ng RTC Branch 19 upang maging legal ang bansag na ito.

Pero ayon sa mga liderprogresibo na nakakita sa naturang listahan, malinaw na walang terorista sa mga ito. Sa kabilang banda, marami sa mga nasa lista ay mga aktibista, negosyador pangkapayapaan, at tagapagtanggol ng karapatang pantao.

Isa si dating Rep. Satur Ocampo sa isinama sa listahan. “Hindi ako terorista, at hindi kailanman magiging isa,” aniya. Kasama niya ang ilang negosyador pangkapayapaan ng National Democratic Front of the Philippines tulad nina Jose Maria Sison, Luis Jalandoni, at Coni Ledesma, at mga konsultant nito tulad nina Benito Tiamzon at Wilma Tiamzon, Adelberto Silva, at iba pa.

Maging ang ilan pang namatay na ay pinangalanan sa listahan tulad ni Camille Manangan, dating lider ng Gabriela-Youth na nasawi sa Batangas noong Nobyembre 2017.

Kasama rin sina Windel Bolinget ng Cordillera People’s Alliance (CPA); Joan Carling, co-convenor ng Indigenous Peoples Major Group for the Sustainable Development Goals; Atty. Jose Molintas, dating kinatawan ng Asya sa UN Expert Mechanism on the Rights of Indigenous Peoples; Janet Ribaya-Cawiding, dating tagapangulo ng CPA; Beverly Longid, kasalukuyang global coordinator ng International Indigenous People’s Movement for Self-Determination and Liberation; Sherwin de Vera ng Safe the Abra River Movement at kolumnista sa Northern Dispatch; at marami pang iba.

Kasama pa sa listahan si Vicky Tauli-Corpuz, UN Special Rapporteur on the Rights of Indigenous People.

Nasa listahan din ang ilang lider-katutubo sa Mindanao. Kaya atake ito sa mga nagtatanggol ng karapatang ng mga katutubo kontra sa malalaking negosyo at panginoong maylupa na umaangkin ng lupa at yaman nito, ayon sa Indigenous People’s Movement for Self-Determination and Liberation.

May malinaw ding implikasyon ang pagbabansag na ito sa usapang pangkapayapaan. Ayon sa NDFP, ibig sabihin ng proscription na ito’y ang mga pangalan sa listahan ay mga terorista, at kung anuman ang kanilang ginagawa’y akto ng terorismo. Ibig sabihin, tuluyan nang tinalikuran ni Duterte ang usapang pangkapayapaan.

Para sa mga lider-progresibo, napakamalisyoso, walang basehan at may intensiyong mangharas ang listahang ito. “Nakakatawa, dahil ang burden of proof ay nasa mga akusado,” ani Renato Reyes Jr., pangkalahatang kalihim ng Bagong Alyansang Makabayan o Bayan. Malinaw umanong itinuturing ng rehimeng Duterte na terorismo ang paggiit ng mga mamamayan ng kanilang karapatan. Dahil sa mga atake nito sa karapatan ng mga mamamayan, si Duterte pa umano ang numero unong terorista sa kanyang paglabag ng karapatang pantao.

“Hindi kami natatakot, hindi ngayon, hindi bukas, hindi kailanman,” ani Elisa Tita Lubi, tagapagtanggol ng karapatang pantao. Aniya, magpapatuloy ang paggiit ng karapatan ng mga mamamayan—anuman ang pagbabanta ng rehimeng ito.


 

Isang taong teror

$
0
0

Isang taon nang pinatutupad sa isla ng Mindanao ang batas militar. Isang taon na mula nang masimulan ang pagkasira sa lungsod ng Marawi sa ngalan ng giyera kontra sa mga terorista.

Pero para sa rebolusyonaryong kilusan na target ng batas militar sa Mindanao, terorismo ang mismong ipinataw ng militar at rehimeng Duterte sa mga mamamayan ng Mindanao at Bangsamoro.

“Kinober ng batas militar ni Duterte hindi lang ang Marawi kundi ang buong isla ng Mindanao, (at) binigyan ng buong lisensiya at kontrol ang AFP/PNP (Armed Forces of the Philippines/Philippine National Police) sa pagharang at paglaban sa sinumang tinuturing na ‘teroristang banta’ ng reaksiyonaryong estado,” sabi ni Joaquin Jacinto, tagapagsalita ng National Democratic Front sa Mindanao.

Ang naging resulta: limang buwan ng walang-habas na pananalakay ng militar sa baba, habang sunud-sunod ang pambobomba mula sa ere gamit ang pinakahuling bombers, jet fighters, drones, helicopters, at artillery ng AFP, sa tulong ng armadong puwersa ng US.

Wasak ang buong lungsod ng Marawi habang napaslang naman ang di-pa-rin-mabilang na mga sibilyang naiwan o naipit sa lungsod. Ang tantiya ng NDFP, mahigit isanlibong sibilyan ang nasawi sa Marawi.

“Nagresulta din ito sa isa sa pinakamalawak na ebakwasyon sa bansa sa bagong kasaysayan, kung kalian kalahating milyon ang puwersahang lumikas mula sa kanilang mga tahanan at kabuhayan para maligtas,” sabi pa ni Jacinto. “Ipinasailalim naman sa ilang buwan ang mga bakwit (evacuees) sa gutom, kahihiyan at panliligalig sa mga evacuation center na di masyado suportado, (at) nasadlak ang ilang sibilyan sa kalungkutan at halos-kabaliwan.”

