Quantcast
Channel: Karapatang Pantao – Pinoy Weekly
Viewing all articles
Browse latest Browse all 188

Mabilis na paglitis kay Palparan, panawagan ng kaanak ng desaparecidos

$
0
0
Binuo ng mga kaanak ng mga biktima ng sapilitang pagkawala ang salitang convict mul sa mga larawan ni Jovito Palparan na tinaguring 'berdugo'. Macky Macaspac

Binuo ng kaanak ng mga biktima ng sapilitang pagkawala ang salitang “Convict” mula sa mga larawan ni Jovito Palparan na tinaguring “berdugo”. Macky Macaspac

Kasabay ng paggunita sa International Day of the Disappeared, nanawagan ang grupong Desaparecidos para sa mabilis na paglilitis at paghatol kay dating heneral Jovito Palparan.

Sa isang pagtitipon sa Unibersidad ng Pilipinas kaninang umaga, sinabi ni Lorena Santos, pangkalahatang kalihim ng Desaparecidos, na sapat ang ebidensiya na nagtuturo ky Palparan bilang ‘utak’ sa pagdukot sa dalawang estudyanteng sina Karen Empeño at Sherlyn Cadapan.  “ Higit sa sapat ang patotoo ng mga saksi para magpatunay na siya ang may utak sa pagdukot, panawagan namin ang mabilis na paglilitis sa kanya,” ani Santos.

Nakatakda ang pre-trial hearing ni Palparan sa Lunes, Setyembre 1, sa Malolos Regional Trial Court.  “Muli kaming tutungo sa Malolos para ipakita kay Palparan na hindi namin siya lulubayan, at babantayan namin ang pagdinig sa kaso niya,” sabi pa ni Santos sa Pinoy Weekly.

Maliban sa kaso nina Cadapan at Empeno, nais din ng grupo na panagutan ni Palparan ang iba pang kasong kanyang diumano’y kinasangkutan. Aabot sa 59 ang sinasabing biktima ng pagdukot at sapilitang pagkawala sa Timog Katagalugan, Silangang Visayas at Gitnang Luzon, mga area of operation ni  Palparan noong aktibo siya sa militar.

Hangad pa rin ng mga kaanak na mailitaw ang mga nawawala. Macky Macaspac

Hangad pa rin ng kaanak na mailitaw ang mga nawawala. Macky Macaspac

Gayundin, bukod kay Palparan, hinamon ng grupo ang administrasyong Aquino na panagutin din ang iba pang “berdugo” na nasa hanay daw ng  Armed Forces of  the Philippines (AFP) na nagpapatupad ng Oplan Bayanihan.

Tinukoy ng grupo sina Brig. Gen. Ricardo Visaya, Gen. Eduardo Año, Gen. Aurelio Baladad at AFP chief Gen. Pio Catapang, na pawang sangkot daw sa mga kaso ng pagdukot at iba’t ibang porma ng paglabag sa karapatang pantao.

“Pinakamasahol, ipinagpapatuloy nila ang utak-Palparan na patakaran ng Oplan Bayanihan (programang kontra-insurhensiya ng gobyerno). Patuloy silang pumapatay at dumudukot ng mga tinagurian nilang kaaway,” paliwanag ni Santos.

Ayon pa sa grupo, bagamat nahuli na si Palparan, mayroon namang 20 biktima ng sapilitang pagkawala sa ilalim ng administrasyong Aquino.

“Isang berdugo lang ang nakulong. Marami pang ‘Palparan’ sa AFP. Sila ang dumudukot, pumapatay at lumalabag sa karapatan ng ordinaryong mga mamamayan. Sila ang kinakanlong ng gobyernong Aquino at nagpapatupad ng Oplan Bayanihan,” ani Santos.

Isa sa mga biktima ng sapilitang pagkawala si Benjmin Villeno, organisador ng mga manggagawa sa Timog Katagalugan. Ikinuwento  ni Justin Villeno sa Pinoy Weekly na nawala ang kanyang ama noong Agosto 27, 2013.

“Ang huling text niya sa amin noon, may dalawang taong sumusunod sa kanya habang papunta siya sa bahay ng lola ko. Mula noon, hindi na namin siya nakita,” aniya.

Malakas ang hinala ni Justin na mga militar ang dumukot sa kanyang ama. “Walang ibang gagawa ng pagdukot sa tatay ko, kundi mga militar. Galit sila sa kanyang trabaho na pagtulong sa mga manggagawa,” ani Justin.

Panawagan na lang ni Justin na magkaroon ng kahit kaunting konsensiya ang mga dumukot at umaasang makakapiling pa rin niya ang kanyang ama.

Pondo sa DAP, kinuwestiyon

Samantala, kinuwestiyon din ng grupo ang pondong inilaan ng gobyerno sa kontrobersiyal na Disbursement Acceleration Program (DAP). Sa listahan ng mga proyektong pinondohan ng DAP na inilabas ng Department of Budget and Management noong Hulyo 30, aabot sa P125,460,000 ang naibigay sa mga pamilya ng mga biktima ng sapilitang pagkawala mula Hulyo 13 hanggang Disyembre 28,2012.

Iginiit ni Santos na walang napunta kahit singko sa mga miyembro ng Desaparecidos. “Huwag naman nilang gamitin ang mga biktima para bigyang katwiran ang DAP,” aniya.

Si Mrs. Editha Burgos, ina ni Jonas Burgos, na kasama sa mga humihingi ng katarungan para sa mga biktima. Macky Macaspac

Si G. Edita Burgos, ina ni Jonas Burgos, na kasama sa mga humihingi ng katarungan para sa mga biktima. Macky Macaspac

Dumaan sa Department of Social Welfare and Development ang pondong galing sa DAP sa pamamagitan ng proyektong Financial Assistance for Comprehensive and Integrated Delivery of Social Services o CIDSS.

Hirit pa ni Santos, sa loob lang daw ng anim na buwan, nakapagpalabas na ng milyong piso ang administrasyong Aquino sa ngalan ng mga biktima, samantalang nagtitiis ang kaanak ng mga biktima sa mahabang paghahanap sa mga mahal nila sa buhay na nawawala.

“Hindi namin kailangan ang pera. Ang kailangan namin, makita ang mga nawawala at matigil ang pagdukot at sapilitang pagkawala,” sabi ni Santos.

 

 


Viewing all articles
Browse latest Browse all 188

Trending Articles



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>