Samantala, sa buong Mindanao, pinakawalan umano ng AFP ang mga operasyong militar sa lahat ng rehiyon. Gumamit ang mga operasyong ito ng pambobomba mula sa ere at panganganyon—para sundin ang utos ni Duterte na “patagin ang mga burol.”

Tinatayang 51 batalyon ng Philippine Army ang nadeploy sa buong Mindanao—o humigit-kumulang 72 porsiyento ng buong puwersa ng AFP sa buong bansa.  Magmula Mayo 23, 2017 hanggang Mayo 2018, nakatala ang Karapatan ng 49 biktima ng ekstrahudisyal na pamamaslang sa Mindanao, o isang biktima kada linggo.

“Maliban sa Marawi City, daandaanlibong mamamayang Lumad, Bangsamoro at magsasaka sa isla ang puwersahang nagbakwit nang walang tiyak na suporta,” sabi pa ni Jacinto. “Sa mga bakwit na Maranao, sa kabila ng paulit-ulit na mga pangako ng rehimeng US-Duterte (sa pamamagitan ng “Task Force Bangon Marawi”) na ibabalik sila sa kanilang mga tahanan, nananatili sila sa mga barungbarong na tent cities sa labas ng Marawi.”


Featured photo: Larawan ni Kathy Yamzon

Lider-aktibista sa Mindanao, ‘tinokhang’

$
0
0

“Totokhangin namin kayo kung ’di kayo tumigil sa pagsuporta sa NPA!”

Ito ang pahayag ng isang militar kay Beverly Geronimo, 27, at sa iba pang lider sa Sitio Cogonon, Treno, Agusan Del Sur na pinaratanggang sumukong mga miyembro ng New People’s Army (NPA). Nitong Mayo 26, pinatay si Beverly ng riding-in-tandem.

“Nung binaril kami ng tatlong lalaki na nakamotor, tinulak ako ni mama palayo para hindi ako tamaan ng bala,” kuwento ng 8-anyos na si Nene (di tunay na pangalan) na nakaligtas sa pag-atake ng mga hinihinalang ahente ng estado sa nasabing lugar.

Nagtamo ng pitong tama ng bala si Beverly na agad niyang ikinamatay habang tinamaan naman sa kaniyang kaliwang balikat si Nene.

Nagpunta sina Nene at kaniyang ina kasama ang ibang kamag-anak sa bayan upang mamili ng gamit sa paaralan para sa darating na pasukan. Kilala si Beverly sa kanilang komunidad bilang aktibistang kontra sa pagmimina at miyembro ng Tabing Guangan Farmers Association (Taguafa).

Nakaranas si Beverly ng harasment, intimidasyon, at pamumuwersa mula sa mga military battalion na nasa kanilang komunidad mula noong 2009 (75th, 25th, 67th, at 66th). Kilala siyang kritiko ng large-scale mining companies gaya ng OZ Metals at Agusan Petroleum.

Inakusahan si Beverly ng mga militar na miyembro ng NPA at nito lamang Marso, isinama si Beverly, kasama ang iba pang lider sa komunidad, na mga sumuko umanong NPA na kanilang mariing pinasinungalingan.

Binantaan umano sila ng mga militar na kung patuloy silang susuporta sa NPA may masamang mangyayari sa kanila. “Tokhangin namin kayo,” sabi umano ng militar sa kanila.

“Kapag hinanap ulit ng mga sundalo si mama, sasabihin ko nalang sa kanila na may pinuntahan siya,” dagdag ni Nene.

Grade 3 si Nene sa Mindanao Interfaith Services Foundation, Inc. (Misfi) Academy kung saan aktibo si Beverly bilang presidente ng Parents Teachers and Community Association (PTCA). Tulad ng iba pang paaralang Lumad sa Mindanao, nahaharap ang Misfi sa iba’t ibang porma ng atakeng militar.

“Hindi ako makakapasok sa Hunyo 4 dahil antayin ko pa si mama,” ayon kay Nene na nagpapatungkol sa libing ng kaniyang ina.

Sa Mindanao, hindi mabilang na buhay ang nawala sa brutal na paraan mula sa kamay ng mga militar. Hindi ligtas kahit na ang mga bata. Kung hindi man sila mapaslang, naiiwan silang ulila at napagkakaitan ng karapatan na mabuhay na may proteksiyon at pagkalinga mula sa kanilang magulang.

Sa kaso ni Nene, bilang panganay, naiwan sa kaniya ang responsibilidad na magalaga ng kaniyang dalawang kapait na sina Jane, 6, at Ken, 5 (hindi nila tunay na pangalan).

“Mabait si mama at maalaga. Magaling syang magluto ng sinugba,” alala ni Nene sa kaniyang Ina.

Maghihilom ang sugat ni Nene mula sa pananambang sa ilang lingo; pero mananatili ang sugat na dulot ng madugong insidenteng ito habambuhay sa kanyang alaala.

Viewing all 188 articles
Browse latest View live


<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>